Damn! My head hurts a lot!
Agad akong nagsisi sa pagbangon ng mabilisan dahil sa sakit ng ulo ko. Takteng alak! Mapanakit!
Pero agad ring nawala ang sakit na 'yon nang mamulat ako sa katotohanan na wala ako sa aking kuwarto. Wala ako sa bahay! Nasaan ako?!
"What the f**k?" I whispered.
I looked around the place where I am. Paniguradong hindi ito kuwarto ni Rishy! Masyadong girly 'yon kaya hindi magiging ganito kapanlalaki 'yon! Jusmiyo marimar de santino! Nasaan ako?!
Napatingin ako sa suot ko. Nakahinga ako ng maluwang nang makita kong suot ko pa rin ang damit ko na suot ko kagabi. Wala nga lang ang suot kong stilettos. Napatingin ako sa salaming nasa kaliwang bahagi ng kuwarto, malapit sa veranda ng kuwartong ito.
Kita ako mula dito sa kama kaya nakita ko ring wala na akong make up! Paano nangyari 'yon? Nakaya ko pa ba na tanggalin 'yung make up bago makatulog? O… may gumawa no'n para sa akin? Buhaghag na ang buhok kong kagabi ay naka-curl kaya mas lalong buhaghag at mukha akong bruha! Kailangan ko pang mag-ayos! Jusmiyo!
But that's the least of what I want to do know!
I want to know where the f**k I am?! Sino ang nagdala sa akin dito? At nakaninong bahay ako?! Baka naman nag trespassing ako kagabi at hindi ko lang matandaan?
"Oh… god. I'm doomed." Bulong ko at napahawak sa labi nang may bigla akong maalala.
Shit! Tama na pagha hallucinate, Ky! Masyado ka nang tanga para mag hallucinate pa. Isipin mo na lang kung anong nangyari kagabi at paano ka napunta rito. O 'di kaya'y isipin mo kung kaninong bahay 'to.
Handa na akong tumayo nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iluwa no'n ang pinakagwapong damuho sa balat ng lupa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung kaninong kuwarto ito! The scent… the ambiance of the room… what the f**k?!
Siya 'yung huli kong kasama kagabi… does this mean… no Kyleigh, 'wag ka ngang mag-iisip ng pangit na pangyayari!
"Anong…"
"Great, you're awake." He said lazily as he entered his room and went to the table near the veranda to took his phone.
"…Ginagawa ko dito?" Takang tanong ko dahil para siyang walang pakialam sa mundo nang malamang gising na ako.
He's just f*****g wearing a khaki short and a gray v-neck t-shirt, yet he looks goddamn gorgeous! Why is it so unfair? Samantalang ako, parang basura na napadpad sa kuwarto niya? Duga!
"You passed out last night and I don't know where's your address so yeah…" he drawled and continue typing something on his phone.
"You…" nanlaki ang mga mata ko at napatingin muli sa salamin, "did… remove my make up?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Dahil sa hitsura niya, maskulado, gwapo, businessman, playboy, kayang magtanggal ng make up sa mukha ng isang babae?! That's unbelievable!
"Isn't it obvious?" Sarkastikong tanong niya at binaba ang cellphone niya saka inilagay 'yon sa kaniyang bulsa. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kama kaya umatras ako at nagtakip ng buong katawan gamit ang kumot.
Simaan ko siya ng tingin, "bakit ka lumalapit?!" Inis kong tanong at naalala ang hitsura ko. Tang'na bakit ngayon pa?!
"Just checking if you're now sober." He then smirk. "You can use my bathroom if you want to freshen up. I bought clothes, picked by my secretary, it's on the coach." Turo niya sa isang mahabang itim na leather na sofa sa gilid. "Then, I bought you toiletries, if ever na maarte ka sa katawan mo," sinuri niya ang katawan ko kaya hinigpitan ko lalo ang pagkapit doon, "and then new toothbrush for you. After your freshen up, go outside and have breakfast with me." Seryoso na niyang sambit na tinanguan ko lang kaya lumabas na siya.
