Chapter 2: Weird Guardian

1920 Words
-River Ehren Cruzveda's POV - "Good Morning, 'Ma." bati ko kay mama pagkababa ko galing sa kwarto. Nasa kusina na kasi sila ni Yuwi at kumakain. "Hey, batiin mo din si Yuwi!" sabi ni Mama sabay turo kay Yuwi na tahimik na kumakain. Anong oras kaya nagising to? Hindi ko man lang naramdaman yung presensya niya sa kwarto ko. "Good Morning, Yuwi " pormal na bati ko na tinanguan lang naman niya. Naka-uniform na siya at mukhang handang handa na sa pagpasok sa school. Ang aga siguro niyang nagising samantalang nauna pa akong nakatulog dahil dinaldal pa siya ni Mama kagabi. "Hey, Son, wake up! Tulog pa ata kaluluwa mo. Tulala ka pa. Kumain ka na tapos sabay na kayo ni Yuwi na pumasok." my Mom said while pointing at me. Sabay? Pshhh... Umupo nalang ako tsaka kumuha ng pagkain ko. Wala kaming katulong. Sa laki ng bahay namin, kami lang ni Mama ang naglilinis, minsan nagpapalinis si Mama sa mga utility personnel ng Office. Ayaw niya kasing may katulong sa bahay. "You and Yuwi will be classmates. I also register her to your club and I requested to your teachers that you should be paired with each other ALWAYS." My crazy mother said emphasizing the word "always". Hindi kaya magkaumayan na ng mukha pero kung sa bagay gwapo naman ako kaya hindi siya mauumay. "If she's fine with my girls." pabirong banta ko tsaka tinignan si Yuwi na mukhang wala namang pakialam. "No, It should be ' If your girls are fine with her', son." sabi ni mama sabay wink sa akin. Now, that's gross. "If that's so." sabi ko nalang at baka kung saan pa mauwi ang usapan. "Yuwi, kumain ka pa. Make your self at home." sabi ni Mama. Tumango tango naman siya ulit. "Hindi ka ba nagsasalita?" tanong ko dahil pagkatapos niyang magpakilala kahapon ay hindi ko na siya narinig magsalita. Kahit bago matulog kagabi o nung nagkukwentuhan sila ni Mama ay panay tango lang siya "Hahaha... Oh my Son, I forgot to tell you. Hindi nagsasalita si Yuwi pag may pangit sa paligid." sabi ni Mama na nang-aasar. "Stop it ma. Gwapo ako. Not just that, I am perfectly handsome." sagot ko naman sa kanya. Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. "Che! Lumayas ka na nga. Malelate na kayo." sabi ni mama kaya binilisan ko na lang ang pagkain. Nag-ayos muna ako ng mga 30 minutes bago umalis. "Bakit dala-dala mo pa yang espada mo?" tanong ko. Nakasabit pa kasi sa likod niya yung espada niya. "Katana." pagtatama naman niya sa akin. Katana, espada, parehas lang naman yun. "Iwan mo na yan. Bawal sa school yan." sabi ko naman sa kanya dahil ayoko ng abala mamaya sa school pero hindi naman niya pinansin yung sinabi ko at sumakay na backseat ng kotse ko. "Hey, Do I look like your driver?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto ng backseat. Ang swerte naman niya kung kasing gwapo ko ang driver niya. "Fine." sabi lang niya tsaka lumipat ng upuan. See, tipid talaga magsalita. Hindi na lang ako umimik at sumakay na din sa sasakyan ko. First time kong idadrive tong sasakyan dahil regalo lang to ng isa sa mga ninong ko kahapon. Cool right? After 20 minutes nasa parking lot na kami. May mga taong nag-aantay sa space kung saan palagi kaming nagpaparking ng mga kabanda ko at malamang nandito na sila dahil nakapark na yung mga sasakyan nila. Mahirap talaga kapag gwapo, madaming umaaligid. "Day dreaming?" tanong sa akin ni Yuwi na nasa labas na pala at nakadungaw sa bintana ng kotse ko. Lumabas naman ako bago siya sinagot. "Nope. Just praising myself." sagot ko naman. "Wow, River men! Bagong game mate?" sabi ni Miko na nakanguso kay Yuwi. Game mate, that's how they call my girls. "Nope. My guardian, pinalit ni Mom sa men in purple niya." sagot ko na may