“Hanggang kailan ka magbabayad sa pagliligtas niya ng buhay mo? Binigyan na siya ng trabaho ni Trick! Pinatitira mo na siya sa pamamahay ko. Hanggang kailan ako dapat magtiis na makita kayong nagngingitian at nag-uusap na parang mas close ka pa sa kaniya kaysa sa akin? Hindi lang ako ang nakakakita. Lahat ng mga kasambahay natin napapansin na iba ang tingin niyo sa isa’t isa. Ako ang asawa mo, Patrick. Wala akong pakielam kung meron man o walang malisya ang relasyon niyong dalawa pero ayoko na siyang makita rito. Umalis na siya, hindi ba? I enjoyed the few days that she was not here. Bawat segundo, hinihiling ko na huwag na siyang bumalik. So send her away. Now.” Napaatras si Anika sa talim ng mga salita ng babae. Nasaktan siya. Lalo na nang makita niya ang ismid ng dalawang kasambahay sa

