KABANATA 4

3256 Words
Nakatulala lang ako sa waiting area sa lobby ng Fortiarra building. Nakatingin sa kawalan at iniisip kung paano malulusutan ang nangyari kagabi. Bakit ba naman kasi isa't kalahating hunghang ang lalaking 'yon at hinalikan ako sa public?! Buti sana kung nasa private part kami ng bar. Aba! Gusto mo talaga in private huh? Para ano? Mas malala pa sa halik? What the f**k am I thinking? Umiling ako at bumuntong hininga saka tiningnan ang suot kong stilettos na pinapatunog ko sa marmol na sahig. Wala akong maisip na dahilan kung paano ko siya makukumbinsi sa interview. At baka mas lalo siyang hindi pumayag dahil sa issue na 'yon. Saka bakit ba kasi big deal 'yon? E, hindi naman ako kagaya ng mga nakakadate niyang babae na mayayaman, magaganda, may sariling kumpanya, o mga eligante. Mga tanga lang talaga 'yung nagpakalat ng issue. Tsk. "Ms. Laureza," napaangat ako ng tingin nang biglang may tumawag sa akin. "Huh?" Takang tanong ko at tumingin sa paligid. Wala namang nakakapansin sa akin dahil nasa pinakagilid ako at mag-isa sa single sofa na narito sa waiting area ng lobby. "Mr. Fortiarra let you to talk to him in his office." Anito na nagpakunot ng noo ko. Sabi niya kanina ay kadarating lang ni Mr. Fortiarra nang dumating ako rito. Siguro dahil nga nung umalis ako sa bahay niya ay nag-ayos pa siya ng sarili niya bago pumasok. Well, bahala siya sa buhay niya. Hawak naman niya ang oras niya sa kumpanyang ito. "Okay," saad ko at tumayo na. Inayos ko ang buhok ko at sumunod na sa babaeng sekretarya ni Mr. Fortiarra. Nang makapasok kami sa elevator ay tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Akala mo naman kung sino 'to, tss. Mas matangkad ako sa kaniya ng siguro ay tatlo hanggang limang pulgada, pero kung hindi ako naka-heels, at siya rin, baka mga tatlong pulgada ang tangkad ko. Pero wala akong paki sa kaniya dahil hindi naman siya ang pinunta ko rito. Tingnan niya ako hanggang gusto niya. Bigyan ko pa siya ng picture ko with signature. "This way, ma'am," I know right. Nakapunta na 'ko dito. Tss. Alam kong natatandaan pa niya ako, mukhang nagtatanga tangahan lang at ginagawa lang ang trabaho niyang maging magalang kuno. Nang makarating kami sa harap ng pintuan ay binuksan niya 'yon at hinayaan na akong pumasok sa loob. Sinara niya 'yon nang tuluyan na akong makapasok. Iginala ko ang paningin ko sa buong opisina ni Mr. Fortiarra. He's standing near the glass wall, where the skyscrapers were see through. Nakatingin at nakatalikod lang siya roon habang may kausap sa telepono sa kabilang tenga. At ang isang kamay ay nakapamulsa. Pinagmasdan ko ang likod niya. Even his back looks so delicate, so mascular, so gorgeous. s**t! Why is God made a perfect guy like him? Pero… bakit 'yung ugali hindi umakma sa gandang lalaki niya? Tss. Tama talaga ang iba, na kapag guwapo o maganda, may pangit na ugali. Bibihira ang mababait. Jusmiyo, buti na lang mabait ako at maganda pa. "Okay, fix it and don't wait for me to fix it and I will f*****g fire you all." Anito sa isang matigas at mariing ingles na nagpatayo sa balahibo ko. Why is this man so authoritative? "Call the management and give me the details in the construction files about it." He said firmly. Umayos ako ng tayo kahit nangangalay na. Humalukipkip ako at pinagmasdan lang siyang mag-utos sa kung sino mang nasa kabilang linya na kausap niya. Nang matapos 'yon ay umikot siya sa banda ko. Agad nagtama ang mga mata namin kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang intensidad ng tingin niya. "What do you want to talk?" He said dismissively and walk towards his swivel chair and sat down cooly. Wow. Hindi man lang ako pinaunlakan paupuin. "Paupuin mo muna ako." Sambit ko at tinaasan siya ng kilay. Nagtaas rin siya ng kilay at tumingin sa upuang nasa harapan ng mesa niya. Iminuestra niya ito kaya sumunod ako. Nang makaupo ako ay siyang pag-uklo niya at pagtuko ng dalawang siko sa mesa at pagsasalikop ng kaniyang mga palad. I survey his moves. And I find it damn sexy! What the heck? "Talk, woman." Umirap ako at humakipkip saka sumandal sa upuan. Hindi ko siya tiningnan dahil naiinis ako sa titig niya! Ngumuso ako at nag-isip kung paano sisimulan. "We have this issue—" "I already know about it," he said cutting my words mid air. "What the f**k? And what did you do?" Inis kong baling sa kaniya. "What? What should I do? Hindi ko hawak ang isip ng mga taong nakakita sa atin kagabi, kaya wala akong magagawa." Aniya at sumandal sa kaniyang swivel chair habang matamang nakatingin sa akin. I glared at him, "I know you can do a thing to stop gossips. Masisira rin reputasyon mo. The Devil Tycoon, dating a poor little woman, ugh… so disgusting, right?" Walang emosyong sambit ko at bumaling ulit sa kaniya. Mas lalong nag-igting ang panga niya at masamang tumingin sa akin, "who said your poor? You're after all the only daughter of Mr. Kristofferson Laureza, a well known business tycoon owning a Magazine Company all over the Asia and you're saying you are poor?" Mataman niyang sambit na nagpapait sa sistema ko. "No. And Yes, I'm his only daughter, I'm not as rich as him. And also, only my family is rich, not me." Mapait kong sambit. Kaya nga ako nakatira sa isang apartment hindi ba? Tss. "Why?" Maintriga niyang tanong na ikinairap ko. "Daldal mo. Patigilin mo na lang 'yung mga usapang gano'n." "You're a journalist, dapat alam mo na hindi matitigil ang ganiyang issue lalo na at wala pang bago na magpapa-divert ng atensyon ng mga tao sa usapin." Huminga ako ng malalim. "Alam mo, dapat kasi pumapayag ka na lang na magpa-interview sa akin e, tss." Inis kong untag at sumimangot na naman. "And people will think about you dating me to get an information about me, what a trick." Naiiling niyang sambit na ikinainis ko lalo. "E di isipin na nila kung anong gusto nilang isipin, kaysa naman sa mawalan ako ng trabaho! Mas malal 'yon kaysa sa mga isiping 'yon." Buwelta ko at tiningnan siya ng masama. "You know what, I have a proposal for you to get any information about me, to interview me." He smirk that make me frown for a long while. s**t that smirk! So sexy! Ugh! Kyleigh Heavenly, get a f*****g grip of your sanity! "W-what is it?" Kinakabahang tanong ko at tumingin sa kaniya ng may pag-asa. Pag-asa na hindi ako matatanggal sa trabaho. Pag-asa na baka ma-promote pa ako. Pag-asa dahil… malalaman ko na kung anong gusto kong malaman tungkol sa kaniya. I was after all a curious girl about his personality — about his life. I want to end my f*****g curiosity. And I want him to cure the curiosity that I have. "Date me exclusively," I stiffened upon hearing him say his proposal. s**t. Am I hearing him right? O nag-hahallucinate na naman ako? "Huh?" Bulalas ko. Nabigla sa sinabi niya. "Date me… exclusively." Ulit niya. "No other parties — guy that will date you. And we will have to date privately. No one would've know that we're dating." Mataman niyang sambit. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napa-iwas ng tingin. "And your interview in return. You will have your interview to me freely," napapikit ako sa sinasabi niya. It's tempting me. s**t. "But…" "I got a background check of you." Napamulat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko siyang seryoso ang mga mata pero nakangisi ang mga labi. Mocking my expression. "What? You… investigated me?" Takang tanong ko. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng lalaking ito na parang wala lang sa kaniya ang mga lumalabas sa kaniyang bibig. Kaya ba alam niya na anak ako ni Kristofferson Laureza? Dahil pinaimbestigahan niya ako? "Yeah," he drawled and moved his swivel chair to crouched on his table. "I need it, tho." He smirk. Napapikit ako ng mariin at dumilat saka masama siyang tiningnan. "Napakasama ng ugali mo! Hindi ka man lang nagsasabi sa akin na gagawin mo 'yon! Bibigyan kita ng portfolio ko para sigurado ka, tss." Inis kong sambit at humalukipkip ng nababadtrip. "I don't need your permission. I have my own mind to think." Aniya sa isang malamig na boses. "So, are you agree to my proposal?" Nag-isip ako kung ano ba itong papasukin ko. I will… Exclusively dating the devil. s**t. I will exclusively date Vaughn Dominique Demetrius Fortiarra. "I'm a businessman after all, Ms. Laureza, I have to negotiate in return of my services too." Umirap ako sa kawalan habang nakikinig sa kaniya. Paki ko naman kung businessman siya? Tss. "I need to think thoroughly." Sambit ko at ngumisi saka tumingin sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay sa akin at naging attentive sa sasabihin ko o sa magiging desisyon ko. "I want fries, coke float, spaghetti, sundae, and I also want shawarma. I want you to order those for me to think about your proposal." I smiled sweetly at him. "You seriously want that?" Takang tanong niya. "Oo, may angal ka?" Napailing iling siya at inabot ang kaniyang telepono sa opisina at may tinawagan. "I want you to order fastfood," aniya sa kabilang linya na kausap niya. Binanggit niya lahat ng gusto ko at natawa ako dahil nakabisado niya pa 'yon. "I want it as soon as possible. Deliver it to my office." Sambit niya at tinapos ang tawag. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay, "happy?" Aniya pero umiling ako. "Hangga't wala pa 'yon, hindi ako happy. Nagugutom ako." Sambit ko at hinawakan ang aking tiyan. It's past 1pm. Ang tagal kong naghintay sa lobby kanina dahil hindi ako pinapapasok pa dahil wala daw permiso ni Mr. Fortiarra. "You're still not eating yoyr lunch?" He asked like it bother him a lot. I shrugged and took my phone out my clutch, "masakit pa ulo ko. Gusto ko pang matulog pero kailangan ko magtrabaho." Saad ko at binuksan ang cellphone ko. May text si Baklang Rishy sa akin kaya binuksan ko. From: Baklang Rishy Gaga ka bakla, nasaan ka? Hinahanap ka ng daddy mo! From: Baklang Rishy Nagpunta rin dito si papa Tristan! Napairap ako sa sinabi niya. Ano na naman ang kailangan sa akin ng dalawang 'yon? Tungkol pa rin ba 'to sa kagabi? Tss. Hindi marunong mag-move on. May isa pang text doon kaya binuksan ko muna bago ko replyan si Rishy. It was Tristan. From: Tristan Is that true? Kaya ba ayaw mo magpakasal sa akin kasi pinapangarap mo ang lalaking 'yon? Mas mayaman talaga huh? Siya muna ang nireplyan ko bago si Rishy. Sinasagad talaga nito pasensya ko e. Kainis! To: Tristan FYFI and it's stands for For Your f*****g Information, Tristan I don't have any casualties to you. Wala akong pakialam sa 'yo. Kung gusto mo magwala dahil sa nalaman mo, then go, suportahan pa kita. Basta 'wag mo na 'ko guguluhin! Sunod ko namang nireplyan ay si Rishy. To: Baklang Rishy Tell them I'm absent. Masakit ulo ko! At 'wag nilang dadagdagan baka masampal ko sila! To: Baklang Rishy At 'wag kang magdadaldal kay Daddy! Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Saka ko lang napansin si Mr. Fortiarra na nasa likuran ko na at nakauklo ng bahagya habang nakatingin sa cellphone ko. Itinago ko 'yon at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Bakit ka nakatingin?" Iritado kong tanong. "You're a b***h and savage even in a text, huh?" Aniya at umayos ng tayo at nakapamulsang tumingin sa akin. Ngumuso ako at bumuntong hininga. "I need to be brave as much as I could. To live my life." Ani ko at bahagyang yumuko. Dahil kung pangungunahan ako ng takot, baka matagal nang sira ang buhay ko. Naipakasal ako sa taong ni katiting na pagkagusto ay wala ako. Kung natakot ako sa mga magulang ko, baka matagal na akong nakakulong sa isang madilim na selda at walang pag-asang makalaya. I remember my brother's words for me… "You need to be strong, Ky. You need to be a strong woman for your own good. I'm not always beside you nor always one call away when you need help. You should stand and be brave by yourself. No one will do it but you." Nakatingin lang ako sa kuya ko habang sinasabi niya 'yon. I know he's brave in his own. He deceived our father. He didn't follow their whims. Our mother sometimes crying because he want to pursue law not in business. But nonetheless, he still care for our parents and our parents still support him. Bukod sa panganay siya, paborito rin siya ni daddy at mommy. He can also manage our company while pursuing Law. And his braveness always amaze me. He didn't focus on his love life. He focused on his study. "I am brave. Sinapak ko nga 'yung kaklase kong nangbubully sakin dahil…" I stopped and looked away because of the pain invaded my soul. "Dahil?" He probed. "Dahil sabi nila… walang nagmamahal sa akin." Matapang kong sambit. "And you believed them?" Umiling ako, "mahal ko sarili ko kaya may nagmamahal pa rin sa akin." I smirked at him. Tumango siya at ngumiti, "that's right. You need to love yourself first." Ginulo niya ang buhok ko at niyakap ako. "Pero ako, mahal kita, Ky, mahal ka ni Kuya kaya tatandaan mo, lagi lang ang nandito para sa 'yo. Kahit wala ako sa tabi mo, okay?" Tumango ako kasabay ng pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Napakagat ako sa labi ko nang maalala na namn si Kuya. Bakit mo ba ako iniwan kuya? Or at least… bakit kailangang ikaw pa ang mawala? Hindi ba dapat… ako na lang? Tutal wala namang tatanggap sa akin, e. I'm brave outside, but very fragile inside. I'm softhearted. Easy to break. Kaya kapag nagpahaga ako, gusto ko panghabang buhay na. "Hey," napabalik ako sa ulirat nang bigla akong tapikin ni Mr. Fortiarra sa balikat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napakurap kurap. "Huh?" "You okay?" He asked curiously. Tumango ako at huminga ng malalim. "Your order is already here," aniya at bumaling sa sofa set na nasa kanang bahagi. Tumango ako at tumayo na bago dahan dahang lumapit doon. Nalungkot ako bigla dahil sa naalala. Kasabay ng pagkakita ko sa paborito kong pagkain tuwing kasama ko si kuya. Naiinis ako dahil bakit ito pa ang inorder ko. Nakakainis talaga! Kuya, sabi mo, kapag malungkot ako kainin ko ang mga paborito nating pagkain. Kaya ba pinaalala mo sa akin 'yung mga 'yon para malungkot ako at ganahan akong kainin lahat ng 'to? Napairap ako sa iniisip at umupo na sa malaking sofa saka nagsimula nang kumain. Pinigilan kong maluha habang kumakain ng fries na isinasawsaw ko sa sundae. Naalala ko ang kulitan namin ni Kuya kapag ganito. Bakit gano'n? Ilang taon na ang lumipas, pero masakit pa rin para sa parte ko? Dahil ba… dapat ako 'yung namatay at hindi siya? Dahil ba konsensya ko na iniligtas ako ni Kuya? It's been 9 years and it's still creeping into me. And I miss him those years he's gone. "Nakakaiyak ba kumain ng fries?" Sinamaan ko ng tingin si Mr. Fortiarra na walang emosyong sinabi 'yon. Malamig niya akong tiningnan na parang wala lang 'yung sinabi niya. "Oo. Nakakaiyak! Kaya 'wag kang hihingi nito baka umiyak ka." Inis kong sambit at nagpatuloy sa pagkain. "Remembering your exes while eating?" He asked nonchalantly. Umpog ko kaya 'to sa marmol niyang sahig? "'Wag kang magsalita baka isampal ko sa 'yo 'tong sundae na hawak ko." Banta ko sa kaniya habang masamang nakatingin sa kaniya. "Or is it that hard to decide if you will agree to my proposal?" Saka ko lang naalala ang proposal niya nang banggitin niya 'yon. Purong si Kuya ang sumakop sa isipan ko habang hinihintay itong pagkain ko. Dapat nga pala pinag-iisipan ko na 'yon dahil doon nakasalalay ang trabaho ko. If I will date him, I will have a chance to get an information about him, step by step. Mapapadali 'yon dahil through dating him, I will have chance to know more about him. Wow. Ang utak ko talaga! At kailangan ko pa bang nag-isip? Mukhang hindi na. Nang-uto lang ako para makalibre ng tanghalian. Sa katapusan pa ang sahod ko at nakasalalay na 'yon sa renta ng apartment ko. Plus sa pagkain ko pa at sa kuryente. Tapos sa tubig. Tapos mga ibang gamit ko pa na kailangang bilhin. Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos akong kumain at maubos na ang lahat ay tumingin ako kay Mr. Fortiarra na nakatitig rin sa akin sa buong oras ng pagkain ko. He even didn't flinch when I look at him and caught him looking at me intently. Ako na lang ang nahiya sa takaw ko at sa ayos ko. Sumimsim ako sa float ko at nang maubos 'yon ay tumingin muli ako sa kaniya. Desidido na sa magiging desisyon ko. Humalukipkip siya at sumandal sa sandalan ng sofang kinauupuan niya. Titig na titig pa rin sa akin at hindi binabali ang titig kaya mas lalo akong na-concious. Bumuntong hininga ako saka nagsalita, "fine. Pumapayag na 'ko." Saad ko ng hindi makatingin sa kaniya. His lips tug for a slow smile that fades away immediately. "Okay. That's a done deal. You will exclusively mine. Exclusive. That means, no one can have you but me. You will not date anyone but me." Aniya sa mariing boses. Umirap ako, "oo na. Exclusive exclusive ka diyan. Akala mo naman girlfriend mo 'ko." Iritado kong sambit at tumingin rin sa kaniya. Mata sa mata. "You're not my girlfriend but you are mine. For the sake of your job and your interview for me." "And you will be exclusively mine, too." I smirk at him. Seryoso niya akong tiningnan, "gladly." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "And you will not date anyone too but me. Kapag nalaman kong may dinedate ka, pasensyahan tayo, Mr. Fortiarra, baka mas malala pa ako sa girlfriend na pinagtaksilan." "It's Vaughn, not Mr. Fortiarra." Pagtatama niya na ikinairap ko lang. "Don't roll your eyes on me, woman." "And it's Kyleigh, not woman. 'Wag mo 'ko igagaya sa mga babae mo na walang pangalan." Inis kong untag. "Okay," he shrugged. "Bakit nga pala ang haba ng pangalan mo?" "Is it part of your interview? We're still not dating." Agap niya sa tanong ko. "Malamang hindi. Naku-curious lang ako." I smiled mockingly at him and rolled my eyes. "My mom decided to give me three names. Bukod sa hindi na sila magkakaanak pa dahil 35 years na rin siya nang magbuntis sa akin, wala na silang plano no'n, kaya imbes na isang name lang, ginawang tatlo na dapat ay ibibigay sa magiging susunod pa nilang anak." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. So… he's a miracle baby after all? Well… baka? "Your name sounds cool and handsome," tumango tango ako. "Malamang gwapo rin ang may-ari." Buhat bangko niya. "Pangit naman ugali." Ganti ko at ngumiti ng nakakainis sa kaniya. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas dos y media na kaya nagpasya na rin akong umalis doon. Saka ko lang natanto kung ano ang pinasok ko. Sigurado ba ako na ayos lang sa akin? Baka mawala ang puri ko! Oh, temptasyon! Tantanan niyo ako! Ilayo niyo ako sa gwapong halimaw na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD