Chapter 4: First Attack

1305 Words
--- - River Ehren Crusveda's POV - "Teka..." sabi ko kay Yuwi na nasa harap ko. May mga kakaakyat lang na anim na lalaki. Assassins. "Why?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin. Nakatitig siya doon sa anim na lalake. "Kaya kong lumaban." sabi ko sa kanya tsaka pumunta sa may harapan niya. "Nah... I told you I'm your guardian. That's my role." sabi naman niya tsaka hinugot yung katana niya sa likod niya at pumuwesto sa harapan ko. "Sino ka naman?" tanong nung isang lalaki. Ang pangit naman nito. Pwera lait hah, pero ang pangit talaga. Nakakainit ng ulo. "None of your business." sagot ni Yuwi. Ibang iba ito sa isip batang Yuwi na kaharap ko kanikanina lang. Bipolar nga ata ito. Tumayo naman na ako ng maayos at nakakahiya ang pwesto ko. Mukha akong nagtatago sa likod niya. "Stay there." sabi ni Yuwi. Ano ako bata? Nakakainis yung pakiramdam na ganito. Sinugod naman siya nung mga lalaki. Six vs. One? May baril yung apat tapos patalim yung hawak nung dalawa. Unang napabagsak ni Yuwi yung dalawang may baril. Hindi naman ako makalapit kasi hinaharangan niya ako sa tuwing nagtatangka akong makisali sa laban. Ang bilis naman niya kumilos kaya halos hindi talaga ako makalapit at hindi din ako malapitan. "I said stay there." sabi or should I say utos niya sa akin. "And why should I follow you?" tanong ko sa kanya. Hindi naman niya k ako pinansin at tuloy lang sa pakikipaglaban. Nakakalalake ang manikang to. "Hyaaa..." sigaw nung lalaking may patalim na papalapit kay Yuwi. Sinanga agad yun ni Yuwi gamit yung katana niya tsaka sinipa sa tyan yung lalaki. Tumambling pa siya sa may balikat nung lalaki tapos napunta siya sa likod nun. Nang nasa likod na siya, tinuhod niya yung tagiliran nung lalaki tsaka pinangharang sa bala na pinaputok ng isa pang assassin. Tatlo nalang, dalawang may baril tapos isang may patalim. "Better tell your master to send some useful assassins." sabi ni Yuwi tsaka ngumisi. Tinutok naman niya yung katana niya dun sa nasa gitna. Nakakangisi pa siya sa lagay na yan. "Who are you?" tanong naman nung isa sa mga assassin. "I am his guardian." sabi niya tsaka ako tinignan. Napansin ko namang babarilin siya nung lalaki habang nakatingin sakin kaya medyo nataranta ako. "Yuwi..." sigaw ko. Ngumiti lang siya sakin tsaka ako tinulak pasandal sa pader. What the f*ck! "Sorry." sabi niya tsaka humarap dun sa assassin. Ang sakit sa likod, nabigla ata ako sa pagkakatulak. "Die!" sigaw nung assassin na may kutsilyo kay Yuwi kaya halos hindi ako makapikit. Sumugod naman siya sa mga assassin na may baril. Just watching her fighting like that amaze me so much. She's too fast and calm. Parang ako pa ang natataranta sa kanya. Sinipa niya yung baril nung isa tsaka sinikmuraan. Pinukpok niya sa batok yung lalake gamit yung hawakan ng katana. Dalawa na lang yung natitira. Tumingin naman siya sa isa pang may baril. Ayaw niya talaga sa baril, halatang halata na nangigigil siya sa baril eh. Pinaputukan siya nung assassin kaya tumakbo siya papunta sa dereksyon nung may kutsilyo tsaka pinangtakip yun. Sa gulat nung assassin na may kutsilyo, hindi na siya nakakilos at natamaan. "Five down." sabi ni Yuwi. Tinutok naman sa kanya nung huling assassin yung baril. "You can't kill me using that." pagbabanta ni Yuwi. "Sino bang nagsabing ikaw?" sabi naman ng assassin na nagawa pang ngumisi tsaka tinutok sa akin yung baril tsaka mabilis na pinaputok. Sh*t, hindi ko napansin yun. Napapikit na lang ako sa bilis ng pangyayari at inantay na matamaan ako ng bala pero wala akong naramdaman. Unti-unti kong dinilat yung mata ko. "Yuwi..." Bakit??? paanong? ang bilis naman niya nakarating sa tapat ko. Nandoon siya kanina sa may kanan ah. "Wrong move." sabi ni Yuwi. Tinignan ko naman yung assassin. Nakaturok sa may tagiliran niya yung