Napabuntong hininga ako nang makalabas na siya ng kuwarto. Tiningnan ko ang digital wall clock niya at nalamang 9:30 am na! Agad akong tumayo at kinuha ang paper bag na nasa couch at patakbong pumasok sa bathroom.
At hello, nagkaoras pa ako para punahin ang interior ng bathroom niya. Kahit panlalaki ang hitsura, hindi maikakailang napakaganda. May glass smoked wall na nagbabahagi sa shower, malawak ang bathroom at spacious rin sa bandang sink, may malaking salamin, may nagbabahagi ring glass wall papasok sa toilet.
Magkakahiwalay. Pero pagpasok mo sa shower ay mapapanganga ka. May malaking bath tub, mayroon ding jacuzzi sa gilid, malawak sa shower na hindi mo aakalaing bathroom lang 'to. Aakalain mong isa na itong kuwarto sa lawak. Mapapanganga ka dahil sa ganda ng interior.
Kumpleto siya sa gamit pangbanyo. May mga shower gel, sabon, shampoo, pero puro panlalaki. Siyempre lalaki siya, e.
Napatingin ako sa paper bag na hawak ko. Sabi niya binilhan niya ako ng toiletries. Ang gentleman naman pala ng lalaking 'yon. Pero joke, may naalala akong ginawa niya kagabi kaya hindi siya gentleman!
Napanguso ako at nagpatuloy na sa pagpasok sa shower. Gusto ko sanang magbath tub kaso wala na akong oras! Late na ako sa trabaho! Bakit ba naman kasi hindi ako ginising ng lalaking 'yon e! Alam nang hindi ako kagaya niya na hawak ang oras sa trabaho e.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng pinabili niyang damit sa sekretarya niya.
Isa 'yong jumpsuit, over all jumpsuit. Ugh! Bakit naman ganito?! Balot na balot sa mainit na panahon?! What the f**k?! Buti na lang sleeveless! Pero turtle neck! Tang'na ano 'to! Damit ng madre? Damit ng nagmo mongha?
Napapikit ako sa prustrasyon pero naisip na siya na nga ang malasakit sa akin na bilhan ako ng damit na bago… ako pa itong nagrereklamo! Pasalamat talaga siya at wala na akong ibang maisusuot! Paniguradong amoy ewan na 'yon! Kadiri!
Walang biniling sapin sa paa kaya siguro 'yung stilettos ko na lang, babagay naman siguro 'yon. Binlowdry ko ang buhok ko. Naghanap kasi ako sa drawer na nasa loob ng bathroom. Alam kong meron siya no'n dahil nagpapatuyo siya ng buhok panigurado. O kaya reserved para sa babae niyang dinadala.
Whatever!
Naghanap rin ako ng suklay para masuklay ko ang buhok ko. Pakialamera na kung pakialamera, kailangan ko ng suklay! Mukha na akong bruha!
Nang matapos ko ang pag-aayos ay lumabas na ako ng bathroom. Nilagay ko sa paper bag ang mga gamit ko para dadalhin ko sa apartment mamaya.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri saka hinanap ang sling bag ko na dala ko kagabi. Nang makita 'yon sa night table sa gilid ay agad ko iyong hinalungkat para makapagmake up naman ako. Didiretso na ako sa opisina pagkatapos ko dito.
I put light make up and look at reflection at the mirror. I smiled brightly and got some confidence. Baka ngunganga na si Mr. Fortiarra kapag nakita niya akong nagpapaganda pa lalo. Sobrang ganda ko na nga e.
I chuckle and decided to go out of the room. Ang lawak ng bahay na 'to. Ano ba 'to, condominium? Penthouse? Wala na akong panahon para isipin kung ano 'to. Basta bahay 'to. Hidni ko na rin inintindi ang mga interior at naglakad na ng tuluyan pero para naligaw ako, saan ako? Nasa maynila pa ba ako? Joke.
Tumingin ako sa kaliwang parte ng bahay na 'to, so… second floor ito? Hays! Hindi naman ako nainform. Ang tagal kong lumibot naghahanap ng kitchen sa second floor! Ano ba 'yan! Kainis naman! Ang gulo! Kasing gulo ng may-ari!
