Ikalabing Dalawampu’t Tatlong Kabanata

1891 Words
Blue’s Point of View “Ah, Occulus… Akademya ng Modernong Pangkukulam,” ang wika naman ni Rosa. “Nakawiwiling malaman na nagtayo ang mga mangkukulam ng isang institusyon mula sa nangyari ilang siglo na ang nakalilipas. “Akademya ng Modernong Pangkukulam? O baka naman isang institusyon para mapigilan ang mga mangkukulam na matutunan ang buo nilang potensyal?” ang mga retorikal niyang tanong. “Mga mag-aaral ng Occulus., Parating na ang oras na ako mismo ang dadayo diyan sa Occulus. Hindi muna sa ngayon ngunit pag-isipan niyo nang mabuti ang mga desisyon niyo. Mamili kayo kung… hahayaan niyong masayang ang inyong kakayahan sa isang lugar na walang ibang gagawin kundi ang pigilan ang [ag-unlad ng inyong mga kakayahan o ang pumanig sa akin?” Walang naglalakas loob sa amin ang sumagot dala ng takot na aming nararamdaman. “Anong masasabi mo, Propesor Aslor?” ang tanong pa ni Rosa sa kanya… kung siya pa nga si Propesor Aslor. Ngumiti naman si Propesor Aslor. “Mga estudyante ng Occulus,” ang wika naman ni Propesor Aslor. Nag-iba ang timbre ng kanyang boses na tila ba nasasaniban ng kung ano mang masamang ispiritu. “Tama ang dakilang si Rosa. Halina at maramdaman niyo rin ang kapangyarihan.” Nagsimula naman itong maglakad papalapit sa portal. “Propesor Edium… Propesor Muslin… at iba pang mga tagapagturo ng Akademya ng Occulus. May oras pa upang magbago ang inyong pag-iisip.” Madali namang isinara ni Mystral ang portal. Nakakabinging katahimikan… ito ang pumalit sa bulwagan nang maisara ang portal. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa aming mga nasaksihan. “W-wala na si Propesor Aslor,” ang nauutal na saad ni Propesor Muslin; hindi pa rin niya tanggap ang nangyari sa kanyang kapwa tagapagturo at matalik na kaibigan. “Paano na tayo ngayon?” ang malakas na tanong ng isa sa aming mga estudyante. Nagsimula na naman kaming magkagulo sa bulwagan. Napuno ang lugar ng takot at pangamba. “Mamamatay tayong lahat!” sigaw ni Aravind. “Mamatay tayonmg lahat!” “Hindi tayo mamamatay, Aravind!” ang suway naman ni Faust sa kanya. “Paanong hindi?” ang argyumento naman ni Riven. “Tignan mo ang mga tagapagturo natin!” Ibinaling namin ang aming tingin sa kila Propesor Edium, Propesor Muslin at sa iba pa naming tagapagturo. Nakasalampak sila sa sahig at ipinagluluksa ang nangyari kay Propesor Aslor. Ito ang unang beses naming nakita ang kanilang kahinaan. “Mga tagapagturo ng Occulus,” ang pagtawag naman ng isang tinig bago dumating ang iba pang dakilang tagausig. “Hindi ito ang tamang oras upang magpakita kayo ng kahinaan sa inyong mga estudyante,” ang saad ni dakilang tagausig na si Weslan. “Huwag muna kayong mawalan ng pag-asa. Hindi pa huli ang lahat para sa inyong mga mangkukulam at sa mga normal na tao. Hahayaan niyo na lang bang mapunta sa wala ang buhay ni Propesor Aslor? At hahayaan niyo rin bang mapunta sa ganoong kalagayan ang mga buhay ng inyong mga estudyante?” “Hindi ba kayo ang mga dakilang mangkukulam? Ang mga sinaunang pinuno ng mga Tipan?” ang sunod-sunod na tanong ni Propesor Muslin. “Bakit hindi niyo magawang pigilan si Rosa?” “Tama ka,” ang pagkumpirma naman ni Weslan. “Kami nga ang sinaunang pinuno ng naunang mga Tipan. Ngunit iknalulungkot kong sabihin na… sa pagdaan ng panahon ay paunti-unting humihina ang aming mga kapangyarihan. “Ngunit paano mangyayari ‘yun?” “Tulad niyo ay mga mangkukulam din kami,” ang wika naman ni Solana. “Gaano man kami naitali bilang mga tagausig ay… darating din ang panahon upang magtalaga ang Dakilang Mata ng mga mangkukulam upang manilbihan bilang