Pag dilat ko'y puting kisame ang bumungad sa akin. Naramdaman ko agad ang mga kamay na humawak sa aking braso. "Baby, may masakit ba?" tanong ni Van. Napatingin ako sa nag aalala niyang mukha. "Gusto mo ba ng tubig? Ano’ng kailangan mo?" "Okay na ako, Van." Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Sabay kaming napatingin nang pumasok ang doktor at lumapit sa amin. "Kumusta ang pakiramdam mo, Chastine?" tanong niya sa akin. "Maayos na po ngayon," sagot ko. "May sakit po ba ang asawa ko?" tanong ni Van. "Wala naman, Mr. Villaverde. Sadyang pagod lang ang asawa mo at kailangan niya mag pahinga," sagot ng doktor. Nakahinga naman nang maluwag si Van at saka hinawakan ang kamay ko. "Maaari ka nang makalabas mamaya, Chastine. Mag pahinga ka lang sa bahay at iwasan mo muna mag

