Blue’s Point of View
“Pero posible kaya ang sinasabi mong maaring magbalik sila mula sa kamatayan?” ang tanong naman ni Mayumi.
“Kung oo. Paano?” ang tanong din naman ni Mayumi.
“Tulad niyo… hindi ko rin alam ang mga kasagutang ‘yan,” ang tugon naman ni Faust habang nakatitig pa rin sa bungo na lumulutang sa kalangitan. Nasaksihan naman namin ang biglaang pagsara ng mga bintana.
“A-anong nagyayari?” ang naguguluhan kong tanong.
“Mga estudyante ng Occulus!” ang pagtawag ng isang boses kaya naman napalingon kaming lahat. “Magsikalma kayo!” ang saad ni Propesor Edium. “Ang lahat ay magpunta sa bulwagan! Madali!”
Wala namang tanong-tanong na sumunod ang lahat. Pagkalipas ng ilang sandali ay ang lahat ng mga estudyante at Propesor ng akademya ay nasa bulwagan na. Hindi pa rin kami makakalma kahit na nasabihan na kami ng mga propesor. “Magsikinig kayong lahat,” ang muling pagtawag ni Propesor Edium sa aming atensyon. Ang lahat naman ay natigilan at napatingin sa kanya. “Manahimik na muna ang lahat.”
Unti-unti ngang humina ang ingay sa loob ng bulwagan dala ng mga estudyanteng kanina pa naguguluhan sa mga aming nasasaksihan at sa kung ano mang nagaganap sa aming paligid. “Oras na para malaman niyo ang katotohanan,” ang pagsisimula ni Propesor Edium bago napatingin sa iba pang tagapagturo ng Occulus. Nasaksihan anamin ang kanilang pagtango bilang suporta sa kung ano man ang sasabihin sa amin ni Propesor Edium. “Ang lahat ng mga nilalang… hindi lang ang mga mangkukulam mula sa apat na tipan kundi ang mga normal na tao ay nasa matinding panganib. Sa pagliwanag ng Dakilang mata ay ang siya ring paggising ng mga tagausig. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Bukod sa kanila ay may iba pang nilalang na nagising. Isa sa kanila ay ang makapangyarihang si Rosa. Isa siya sa mga bintay na mangkukulam noon. Dahil sa kanyang matinding galit ay sinumpa niyang siya ay magbabalik at maghihiganti sa lahat. Sa kasamaang palad pati ang mga mangkukulam na niniwala sa kanya ay nagbalik. At ngayon… bumuo sila ng isang hukbo. Isang hukbo ng Tipan ng Pulang Bungo na naglalayon na burahin ang lahat.”
Nakaramdam ako ng takot sa aking narinig. Hindin nga biro ang sitwasyon namin ngayon. Kinalibutan ako. Ano nang mangyayari sa amin at anong binabalak nilang gawin?
“Nangunguhulugan ba itong kailangan din naming lumaban?” ang tanong naman ng isa sa amin.
“Hindi. Hindi,” ang tugon naman ni Propesor Muslin. “Gagawin namin ang lahat upang protektahan kayong mga pag-asa ng hinaharap. Sa ngayon, ipaubaya niyo muna ang pakikipagdigmaan sa mga tagausog at mga nakatatandang miyembro ng mga tipan.”
“Gayun pa man,” ang dagdag pa ni Propesor Alco. “Inaasahan namin na handa pa rin kayong lumaban… kung sakaling hindi maiwasan ang pagkakataon. Kasalukuyan naming pinapatawag ang iba pang miyembro ng mga tipan dito sa Occulus.”
“Tulad ng aming mga binilin sa inyo. Walang dapat lumabas ng Occulus. Panatilihing kasama niyo ang mga itinalagang kasama niyo at huwag na huwag kayong hihiwalay sa isa’t-isa.
Natigilan naman ang lahat nang biglang may lumabas na liwanag mula sa isa sa mga pader. Kasunod nito ang pagbukas ng isang portal. Sa itsura nito ay kaagad kong napagtanto na ito ay isa sa mga portal na nagagawa ng mga miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras. Tulad nga ng aking inaasahan ay may mga lumabas na miyembro mula sa tipana na ito ngunit labis kaming nabahala nang makita ang kalagayan ng karamahan sa kanila; sugatan at nahihirapang maglakad.
“Tulong!” ang paghingi nila ng saklolo habang papasok sa bulwagan. “Tulong.”
“Madali!” ang utos naman ni Propesor Edium. Kaagad namang lumapit ang mga tagapagturo sa mga sgatang miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras. Naririnig namin ang mga sigawan at pagsabog sa kabilang ng portal.
“Anong nangyayari?” ang tanong ni Propesor Aslor sa isa sa mga sinaklolohang mangkukulam ng Tipan ng Nalimutang Oras.
“S-sa timog,” ang nauutal na tugon nito. “Sinugod ng ibang mangkukulam ang aming Tipan. H-hindi namin alam ang kanilang pagkakakilanlan. Bigla na lang kaming nakarinig ng isang pagsabog mula sa malapit kasunod nito ang pagpapakita ng isang marka ng bungo sa kalangitan. Hindi pa natapos niyon ay may nakita kaming mga hukbo ng mangkukulam na… na paparating. Walang sabi-sabi nila kaming inatake.”
Napasinghap ako sa aking narinig kasunod ng pagsulyap sa loob ng portal at pinanood ang mga nagaganap doon. Umaalingawngaw pa rin sa bulwagan ang mga pagsabog at sigaw mula sa portal na ‘yun.
“Propesor, sino sila at bakit nila ginagawa iton sa Tipan ng Nalimutang Oras?” ang tanong pa ng isang mangkukulam na lumabas ng portal.