Bumaba ako sa hagdan na may salaming hawakan. Nice. Napakayaman naman. Sana all may ganito. Chour.
Tumikhim ako nang makababa na ako sa hagdan at makitang diretso iyon patungo sa living room. I saw him lazily sitting on the couch while his eyes were close. The couch looks so small on his feature. Masyado siyang malaki para diyan.
Tumikhim ulit ako ng hindi niya ako narinig o napansin. Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa gawi ko. I awkwardly smile at him and look around the place.
"You done?" he asked the obvious.
"Hindi pa, bumaba lang ako para ipakita kung tama ba pagkakasuot ko sa damit na 'to." Sarkastikong sagot ko at umirap.
Nagtaas siya ng kilay at mataman akong tinitigan. He even tilted his head to examin my clothes and my body. Naconcious tuloy ako bigla.
"It suits you well. I have a good taste in woman's fashion, then." He smirk like an idiot winning the game bet.
"Oh… no. You have a bad taste, tho. Para akong mongha dito. Ano 'to? Jumpsuit na, turtle neck pa? Wow. Napakaganda, grabe. Pasok ka na sa mga designer ng fashion show." Sarkastiko kong sambit na ikinatawa niya ng bahagya.
Oh damn. Even his chuckle sounds so sexy!
"Ang daldal mo," iling niya at nagsimula nang maglakad papunta sa dining area ng kaniyang bahay.
"Mag-isa ka lang dito?" Kuryoso kong tanong habang nililigid ang paningin sa dining area niya.
"Is this one of your interview?" He ask nonchalantly.
Umirap ako, "malamang hindi. Masyado teknikal mga itatanong ko sa 'yo. Hindi ganito. Masyadong pa-cool."
Umupo ako sa katapat niyang upuan at nagsimula nang kumuha ng pagkain. Tumitingin tingin sa buong dining area habang kumukuha ng pagkain.
"Kumain ka muna, saka mo na pagmasdan ang buong bahay ko kapag nakakain ka na." Inirapan ko siya at nagsimula nang kumain.
"Shut up, damuho." Bulong ko at at nagsimula nang sumubo ng pagkain.
"And yes, I'm all alone here in my Penthouse. You're the only one who get in here." Napatingin ako sa kaniya at masama siyang tiningnan.
"If I were know, you bedded your women here." Kalmado kong sambit pero hindi siya nagpatinag.
Umiling siya at uminom ng tubig, "I bedded my women in some random hotels not here in my territory." He said cooly and continue eating.
"Wow. Ang lakas ng loob." Irap ko at umiling na lang. Hindi na ako nagsalita pang muli at kumain na lang.
I can't believe this man! Ang lakas ng loob na sabihin 'yon sa harap ko? Mismo? Seryoso ba siya diyan? Hindi niya dinadala sa place niya ang mga babae niya? O ayaw niya lang kasi nga masisira ang reputasyon niya. But well, hindi naman 'yon titingnan ng mga tao. Mayaman siya, a multi billionaire to be exact, kaya niyang gawin at bilhin ang kahit anong gusto niya, isa siya sa mga successful bachelor sa industriyang pangnegosyo. Kaya hindi na siya huhusgahan ng kung sino dahil lang sa pambababae niya 'no.
Napanguso ako sa naiisip at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ang pangit naman ng lalaking 'to, tapos pinagkakaguluhan. Chour 'di naman pangit. Pangit lang ugali.
"Una na 'ko. Salamat sa damit, sa toiletries at sa pagkain. Saka na rin sa pagpapatulog sa akin dito." Saad ko at umamba nang maglalakad papunta sa pintuan nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko para pigilan sa paglalakad.
"You don't need a ride?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"No need, kaya ko namang mag-taxi lang." Tanggi ko at nagtaas ng kilay.
Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. "You don't need my interview?" He ask curtly and arched a brow.
"Kailangan!"
"Oh, bakit ayaw mong paunlakan ang paghatid ko sa 'yo?"
