Lauren’s POV Nakita namin na kapapasok lang nina Tita Mads at Tito Gavin sa bahay nila at noong nakita nila kami na sabay na bumaba ni Ezekiel ay magkatinginan pa sila. Nagkita at nakapag-usap naman kami kahapon, kinumusta lang nila ako at masaya sila na muli nila akong nakita. Nakahihiya lang na nakita nila ako ngayon sa bahay nila. Baka kung ano pa ang isipin nila tungkol sa amin. Magsasalita na sana ako noong nagsalita si Tita Mads. “Renren! I’m glad you’re here! Pinag-uusapan ka pa namin ng Tito Gavin mo kanina dahil itong si Kiel ay hindi umuwi kagabi, nabanggit sa akin ni Aika na nakausap mo si Kiel kaya akala ko ay hindi kayo nagkaintindihan kagabi. May paiyak-iyak pa itong anak ko, hindi ko naman—” Si Aika talaga, hindi puwedeng magtago ng sikreto ’no? Palaging siya ang nagbubu

