Papunta ako ngayon sa Cavite para kitain si Ate Chen. Gusto niya magpatulong sa akin para sa bahay na ipatatayo niya. Ilang oras lang at nakarating na rin ako ro'n. "Hi, Cha! Salamat sa pagpunta," sinalubong niya ako at niyakap. "Wala 'yon, Ate. Ano ba maitutulong ko?" Umupo kami at humingi naman siya ng maiinom. Ipinakita niya sa akin ang litrato ng lote na nabili niya. Medyo malaki iyon. "Nakuwento mo sa akin na may ipinapatayo kayong bahay rito. Iba pa 'yon, Ate?" tanong ko. "Oo. Patapos na nga, eh. At saka para kina Mama naman 'yon," sagot niya. "Tapos sa 'yo po 'tong bago?" "Ikakasal na ako, Cha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumayo ako para yakapin siya, "Congrats, Ate! Who's the lucky guy?" "Kaklase ko noong high school. Naalala mo si Jeffrey?" Tumango ako at ngumit