halong kaunting inis. Naalala ko na naman, may dagdag bantay na naman ako. "Still a baby eh?" comment naman ni Neo kaya napailing ako. Baby? hampasin ko to eh. "Pshhh... let's go?" tanong ko. Nagsitanguan naman sila. Sila yung mga baliw kung kabanda. Miko, the childish drummer. Neo, the talkative guitarist and Blaze the serious basist. Me? River, the most handsome and good looking vocalist. "Hi, Miss! I'm Miko. Ikaw? " tanong niya kay Yuwi habang naglalakad kami. Maya-maya lang maghihiwalay din kami kasi iba yung section ko sa kanila. "Yuwi." pakilala naman ni Yuwi. "Neo nga pala. Neon talaga yung pangalan ko eh kaya lang mas gusto ko yung Neo. It sounds cool and Shorter!" sabi naman ni Neo kahit na wala namang nagtatanong kung bakit Neo ang tawag sa kanya. He always have that way of introducing his self. "Blaze." maikling pakilala ni blaze. Tumango lang siya sa mga kaibigan ko tsaka lumapit sakin. "Ouch naman, iniwan tayo." sabi ni Neo dahil nasa likod ko kasi sila kanina. "Wala eh, hindi tayo ang gusto." madramang sabi naman ni Miko na nakanguso. "Mga baliw! Tsss... dito na kayo. Layas na." sabi ko nang makarating kami sa tapat ng classroom nila. Ako lang yung nahiwalay. "Sige Yuwi, babye!" sabi ni Miko na kumakaway-kaway pa. "Ingat ka sa pag-akyat ng hagdan Yuwi!" sabi ni Neo. Pshhh... "Bye Yuwi." sabi naman ni Blaze. Mga Tae to parang hindi ako ang kaibigan nila kung makabilin sila kay Yuwi. "Tara na. Sa fourth floor pa tayo." sabi ko naman sa guardian ko na nakasunod lang sa akin. Tumango naman siya at tahimik na sumunod. Bakit kaya ang tahimik nito? "Hi sweety!" bati ni... Sino nga ba to? She's my classmate. Betty? Bitty? Bruty? B??? Hmmm... "Hi Betty!" masiglang bati ko. Syempre sayang ang kagwapuhan ko kung magsusuplado ako. Di ba? "Betty?" Sabi niya na nakakunot yung noo. Ok, mali yung nabangit ko. "Bitty?" sabi ko na patanong. Malay niyo naman tama na. "Bitty? No, it's BRITANY!" sabi niya na emphasize na emphasize yung Britany. "Of course! I'm just playing around." sabi ko tsaka siya nginitian "Okayyy. Hmmm.. who is she?" tanong niya sakin sabay turo kay Yuwi. Ow, now I remember. Kasama ko nga pala si Yuwi. "She's Yuwi. Yuwi she's Britany." pakilala ko kay Yuwi kaya lang may pagka-snob si Yuwi kaya nilagpasan niya si Britany tsaka umupo sa may tabi ng upuan ko. Paano niya nalamang diyan ako nakaupo? "Who is she? I don't like her." sabi ni Britany tsaka kumapit sa braso ko. "Well, It's look like she doesn't like you too." sabi ko tsaka lumapit kay Yuwi na nakatinggin sa bintana. "Paano mo nalamang dito ako nakaupo?" tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ako. "Your mother told me." sabi niya ng di tumitingin. Hindi na lang ako sumagot tsaka sinubsob yung ulo ko sa desk ko. Ganito ako kapag klase. Nakakatulog ako hindi dahil sa alam ko na yung tinuturo kundi dahil hindi ko maintindihan yung tinuturo. ZzzzzZzzz... "Rivererhen." Pssshh... Sino naman tong nangagalabit sakin? "Ui Rivererhen!" "Uhmmm?" "Ahhhsh*t!" sigaw ko tsaka napatayo. Tinignan ko yung kanang braso ko na may bite mark. "Hahaha! Woah... That was cool!" sabi ni Yuwi tsaka natawa na parang bata. Teka? Tumatawa??? Si Yuwi ba to? "Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko na habang tinitignan ko yung braso kong may kagat. "Yeah. You don't want to wake up that's why I force you to wake up." sabi niyang wagas kung makangiti na parang wala siyang nagawang mali. "Teka... ikaw ba talaga si Yuwi?" tanong ko. Paano parang ang saya naman niya. Parang ang layo dun sa kaninang snob at walang imik. "Yeah! It's me. I just don't want to speak because I don't trust you. But then, I'm your guardian so YOU must trust me and I must trust you." sabi niya tsaka kinuha yung katana niya sa gilid ng upuan niya. "Come on! I'm hungry." tsss... kaya niya siguro ko kinagat. "Hey!" sabi pa niya. "Bakit hindi ka nalang kumain ng mag-isa? Hindi yung nangigising ka pa." sabi ko sa kanya. Kakaiba ata to magutom, nangangagat. Naglalakad kaming dalawa papuntang cafeteria. "I can't because of two reasons. One, As your Guardian I must be at your side whenever and wherever. Second, I don't have even a single coin." sabi niya habang binibilang yung reasons niya na dadalawa lang naman. Wala siyang pera? "Yeah whatever." sabi ko na lang. Nung papasok na kami ng Cafeteria, tinawag ako nung grupo ni Britany. "Hey, River." tawag ni Britany na sumenyas na doon na kami umupo at dahil wala naman ng bakanteng upuan tsaka hindi ko makita yung mga kabanda kong baliw eh lumapit nalang kami. "Owww, sorry. Isa nalang yung vacant chair." sabi nung kasama ni Britany kay Yuwi. Bumalik naman sa pagiging snob at emotionless si Yuwi. "Ah... Yuwi just sit here. o-order lang ako." sabi ko. Tumango naman siya. "You want anything, girls? " tanong ko sa kanila. Syempre gentleman ako. "You." sabi nung isa. "Sorry girls but I'm not for sale. Wala ako sa menu" pabirong sabi ko. Napatingin naman ako nung hinatak ni Yuwi yung laylayan ng uniform ko. Parang bata lang. "What?" tanong ko sa kanya. "I'll go with you." sabi niya tsaka tumayo at hinatak ako papuntang counter. "I want that." sabi niya sabay turo sa Halo-halo. Napangiti naman ako kasi para akong may kasamang bata kung magturo siya ng pagkain. "Dapat sinabi mo na lang sa akin. Tsss... yan lang ba? Baka naman sabihin mo kay Mama na ginugutom kita." sabi ko habang tumitingin din ng bibilhin ko. "That's all. I told you I MUST be by your side, WHENEVER and WHEREVER." sabi niya na nakatitig dun sa halo-halo. "Seriously? OA naman ata. I can protect myself." sabi ko. "Nah. That's my role." sabi niya. Umorder nalang ako ng dalawang halo-halo dahil may lunch pa naman mamaya pagkatapos doon na kami sa kakabakante lang table pumuwesto. May lumapit na waiter na may dalang baso na walang laman. "That's for?" tanong ko sa waiter pagkalapag niya ng dala niya sa lamesa. "Ah, Sir pinakuha po niya." sabi nung waiter tsaka tinuro si Yuwi na busy sa paghihiwalay ng mga sahog ng halo-halo. Ano na namang trip nito? "What are you doing?" tanong ko. Hinalo niya kasi yun kanina tapos ngayon nagpapakahirap siya na ihiwalay yung sahog para ilipat sa isa pang baso. I don't get the logic. "Just don't mind me and eat." sabi niya na tinuturoturo ako gamit yung kutsara kaya yun nga ang ginawa ko. Kinakain ko yung halo-halo ko habang siya naghihiwalay pa din ng sahog ng halo-halo... weird. "Yikes! Can you call him again?" sabi niya sakin sabay turo dun sa waiter. Tinawag ko naman yung waiter tapos nagpakuha siya ng Condence milk. "Hey." sabi ko. Pano ba naman nilagay niya yung gatas dun sa sahog. "You want?" tanong niya sakin. Umiling naman ako agad. She's doing weird stuffs. "Alien ka ba?" natanong ko bigla. Tumingin naman siya sakin. "Do I look like an Alien?" tanong naman niya. "No. You look like a doll." Nagulat naman ako nang ngumuso siya. "Rivererhen, I'm not a doll." parang naiinis na hindi na sagot niya. Now, that's cute but wait... "What did you call me?" tanong ko. "Rivererhen, that's your name." sabi niya habang kumakain. "It's River Erhen. Wag mong pagsamahin." sabi ko naman pero parang wala lang sa kanya yung sinabi ko. "Just the same." Sabi pa niya. Magkaiba yun. "No... Magka---" "I'm done. Let's go." putol niya sa sinasabi ko. Ininom niya yung natunaw na yelo. Pssh... I should remind myself that I have a weird guardian ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD