Blue’s Point of View
Ako nga ba ang nakatakdang susunod na Punong Pinuno ng mga Tipan ng mga Mangkukulam? Parang hindi naman ako babagay na maging isang pinuno. Napakahina ko. Kung hindi ko matalo ang dalawang prinsipeng shokoy at ang dambuhalang pugita ay paano ko matatalo si Rosa at ang kanyang hukbo ng mga mangkukulam?
Bigla ko na lamang naalala ang itim na kuwaderno na may naka-imprentang bungo at rosas, ang sagisag ng Tipan ng Bungo. May ilang sumpa akong naaalala roon kabilang na ang mga sekretong sumpa ng bawat tipan. Isa na rito ang pinakamataas na sumpa ng Tipan ng Sagradong Buwan, ang ‘Lux Angelum’. Isang sumpang kapag isnagawa ay mawawala ang kung ano mang balutan nito. Kung ano man ang magaganap sa mga mababalutan ng liwanag na ito ay walang nakakaalam. Hindi ako makapaniwala na ang Tipan ng Sagradong Buwan ay may ganitong klase ng sumpa. Isang sumpang may potensyal na manakit at kumitil ng maraming nilalang.
Wala akong ibang magagawa kundi gamitin ang isa sa mga sumpa mula sa itim na kuwaderno.
Ngunit alin doon? Ang tanging rumirehistro sa aking isipan ay ang Lux Angelum ngunit kailangang buo nag buwan sa pagsasagawa ng sumpang ito.
Kailangan ko nang gumalaw bilang isang mangkukulam at hindi isang kataw. Marahil ay magagamit ko pa rin ang aking ilang kakayahan sa ilalim ng tubig. Hindi naman nagtagal ay muling sumugod sa akin ang dambuhalang pugita. Gumawa ako ng maraming sibat na gawa sa yelo at pinaulanan ang nilalang. Hinndi naman ito huminto kahit na ilan sa mga yelong sibat ay tumagos sa katawan nito. Bumagal lang naman ang paglangoy nito kaya naman madali ko na lamang itong naiwasan.
“Lux Sphera!” ang sigaw ko kasabay ng paglitaw ng mga bola ng liwanag mula sa kamay. Lumipad ang mga ito patungo sa pugita ngunit madali naman nitong inilagan ang mga ‘yun. Ilang beses aklong gumawa ng mga yelong sibat at mga bola ng liwanag laban sa pugitang ‘yun ngunit walang anging epekto ang mga ‘yun kundi ang pabagalin lang ang galaw nito.
Hindi naman nagtagal ay isang muling malakas na ingay ang nagmula sa barko. Alam kong nakatakas na ang dalawang prinsipe mula sa silid kung saan ko sila ikinulong. Hindi naman ako nagpatinag sa nanaganap at pinagpatuloy ko ang pagagwa ng mga sibat na yelo at mga bola ng liwanag sa aking pagatake.
“Hinding-hindi ka na makakatakas!” ang sigaw ni Prinsipe Lumo nang magpakita ito mula sa barko, kasunod ng kanyang kapatid na shokoy na si Prinsipe Arba. Hindi naman ako huminto sa aking ginagawa. Madali namang isinasangga ng magkapatid ang mga yelong salabat gamit ang kanilang mga hawak na salapang.
“Mahinang nilalang!” ang sigaw ni Prinsipe Arba sabay tawa.
“Kaunti lang,” ang bulong ko sa aking sarili. “Kunting-kunti na lang,” ang muli kong bulong habang pinapaulanan sila ng sabat na yelo at mga bola ng liwanag.
“Hindi ka ba napapagod?” ang tanong ni Prinsipe Lumo kasunod ng kanyang pagsangga at paglihis ng mga sabat. “Wala nang epekto sa amin ang mga ‘yan. Nagsimula naman silang mabilis na lumnagoy patungo sa aking kinalalagyan. Mabilis at madali naman nilang iniiwasan ang mga bola at sibat.
Bigala naman akong huminto kaya naman natigilan sila sa pagatake sa akin.
“Sumusuko ka na ba?” ang tanong ni Prinsipe Arba. “Mabuti naman at natauhan ka.”
Ngumiti naman ako sa kanila. “Yan ang akala niyong dalawa.”
Napatingin ako sa ilalaim ng karagatan. Sinundan naman nila ‘yon ng kanilang mga mata. Tila ba ito ay ang kawangis ng kalangitan sa mga mumunting liwanag na kumikinang-kinang.
“A-ano ang mga ‘yan?” ang nagtatakang tanong ni Prinisipe Lumo.
“Oras ko naman para ako ang umatake,” ang saad ko. “Insludo. (A binding spell)”
May lubid ng liwanag namang nagpakita sa palibot ng dalawa at mabilis na lumiit. Nahuli naman ang dalawa at tuluyang hindi nakagalaw.
“Konstelasyon ng Hilagang Kalangitan, Ursa Major, Temo (The Big Dipper),” ang pagsisimula ko. Nagliwanag namang ang isang korteng konstelasyon sa ilalim ng karagatan. “Konstelasyon ng Kalangitan sa Timog, Crux (The Cross). Konstelasyon ng Silangang Kalangitan, Orion, Venatoris (The Hunter). At ang konstelasyon ng Kanlurang Kalangitan, Hydrus, Aqua Serpentis (The Water Serpent).”
Sa bawat pagtawag ko ng konstelasyon ay ang siyang pagliwanag ng mga bumubuong liwanag sa ilalim ng karagatan.
“Sa tingin mo ay may magagawa ang pagpapaliwanag mo ng karagatan?” ang pangungutya naman ni Prinsipe Lumo sa aking ginagawang seremonyas.
“Situci septrentrinali, Ursa Major, Temo. Malidonalum siderum, Crux. Orientalricu constel, Orion, Venatoris. Sidus Caelum Occidi, Hydrus, Aqua Serpentum.” Mas lalo namang nagliwanag ang mga bola ng linawag. “Plein luna noctturom.”
Nagsimulang magsiliparan ang mga bola ng liwanag patungo sa aking likuran. Nagsanib-sabnib ang mga bola ng liwanag hanggang sa maging isa na itong buong bola ng liwanag na parang isang kabilugan ng buwan.
“A-anong ginagawa mo?!” ang sigaw naman ni Prinsipe Arba, sinimulan niyang kumawala mula sa lubid ng liwanag na nakapulupot sa kanilang mga katawan.
“Oras na para matapos ito at magpaalam kayo,” ang saad ko.
“Coreletus Iodimium (Celestial Judgement)” ang pagpapatuloy ko sa aking enkantasyon.
Ang buwan sa aking likuran ay nahati sa dalawa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong inaasahan kong pangyayari dahil ito ang unang beses kong gagamitin ang isa sa pinakamalakas at pinakalumang mahika ng isa sa mga Tipan. Lumipad naman patungo sa akin ang dalawang malaking bola ng liwanag at binalot ako nito. Sa sobrang liwanag ay napapikit naman ako. Unti-unting humupa ang liwanag kaya naman minulat ko ang aking mga mata. May sanhi ng liwanag sa aking magkabilaan kaya naman kaagad akong napatingin. Nagbagong-anyo ang mga bolo ng liwanag at naging mga hugis pakpak at nakadikit sa aking likuran. Nagkaroon ng mga kakaibang marka sa aking kanang braso. Batid ko ang aking huling gagawin.
Napansin ko namang nagsimulang gumalaw ang pugita. Kailangan ko nang tapusin ito upang mapuntahan ko na si Alon at ang iba pang kataw. Papasugod nan ga nga ang dambuhalang nilalang.
“Lux Angelum!”
Muling tumindi ang liwanag na inilalabas ng mga pakpak. Lumaki naman ang mga ito at nagsara. Binalutan nito ang magkapatid na shokoy at ang malaking pugita. Hindi naman nagtagal ay nagbuas ang mga pakpak at dahan-dahang bumalik sa dati nilang anyo bago tuluyang naglaho.
Napatingin ako sa paligid. Wala na nga sila Prinsipe Arba at Prinsipe Lumo. Wala rin ang pugita at ang barko sa di kalayuan.
Tama nga ang nakatala sa itim na kuwaderno. Ngayon ay naiinitindihan ko kung bakit ito tinawag na sagrado at kung bakit ito naging sekreto sa pagitan ng mga miyembro ng Tipan ng Sagradong Buwan. Lumangoy naman ako pabalik nang masigurong hindi na nga babalik ang dalawang nilalang ng kadiliman.
Nadatnan ko naman si Alon na nakikipaglaban pa rin sa mga natirang shokoy. Kaagad akong gumawa ng palasong yelo at pinalipad ito patungo sa shokoy na pasimpleng susugod sana sa likuran ni Alon. Natamaan naman ito sa likuran kasunod ng mabagal nitong paglubog sa pinakailalim ng karagatan.
“Alon!” ang pagtawag ko sa kanya sabay lapit.
“Narito ka na,” ang tugon niya nang makita ako. “Anong nangyari sa’yo?”
“Inilayo ako ng dalawang prinsipeng shokoy mula sa’yo,” ang paliwanag ko naman. “At inalok akong umanib sa kanila.”
“Sila Prinispe Arba at Prinsipe Lumo!”
“Huwag kang mag-alala dahil wala na sila,” ang wika ko naamn.
“Ikaw ang sanhi ng matinding liwanag kani-kanina lang?” Tumango naman ako. “Kailangan na nating tapusin ito. Paunti an lang sila ng paunti.”
Madali na alng ito para sa atin.”
Napangiti naamn si Alon bago sumugod sa mga shokoy. Kaagad naman akong sumunod.