"Ayoko nang may kasamang pangit." Ngumiti ako ng mapang-asar sa kaniya.
"You want more kiss, huh?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Inis ko siyang binalingan. Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko.
Tingnan natin kung makangisi ka pa. Huh.
Napatigil siya sa pagngisi at napabaling sa kabilang side ang mukha niya. Nag-igting ang panga niya at ibinalik ang tingin sa akin. Dahil sa sampal ko.
"What was that for?!" He said angrily.
"Para sa paghalik mo sa akin kagabi ng walang permiso!" Sigaw ko rin sa kaniya at hinampas pa siya sa kaniyang braso. "Manyak!" Sigaw ko pa at agad na tumakbo para makalabas ng penthouse niya.
Hinihingal ako nang makapasok ako sa lift at nang magsarado 'yon ay para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Bumuga ako ng malalim na hininga at sumandal sa dingding ng elevator.
"Good God, anong katangahan na naman 'yon? Wow talaga. Pinatulog ka na nga, hindi ka naman ginawan ng masama, sinampal mo pa." Umiiling kong bulong sa sarili ko. "Pero hinalikan ka niya kagabi." Kainis! Napaka manyak ng lalaking 'yon!
Dumiretso na ako papasok sa trabaho dahil wala na rin naman akong oras para idaan itong paper bag na 'to sa apartment ko. Late na ako ng super duper ultra mega. Kaya kailangan ko nang pumasok.
Mukhang nag-aalala agad ni Rishy ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa opisina. Hinawakan niya ang balikat ko at parang humahangos na ewan dahil sa hitsura.
"Anong nangyari sa 'yo?" Takang tanong ko sa kaniya.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "saan ka nanggaling? Sino 'yung mga nag-uwi sa akin? Saka… sino nag-uwi sa 'yo? Safe ka ba? Bakit hindi ka nag-text sa akin!" Sunod sunod niyang tanong na tinaasan ko lang ng kilay.
Akala ko pa naman ipinaubaya niya ako sa damuhong 'yon! Hindi pala!
"Oo, safe ako. See me here? Standing, safe and sound." Sarkastikong sagot ko at lumakad na para makapasok sa opisina.
Inilapag ko ang paper bag sa baba sa gilid ng aking lamesa at umupo sa aking swivel chair. Humikab ako dahil ang sakit pa rin ng ulo ko at inaantok pa ako. Walang panama lahat ng mga iinumin kong gamot sa sakit ng ulo ko! Hindi na ako iinom! Chour joke lang 'yon siyempre.
"Where were you last night? Alam mo bang halos bugbugin ko 'yung tatlong lalaki nag-uwi sa akin kagabi?! But I was hesitant because they are bulky, you know, bouncer looking like." Umirap ako at sinapo ang noo.
Huminga ako ng malalim at nagdecide na 'wag na lang sabihin sa kaniya. Nasa opisina kami at sigurado ako na mas malakas pa sa palengkera ang bibig nito kapag nalaman niyang si Mr. Fortiarra ang nag-uwi sa akin kagabi at mga bodyguards niya 'yung nag-uwi sa kaniya. Jusmiyo marimar de santino gabayan niyo po ako.
"Tigilan mo 'ko ngayon, bakla. Masakit ang ulo ko. Pati ang katawan ko." Inis kong sambit habang sapo sapo ang ulo.
"Nakipag-one night stand ka?" Bulong niya na ikinaangat ng ulo ko at sinamaan siya ng tingin.
"Gaga! Bakit ko naman gagawin 'yon?" Inis kong baling sa kaniya at umiling saka ibinalik ang pagkakasapo sa ulo. Mukha namang hindi ako type ni Mr. Fortiarra kaya for sure hindi talaga ako gagalawin ng damuhong 'yon.
Wow! Kyleigh Heavenly, gusto mo talagang magalaw huh? So kung ka niya, puwede ka niyang galawin? Puwedeng nakawin ang puri mo?! Jusmiyo marimar!
"Malay mo sa sobrang kalasingan mo," hirit pa ng baklang Rishy.
"Masakit ang katawan ko dahil sa epekto ng alak. Masakit ang ulo ko. At kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko, itatampal ko sa 'yo 'tong PC ko nang mawala ka sa paningin ko. Lintik ka." Inis kong sambit. Mariin bawat salita kaya hilaw siyang ngumiti at nagpaalam sa akin na babalik na sa lamesa niya.
Kailangan pa palang magbanta bago lumayas ang baklitang 'yon. Hay naku!
Inayos ko na lang muli ang sarili ko at nagsimula na sa trabaho. Kahit wala sa sarili ay nagtrabaho ako para masabi ko namang may nagawa ako at para na rin may sahod sa araw na 'to. Kailangan ko ng pera! Baka mamulubi na talaga ako!
Umayos ako ng upo nang biglang pumasok sa loob ng opisina si Daddy— ang boss namin dito. Tss. Naglakad siya papunta sa gawi ko kaya napalunok ako ng mariin.
Anong ginagawa niya rito?
Anong kailangan niya? Bakit siya bumaba dito? Hindi naman siya madalas bumaba sa floor namin para lang icheck ang mga empleyado niya.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Nag-focus ako sa ginagawa ko hanggang sa tumigil siya sa banda kom isang metro ang layo mula sa akin. Nagtinginan ang mga empleyado at may ilang bulungan. Alam nilang tatay ko ang nasa harapan ko ngayon pero hindi nila alam kung bakit galit sa akin ang mga magulang ko. Ang alam nila ay dahil 'yon sa tinanggihan ko si Tristan. Pero hindi.
"Kyleigh," saka lang ako nag-angat ng tingin sa kaniya nang tawagin niya ako.
"Yes, Sir?" I asked formally. Addressing him as my boss, not my father.
Tumikhim siya bago nagsalita, "I heard about the news last night." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong news? Hindi ako updated? Bakit? Ano bang nangyari?
"Anong meron?" Takang tanong ko.
Nanliit ang mga mata niya habang tumitingin sa akin, sinusuri ang reaksyon ko.
"You and Mr. Fortiarra, arguing at the bar last night." Nanlaki ang mga mata ko, 'yun ba 'yung nangyari kagabi? "And him… kissing… you." Parang hirap na hirap pa siyang sabihin 'yon.
What the f**k?! Sinong may sabi niyan?! Sinong nagpakalat?
"What? That was false." Tanggi ko at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Hindi inilabas sa mga tabloids or news papers, pero pinag-uusapan ng mga nakakita sa bar na 'yon. I think it's true." Mataman niyang sambit.
Umirap ako at nagsalita, "so… you're buying those for you to use it and get his approval to be featured in our magazine?" Mataman kong tanong sa kaniya. I smirk. Sinasabi ko na nga ba. "Wise." I whispered and scoffed. "Hindi ko gagawin ang gusto mong mangyari. Yes, gagawin ko ang trabaho ko, pero 'yang iniisip mo, no thanks." Saad ko at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
"You should continue what you're doing," sambit niya at umalis na ng opisina.
Alam kong narinig ng mga empleyado sa loob ng opisina ang sinabi ni daddy. Nagtiim bagang ako at gusto nang sapakin ang monitor na nasa harapan ko para doon ibaling ang galit.
At gagawin niya akong daan para sa katangahan niya? No way! Kaya nga ako umalis sa pamamahay niya para hindi na nila ako guluhin sa mga gusto nilang mangyari, e. Tapos… oh good God!
Mabilis kong tinapos ang trabaho ko at inayos ang gamit saka mabilisang tumayo para umalis ng kumpanya. Ano ba itong pinasok ko?! Bakit parang puro nalang gulo?! Kainis naman! Sana pala hindi ko na nakilala 'yung lalaking 'yon!
Mabilis akong sumakay sa taxi na pinara ko at sinabi kung saan ako pupunta.
Kahit medyo alanganin. Kailangan ko siyang makausap! Jusmiyo marimar de santino gabayan niyo po ako sa gagawin ko.