katana ni Yuwi. Pano napunta yan diyan? Ayan kasi River pipikitpikit pa. Tsss... "Pa- pa-anong?" tanong nung assassin na sumuka na ng dugo. "I threw it." sagot naman ni Yuwi bago matumba yung assassin. Humarap siya agad sa kin pagkakitang ubos na yung kalaban. "Now your fine." sabi niya tapos bigla siyang napaluhod sa harap ko. "Hey..." nagtatakang sabi ko tsaka hinawakan yung dalawang balikat niya. Tinangal ko yung kamay niya na nakahawak sa may tagiliran niya. F*ck! "Are you alright?" tanong ko kay Yuwi. Oh crap River what a wonderful question. Nakita mo ng natamaan siya ng bala, tapos itatanong mo pa. Ahhh no. Hindi ito ang tamang oras para maging sarcastic ako sa sarili ko. Tinignan ko ulit si Yuwi. "Yeah." She said before fainting. "Yuwi... Yuwi..." sabi ko habang tinatapik tapik siya sa kanang pisngi. "River!" tawag ni Mama sa akin. Nasa likod niya yung mga men in purple niya at ilang teachers. "Ma... let's take her to the hospital." sabi ko tsaka kinarga si Yuwi. "No, son. You can't." sabi niya kaya napakunot yung noo ko. "What? Why?" tanong ko. Ano na namang problema? "Just bring her home. I will call our family doctor. Kakausapin ko lang yung principal niyo." sabi ni Mama. Tumango na lang ako tsaka bumaba. Napansin ko namang sumama yung apat na men in purple ni mama sa amin. Isa na din sa kanila yung nagdrive na hindi ko makilala basta isa siya sa kanila. Pagkadating ko sa bahay nandoon na si Dr. Beño. Dinala ko siya sa kwarto para doo nalang gamutin. Pinapanuod ko lang si Dr. Beño habang ginagamot si Yuwi. Medyo sanay na din kasi akong makakita ng ganyan kasi nga may ospital kami. Tambayan ko din un dati. Sh*t! This is my fault. Dapat umiwas na lang ako. It should be me. Ang tang* ko lang kanina. "River." tawag sa akin ni Dr. Beño. "What's the matter?" tanong ko nang humarap sa akin si Dr. Beño. "Chill... She's fine. After all she's bless that her vital organs are not affected." nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi niya yun. "Give these medicines to her. Every six hours and don't let her do heavy work dahil magdudugo ulit yung sugat niya." sabi ni Dr. Baño tsaka inabot sa akin yung gamot. Ang dami naman nito. "And clean her wound daily to avoid infection." sabi niya pa. Tumanggo na lang ako tsaka nagpasalamat. Nang lumabas na siya, nilock ko yung pinto tsaka umupo sa tabi ni Yuwi. Pangalawang araw palang nasaktan na siya. Pshh... I hate it when someone feels pain all because of me. Kahit yung mga dati kong guard nasasaktan, namamatay dahil sakin. Bakit kasi hindi na lang nila ako hayaang lumaban? "Son..." rinig kong katok ni Mama. Tumayo naman ako tsaka binuksan yung pinto. "How's Yuwi?" tanong niya tsaka nagderederetsyo papasok. "She's fine." sabi ko. Huminga naman siya ng malalim tsaka umupo sa tabi ni Yuwi. "Ma.. bakit ba siya naging guardian ko?" tanong ko. Magaling nga siya makipaglaban, kitang kita ko yun kanina pero babae pa rin siya. "That's what she wants." sabi niya naman. Hah? Mukha namang napansin ni mama na clueless ako kaya nagsalita ulit siya. Clueless naman talaga ako sa halos lahat ng bagay tungkol sa pamilya namin at sa isyu nito. "Her mother died after giving birth to Yuwi. Her father who happens to be your father's bestfriend died while saving her. Your father took care of Yuwi then before your father died , Yuwi sealed a promise that she will protect you no matter what." sagot ni mama. "Why?" tanong ko. Bakit siya? Protektahan kanino? Tinignan lang niya si Yuwi. "You know what son, it's hard to explain. You'll know it when the right situation comes." sabi niya tsaka tinapik yung balikat ko at umalis. All my life, death is chasing me without giving me the reason why. Now, she gave me a doll like guardian to protect me without knowing the reason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD