Prince Dronno felt mixed emotions that he had never felt before. Masaya siyang marinig mula sa dalagang mahal din pala siya nito. Pero nalulungkot din siya dahil sa katotohanang kaakibat ng pagiging alien niya ay ang dapat na pagbalik niya sa Pleretath bilang prinsipe ng planetang iyon. Kailangan niya talagang bumalik doon sa ayaw o gusto niya, sa malaon man o hindi. He swallowed hard and pulled her close to him. His arms wrapped around her soft and yielding body against his. Then, he gently caressed her soft fragrant hair. Naramdaman din niya ang pagyakap nito sa kanyang baywang na tila ayaw siya nitong paalisin. Parang lumobo ang kanyang puso. Damang-dama niya ang pag-ibig nito kahit sa simpleng yakap nito. Nanatili silang ganoon nang ilang minuto. Wala namang nagbibilang. “Kaira.”