“Malakas ang kutob namin na sila ay mga miyembro ng Tipan ng Pulang Bungo,” ang tugon ni Propesor Edium habang ginagamot ang isa sa kanila. “Ito na nga ang itinakdang panahon ng kanilang pagbabalik.”
Muli kaming napatingin sa portal nang makarinig ng isang pagtawa ng isang babae. Isang babae nga ang nakatayo sa tapat ng portal at nakamasid sa aming lahat. Nakakakilabot ang kanyang itsura. Ang kanyang buhok ay kasing itim ng gabi. Ang kanyang mga mata ay purong itim at may mga itim at pulang ugat sa paligid ng kanyang mukha. Isang nakakakilabot na ngiti ang nakapinta sa kanyang mga labi. May isang mangkukulam na papatakbo patungo sa portal. Nakuha naman nito ang atensyon ng babaeng sa hula ko ay ang sinasabi nilang si Rosa.
Sa isang iglap ay bigla na lang naglaho si Rosa at bigla na lamang nagpakita sa likuran ng mangkukulam na tumatakbo. Kaagad naman niyang hinablot sa leeg ang mangkukulam kaya napasinghap ang lahat sa aming nasaksihan. Tutulong na sana ang mga propesor nang matigilan sila sa sunod na ginawa ni Rosa. Hinarap niya ang mangkukulam at binuhat gamit ang isang kamay.
“Bitawan mo siya!” ang sigaw ni Propesor Aslor bago tuluyang sumugod. “Augue!” May mga bola ng apoy na lumabas mula sa kanyang kamay. Madali naman itong sinangga ni Rosa gamit ang kabila niyang kamay. Itinapon niya ang hawak niyang mangkukulam sa sahig na kaagad naman ding tumayo at tumakbo patungo sa portal.
“Mahihinang nilalang,” ang saad ni Rosa bago iangat ang kanyang kamay sa direksyon ni Propesor Aslor sabay tawa. Tila ba may nagsilabasang anino mula sa kanyang kamay na siya namang lumipad patungo kay Propesor Aslor. Lumutang naman siya.
“Propesor Aslor!” ang sigaw ni Propesor Muslin bago tumakbo papalapit sa kanya. Kaagad naman siyang lumipad papalayo nang matamaan ng kung ano man mula kay Rosa. Isang nakakabinging pagtawa ang sunod naming narinig. Mabilis namang lumipad patungo kay Rosa si Propesor Aslor na pilit pa ring nagpupumiglas sa kung ano mang kapangyarihan ang bumabalot sa kanya. Hinawakan ni Rosa ang leeg ni Propesor Aslor.
“Propesor!” ang sigaw ng iba pang tagapagturo bago sabay-sabay na tumakbo patungo sa portal ngunit isang force field ang pumigil sa kanila sa pagtawid sa portal.
“Kumalma kayong lahat,” ang utos ng isang tinig kasunod ng pagpapakita ng isa sa mga dakilang tagausig na si Mystral. “Unahin niyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral ng Occulus! Kailangang isara agad ang portal!”
“Pero naroon pa si Propesor Aslor!” ang protesta naman ni Propesor Edium.
“Wala na tayong magagawa,” ang malungkot namang wika ni Mystral.
“Ikaw ang isa sa mga tagausig, wala ka bang magaagwa para tulungan siya? Sila?!” ang sigaw naman ni Propesor Muslin.
“Hindi ko kayang ipagsalaran ang aking sarili sa pagkakataong ito,” ang wika ni Mystral. “Lalo na at hindi pa natin alam ang tunay na kakayahan ni Rosa.
“Ah, Mystral,” ang pagtawag naman ni Rosa sa kanya. “Aking kapatid sa Tipan ng Nalimutang Oras. Halika at samahan mo ako. Magkasama nating tunghayan ang pagbagsak ng mga mangkukulam at ng mga tao.”
“Rosa, tigilan mo na ito,” ang wika naman ni Mystral. “Utang na loob, nakikiusap ako sa’yo.”
“Sa tingin mo bo ay makikinig ako sa isang pakiusap lamang?” ang tanong ni Rosa. “Wala kang kaalam-alam sa mga pinagdaanan ko sa mundo ng mga normal!”
“Rosa, nagkasala ka. Gumamit ka ng itim na mahika,” ang tugon naman ni Mystral. “Sa ginawa mong ‘yun ay nadamay ang iba pang mangkukulam.”
“Nadamay?” ang tanong naman ni Rosa. “O, nagising sa katotohanan na hindi dapat tayo nagtatago sa kadiliman? Halika Mystral. Kailangan mo na ring magising sa katotohanang tayong mga mangkukulam ang nasa tuktok.”
“Kailan ma’y hindi ako papasakop sa galit at pagkamuhi,” ang tugon naman ni Mystral na tinawanan naman ni Rosa. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Propesor Aslor na nagpupumiglas pa rin sa kanyang kamay. Ang kaninang purong itim na mga mata nin Rosa ay nagkulay pula bago niya buksan ang kanyang bibig. Tila ba hinigigop niya ang enerhiya ni Propesor Aslor. Nag-iba ang kulay ng kutis nito at naging matamlay. Pagkalipas ng ilang sandali ay binitawan ni Rosa si Propesor Aslor na bumagsak naman sa sahig.
“Propesor Aslor!” ang sigaw ni Propesor Muslin an tinangkang muling tumawid ng portal na kaaga din namang pinigilan ng dakilang tagausig na si Mystral.
Bigla na lamang nagpakislot-kislot ang katawan ni Propesor Muslin bago siya mabagal na tumayo. Bigla na lamang nitong iniharap ang kanyang mukha sa amin nang tuluyan siyang makatayo. Naging kawangis niya si Rosa. Purong itim ang mga mata at may mga itim at pulang ugat sa kanyang mukha at leeg.