Lauren’s POV Magkakasama kami nina Kelly at Kianna buong araw dahil miss na miss naming gumala at noong sinabi ni Kelly na may bantay si Elly ay kaagad ko silang inaya na mamasyal. Bonding na rin namin ito habang hindi pa ganoong ka-busy. Naging maayos naman ang pagkikita naming magkakaibigan pero bitin pa kami kaya naisipan pa namin na gumala kagaya ng ginagawa namin noon. Si Ate Nica naman ay busy kaya hindi siya nakasama sa amin. Ngayon nga ay inihatid namin si Kianna sa bahay nila, ako pa ang ginawang driver ng bossy kong kaibigan. Nakita kami nina Tita Mads kaya hindi kaagad kami pinauwi dahil sinabihan kami na ipahahanda na niya ang hapunan kaya sa bahay na nila kami kumain. Kung mag-aya pa naman siya ay iyong tipong hindi namin maiisip na tumanggi sa alok niya. Habang hinihintay