taga-usig. Kami ay mga mangkukulam din na kailangang magpaalam.” “Ngunit anong magagawa namin laban sa kay Rosa at sa kanyang hukbo?” ang tanong naman ni Propesor Edium. “Labis silang makapangyarihan. Isang buong tipan ang kaya nilang wasakin sa iisang gabi lang!” “Tama siya, mga dakilang tagausig,” ang pagsang-ayon naman ng isa sa mg nakaligtas mula sa pag-atake ng hukbo ng Tipan ng Pulang Bungo.” “Ngunit nakakalimutan niyo na may tatlo pang natitirang Tipan,” ang wika naman ni Teman. “Bukod pa roon ay… mayroon pa kayong mga natitirang mga miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras. Ang pagkatalo ay nagsisimula sa pagsuko. Nanaisin nyo bang sumuko na lang agad? O lumaban hanggang dulo nang may dangal?” “Tama ang dakilang Teman,” ang pagsang-ayon naman ni Faust. “Sa pagsuko natin, nangunguhulugan lang ito ang ating tiuak na kamatayan ngunit sa ating pakikiisa ay may pag-asa pa rin tayong manalo. Hayaan niyo rin kaming lumaban para sa aming kinabukasan.” “Hindi,” ang pagtutol naman ni Propesor Muslin. “Hayaan niyong kaming nakatatanda ang promotekta sa inyo.”   “Pero nasaan ang Punong Guro?” ang tanong ng isa sa mga tagapagturo. Napatingin nga kami sa paligid; wala nga siya. Muli kong naalala ang naging usapan niya at ng mangkukulam na nagngangalang Hido kanino bago maganap ang kaguluhan. Kaagad namang bumalik ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kanya. May kailangan akong gawin para sa aking yumaong ama. Hindi naaksidente ang aking ma; kundi pinaslang siya sa ngalan ng kapangyarihan. Lintik lang ang walang ganti. “Bakit wala siyang ngayon ay kailangan natin siya?” “Hindi ito ang tamang oras upang hanapin ang Punong Guro,” ang komento naman ni Propesor Edium. “Kungt ganoon ay… ikaw, Propesor Edium ang mamuno sa atin,” ang suhestyon naman ni Propesor Muslin. “Kung sasang-ayon ang iba pa nating kasama.” Pumayag naman ang lahat. “Propesor Edium, sa’yo na namin iaasa ang aming mga buhay. Utusan mo lang kami kung anong dapat nating gawin.” “Sa tinginn ko ay kailangan na nating kaagad paghandaan ang pagdating ni Rosa at ang kanyang mga hukbo ng mangkukulam,” ang wika naman ni Propesor Edium. “Tinatawagan ko ang lahat ng miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras na narito.” Humakbang naman paharap ang mga mangkukulam na tinutukoy niya. “Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Kailangan niyong magtungo sa iba’t-ibang Tipan upang papuntahin sila rito sa Occulus.” Pinanood nga namin na hatiin niya ang grupo sa tatlo at inutusang magpunta ang isa sa hilaga kung nasaana ng Tipan ng Gabi, ang isang grupo naman ay sa kanluran kung nasaan ang Tipan ng Sekretong Hardin, at ang panghuling grupo ay tinalagang magpunta sa silangan kung nasaan ang Tipan ng Sagradong Buwan. May tatlong portal namang nagpakita. Sa isang portal, masisilip ang tanawin ng isang karagatan. Dinig namin ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Sa gitnang portal, masisilip naman ang tanawin ng kakahuyan, nagmumula naman doon ang huni ng mga ibon. At sa panghuling portal ay tanawin ng gabi nap uno ng mga bituin. Tumawid naman ang mga miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras sa mga portal. “Mga estudyante ng Occulus,” ang pagtwag ni Propesor Edium. Napatingin naman kaming lahat. “Magsitungo muna kayo sa inyong mga silid habang hinihintay ang ibang miyembro ng mga tipan.” “Pero—” ang protesta naman ni Faust. “Wala nang pero-pero, Faust,” ang suway naman ni Propesor Edium. “Sa pagkaaktaong ito ay kailangan niyong sumunod sa aming sinasabi.” “Opo, Propesor,” ang dismayado namang pagpayag ni Faust bago tumingin sa amin. “Mga kapwa ko tagapagturo… mga dakilang tagausig. Halina’t lumabas upang maglagay ng harang sa palibot ng Occulus.” “Masusunod, Propesor Edium,” ang pagpayag naman nila. Tahimik naman kaming nagtungo sa aming mga silid. Habang naglalakad ay nasa isipan ko pa rin ang mga narinig ko kanina. “Blue,” ang pagtawag ni Faust ngunit abala ang aking isipan. “Blue!” muling pagtawag ni Faust bago hinawakan ang aking braso. “Ha?” ang reaksyon ko naman nang matauhan. “Tinatawag mo ba ako?” “Kanina pa,” ang tugon naman niya. “Tila ba… napakalalim ng iyong iniisip, Blue.” Napabuntong-hininga naman ako bago umiling. “Wala lang ito. Iniisip ko lang ang sitwasyon natin.” “Sigurado akong hindi ‘yan ang nasa isipan mo,” ang komento naman niya. “Blue, mahigit tatlong taon tayong nagsama’t naging magkaibigan. Kilala n akita at alam ko kung kailan ka mnagsisinungaling sa akin.” Tama. Isa si Faust sa mga kaibigan kong kilalang-kilala na ako at ang takbo ng aking pag-iisip. “Alam mong maaari mong sabihin sa akin ang lahat ng gumugulo sa iyong isipan.” Napatingin naman ako sa paligid. “Hindi ito ang tamang lugar, Faust,” ang bulong ko. “Lalo nang hindi magandang lugar ang ating silid para mag-usap,” ang komento naman niya. Binagalan naman namin ang aming paglalakad hanggang sa makalayo sa ibang estudyante. “Ano bang gumugulo sa isipan mo?” ang muli niyang tanong sa akin. “T-tungkol ito sa aking ama,” ang tugon ko naman. “Tama ka, Faust.” “Tama ako sa alin, Blue?” ang naguguluhan naman niyang tanong. “Naalala mo ba noong minsang sinabi mo sa akin ang usap-usapan sa Tipan ng Nalimutang Oras tungkol sa pagkamatay ng aking ama?” tanong ko naman pabalik. “Na namatay ang iyong ama dahil gumamit siya ng pinagbabawal na mahika?” “Oo, Faust. “Yan nga ang tinutukoy ko,” pagkumpirma ko. “Huwag mong sabihin sa akin na totoo nga ang mga haka-haka,” ang wika niya. Natigilan naman ako at napatingin sa labas ng bintana. Nakita ko ang iba sa mga tagapagturo na gumagawa ng harang. Sa kalangitan naman ay iba pa sa kalangitan. “Totoo nga na namatay ang aking ama sa kamay ng mga tagausig,” ang tugon ko. “Kung ganun ay tama nga  na lumabag ang iyong ama sa batas.” “Mali, Faust. Hindi siya gumamit ng pinagbabawal ana mahika,” ang pagtatama ko. “May ibang gumamit at siya ang itinuro.” Nanlaki naman ang kanyang mga mata at napasinghap sa kanyang nalaman. “Ang Punong Guro ba ang nasa likod nito?” Tumango naman ako. “Paano mo nalaman?” “Narinig ko siyang nakikipag-usap sa kanyang kasabwat,” ang paliwanag ko. “Faust, hindi pa nagtatapos ang kuwnto roon.” “Anong ibig mong sabihin, Blue?” “Gusto nila akong isunod,” ang tugon ko. “Tulad ng kanilang ginawa sa aking ama. Sila ang dahilan ng pagliwanag ng Dakilang Mata.” “H-ha?” ang naguguluhan niyang tanong. “Hindi ako makapaniwala. Pero… anong dahilan ng Punong Guro at nagawa niya ‘yun sa iyong ama at gusto niya ring gawin sa’yo ang parehong bagay?” “Dahila ang ama ko ang dapat na magiging susunod na Punong Guro ng Occulus,” ang paliwanag ko. “At ako… ang nakatakdang susunod na Punong Guro at Punong Pinuno ng mga Tipan sa takdang panahon. Hindi ko nga alam kung karapat-dapat ako sa mga tungkulin na iyon, Faust. Mayroon ka at ang iba pang mas angkop para roon.” “Ano bang sinasabi mo, Blue?” ang tanong naman niya sa akin. “Kung ikaw ang itianklda para sa mga tungkulin na ‘yon ay panigurado akong may magandang dahilan ang tadhana. Kailangan mo lang maniwala sa iyong sarili.” “Bahala na,” ang tugon ko naman. Pero sinusumpa ko na hinding-hindi papaligpasin ang ginawa niya sa aking pamilya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD