Nagising ako nang maramdamang may humahaplos sa aking buhok. Iminulat ko ang mga mata at nakita ko ang nakangiting mukha ni Van. "Good morning, baby. Nagluto ako ng almusal. Kain na tayo?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti. Hindi pa rin ako sanay na ito ang bubungad sa akin sa umaga. "Good morning. Talaga, ikaw nagluto?" "Oo naman. Halika na, tikman mo," pag aaya niya sa akin. Bumangon na ako at dumiretso muna sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay sabay kaming bumaba. Binigyan niya ako ng plato tapos siya na ang nag lagay ng kanin at ulam sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Kailangan ko na ata masanay na ganito siya. "Masarap ba?" tanong niya. Ngumiti ako at saka tumango. "Sobra," sagot ko. Itlog, hotdog, bacon, ham at corned beef lang nama

