Venice Corveral's POV Sino kaya yung Zhyra na yun? Kahapon pa ko naiirita at nagtataka talaga ako sa babaeng yun. Di ko alam kung bakit. "Hi My Queen!" halos mapatalon naman ako ng biglang dumating si Neo. "Ano ba bakit ka nangugulat?" tanong ko tsaka siya binatukan. Umakbay naman siya sa akin tsaka ngumiti. "Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa kaya ko nakaupo dito. " sabi niya tsaka may inabot sa aking lunch box. "Ano yan?" tanong ko. "Lunch box." sabi niya kaya inirapan ko siya. Wag na kayong magtaka at mahilig talaga kaming mang-irap ni Xinon. "Alam ko malamang. Ang ibig kong sabihin para saan yan?" pilosopo masyado. "Ah. Ayusin mo kasi yung tanong mo. Hahaha... Pagkain mo to mahal kong Reyna para di ka magutom. " sabi niya. "Ano bukod sa pagpepainting marunong ka din ma

