- River Ehren Crusveda's POV -
"Rivererhen, why are they looking on us as if we are two headed?" tanong ni Yuwi na nginuso yung mga tao sa hallway.
"Ganun talaga kapag gwapo." sagot ko naman. Hindi na ako umangal sa pagtawag niya sa akin ng Rivererhen dahil ayaw naman niyang magpaawat. Kahapon pa siyang ganyan eh.
"Hi River!" sabi nung isang babae sabay harang sa daanan ko. Sino naman to?
"Hello, Miss?" patanong na bati ko.
"Agatha." pakilala naman niya.
"Oh, Nice to meet you Agatha." sagot ko kahit hindi ko naman talaga siya gustong makilala.
"Who is she?" tanong ni Agatha sabay turo kay Yuwi.
"She's Yuwi my..." ano bang sasabihin ko? Guardian? parang panira naman ng cool image ko yun. Cousin? Di bagay. Hmmm... friend? Pwede naman.
"Girlfriend." nagulat ako nang si Yuwi na yung sumagot para sa akin. Tinignan ko siya agad.
"What?" sabay naming sabi nung babae. May lihim palang pagnanasa sa akin itong si Yuwi.
"I said, I'm his Girlfriend." sabi pa ni Yuwi pero hindi siya nagtataray. Parang plain lang at normal yung sinabi niya na kaming dalawa.
"Oh girl, Wake up. Everybody knows that River doesn't have a girlfriend and never will because he's a player." sabi nung Agatha. Sometimes, truth really hurts. Hindi ko tuloy alam kung masasaktan ako o matatawa. Nagulat na naman ako nung hinugot ni Yuwi yung katana niya tsaka tinutok sa ilong ni Agatha. WTH!
"I said HE'S MY BOYFRIEND. Speak and I'll send you to your grave." plain na sabi ni Yuwi. What's with her? Hindi naman na nakaimik si Agatha. Aba malamang, may matalim ba namang espada na nakatutok sa iyo. Hindi ka talaga makakaimik.
"Ah, Yuwi tara na." sabi ko sabay hila sa kanya. Pinagtitinginan na kasi kami. Binalik naman niya yung katana niya sa likod niya.
"What did you said?" tanong ko nang nakalayo na kami sa kanila.
"I said HE'S MY BOYFRIEND. Speak and I'll send you to your grave. " ulit niya sa sinabi niya kanina na saktong sakto sa kung paano niya sinabi kanina.
"Sino namang nagsabi sayo niyan?" tanong ko. Totoo naman yung sinabi ni Agatha. Wala akong Girlfriend and never will. Hindi na ulit.
"Your mother told me." sabi niya. That crazy woman, isip bata talaga. Paano naman ako?
"Lahat ba ng sasabihin ng Mama ko susundin mo?" tanong ko. Tinitigan naman niya ko sa mata kaya umiwas ako ng tingin. Mahina ako sa titigan, isa pa iba kasi siya tumitig. Hindi ko alam kung nang-aakit o naakit lang ako.
What am I saying?
"No. But she has a point. You can't claim that we are cousins or siblings. Everyone who surrounds you knew your family tree and you can't say that I'm your guardian. Saying that I'm your friend will be suspicious especially because we will be together every time." sabi pa niya. Eh pano nga ako? How will I be able to do things like flirting if I'm bound with boyfriend-girlfriend relationship?
"And don't worry, I don't care about your girls but I don't like them especially the bitches." sabi niya tsaka ngumuso.
"Lahat naman ata sila ganoon." sagot ko sa kanya. Hindi naman na siya sumagot kaya naglakad na lang kami.
"Rivererhen." tawag niya sa akin habang hinahatak yung laylayan ng damit ko. Para talaga siyang bata minsan sa kinikilos niya. Parang kahapon lang halos hindi niya ako pansinin. Paiba-iba pa ng ugali.
"What?" tanong ko tsaka siya tinignan. Nagtago naman siya sa likod ko. Ano na namang problema nito?
"Tell them to stop staring and yeah stop talking about me." sabi niya tsaka tinuro yung mga tao sa may hallway.
Huh? Oo, halos lahat sila nakatingin sa amin pero wala naman akong naririnig na pinaguusapan siya.
"Hindi ka naman nila pinaguusapan." sabi ko. Lalo naman siyang nagsumiksik sa likod ko. Nalulukot na yung uniform ko.
"They are. I heard them." sagot niya na siguradong sigurado. Ang talas naman ng pandinig nito.
"I said stop them." sabi niya tsaka lalong nagtago sa likod ko habang nakatakip yung dalawang kamay niya sa tenga niya. Tinignan ko naman yung mga tao sa paligid. Yung iba naguusap tapos titingin sa amin. Lahat ba sila naririnig niya?
"Guys." tawag ko sa mga tao sa paligid namin kaya nagsilingunan sila.
"Please, stop talking about us and staring in someone is rude." sabi ko tsaka hinatak si Yuwi palayo sa mga yun.
"They are still talking about us." sabi niya tsaka tinakpan yung tenga niya.
"Ano bang meron sa tenga mo? Ang layo na nga natin." sabi ko. Ang weird kasi.
"Urggg..." sabi niya tsaka umupo tapos tinakpan lalo yung tenga niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
"I said stop!" sabi niya pa. May tama ata sa ulo to pero nakakaawa kasi siyang tignan. Tsk... Kinuha ko yung earphones ko tsaka dinugtong sa cellphone ko tapos pinatugtog ko yung mga recorded songs namin ng mga kabanda ko. Inalis ko yung kamay niya sa tenga niya tapos nilagay ko yung earphones ko sa tenga niya.
"Focus on our songs." sabi ko tsaka tumayo naman siya tsaka tinignan yung cellphone ko.
"Wow. Cool!" sabi niya tsaka nagtatatalon na parang bata. I found it cute but weird.
"Tara na nga." sabi ko dahil baka hindi ako makapagpigil at makurot ko siya. Hinatak ko na siya pabalik ng school building at baka malate pa kami.
"Magsi-CR lang ako." sabi ko tsaka siya iniwan. Nakapasok na ako sa loob ng C.R. nang...
"Woah... Miss!" sabi nung lalaki na nasa loob. Napakunot naman yung noo ko tsaka tumingin sa likod ko. WTH... hinatak ko siya agad palabas ng CR.
"Ano ba? Bakit ka sumunod? Tsk... STAY here. WAG kang PAPASOK sa loob. Ok?" bilin ko na pinagdidiinan yung ilang mga salita tsaka pumasok sa loob ng CR at nilock yung pinto. Wala naman ng tao kaya walang nagreklamo. Tapos na kong umihi nang may mapansin akong ulo na nakasilip sa bintana. Ano yan, multo? Sh*t asa thrid floor kami paano magkakaroon niyan dito? Lumapit naman ako sa may bintana. Teka...
Binuksan ko agad yung bintana.
"What are you doing there? At paano ka napunta dyan?" tanong ko kay YUWI na nakabaliktad sa may bintana. So yung ulo na nakita ko ay ulo ni Yuwi. F*ck, sinilipan ba ako nito?
"I used my katana. Hey can I enter? I think all my blood is here." sabi niya tsaka tinuro yung ulo niya. Medyo namumula nga siya dahil sa nakabaliktad siya o baka may nakita to sa akin. Napailing naman ako sa naisip. Pero malamang lamang dahil lang sa bumitin siya na parang paniki. Umalis ako sa may bintana tsaka siya tumalon papasok. Tinignan ko naman kung may mga nakakita ba sa kanya at nakahinga ako ng maluwag nung masiguro kong mukhang wala naman.
"Wahhh... I'm dizzy." sabi niya na tumatalon talon pa. Bakit naman siya tumatalon?
"Sino ba kasing nagsabi sayo na mag-ala bat girl ka diyan?" tanong ko tsaka hinawakan yung ulo niya para tumigil siya sa kakatalon. Lalo lang siyang mahihilo sa ginagawa niya.
"I already told you, I am your guardian and we should be together, whenever and wherever." sagot pa niya sa akin. Pati sa CR? Nakapatong pa din yung kamay ko sa ulo niya.
"As if naman may papatay sa akin sa CR." sarcastic na sagot ko sa kanya habang dinidiinan ng kaunti ang pagkakapatong ng kamay ko sa ulo niya.
"Possible." sabi naman niya. Napasapok naman ako sa noo ko.
"Listen, you can be with me, whenever and wherever except here. You're still a girl and I'm a man. Got that?" sabi ko. Ngumuso naman siya tsaka tumango pero sa tingin ko ay hindi naman niya naintindihan.
"Fine. But I'll wait outside and call me if something happen." sabi niya. Tskkk...
"Let's go." sabi ko tsaka hinatak na siya palabas. Good thing at walang tao dito dahil kung hindi mapag-uusapan na naman ako este kami pala.
"Riverehren..." tawag na naman niya sa akin.
"A-- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinahiga niya na ako agad. Mabilis niya kong naitulak pahiga. Nasa ibabaw ko na siya kaya gulong gulo kong tinignan yung tinitignan niya. Ano na namang nangyayari? May narinig naman akong nabasag kaya hinanap yun ng mga mata ko.
"Stay here." Emotionless niyang sabi at tumingin sa basag na bintana. Nakita ko naman yung mga bala na nasa sahig at dingding.
Pati ba naman sa school?
What a life!
---