Xinon Corveral's POV
Yawn...
Pang-ilang hikab ko na ba yun? I'm so nitatamad na. Imagine kanina pa kami nakikinig sa band practice nila River. Maganda yung tugtog nila kaya lang lagi kaya kaming nanunuod sa kanila. Nakakaumay din. Tsaka isa pa, puyat kaya kami. Busy kami sa mga projects at paghahanap ng gamot para kay Yuwi at para na din maging normal na tao na din kami. Buti pa to si Yuwi tulog lang ng tulog. Hindi kasi ako makatulog at grabe makapalo ng drums tong si Miko.
"Hooo... Break muna!" sabi ni Miko tsaka binaba yung drum stick niya. Thank God... matatahimik na din ang tenga ko.
"Grabe tulog na tulog pa din si Yuwi." sabi ni Neo na sinisilip yung mukha ni Yuwi na natutulog sa may upuan katabi ni Winter.
"Stay away. Magigising mo siya." sabi ni River tsaka hinatak sa tenga si Miko.
"Kunwari pa kasing si Yuwi ang lalapitan eh si Winter naman talaga ang gusto mong lapitan. Hahaha..." natatawng sabi ni Neo kaya sinimangutan siya ni Miko. Tinignan ko naman si Winter na wala na namang pakialam sa mundo at nagbabasa lang ng makapal na libro niya.
"Tsk... Torpe." comment ni Blaze habang nagpupunas ng pawis.
"Nagsalita ang hindi makadiskarte." sabi ni Miko tsaka kinuha yung potato chips na kinakain ko.
"Manners please!" sabi ko tsaka kumuha na lang ng ibang pagkain.
"Makamanners... Parang meron ka non ah!" sabi ni Venice kaya inirapan ko siya.
"Naman Baby V. Nakabili ako ng manners kanina. Don't yah worry bibilhan ko na din sila." sabi ko tsaka kumindat.
"Awat na nga yan. Puro kayo kalokohan." sabi ni Blaze tsaka umupo sa tabi ko. Tsk...
"Yuck... Your so pawisin kaya. Dun ka nga!" sabi ko kahit mabango pa din naman siya. You know... inaasar ko lang.
"Ano naman? Di naman masyado. " sabi niya na nakangisi.
"Anong hindi masyado? Mabantot ka na. Ewww!" sabi ko pa tsaka tinakpan ang maganda kong ilong.
"O.A. na Xinon! " sabi ni Baby V kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Panira ng trip to.
"Heh! Palibhasa may pa king-Queen pa kayong nalalaman. Kayo na ba? " tanong ko kaya ayun tulaley ang baby V ko at di na nakapagsalita.
"Answer." napalingon kaming lahat kay Winter na nakikinig pala at masama ang tingin sa amin. Oh-ow... Strict Winter here.
"Hindi noh. Malisyosa lang yang si Xinon. Shhhh ka nga! " sabi ni Baby V kaya natatawa akong tumango.
"Pero manliligaw sana ako." napatingin kaming lahat kay Neo. Oo lahat pati si Yuwi na biglang nagising. Pambihira!
Walang nagsalita sa amin kasi pinaprocess ko pa eh.
"Paki-ulit nga?" sabi ko tsaka nahihiyang sumagot si Neo.
"Ma!-manliligaw ako." napasigaw kami ng biglamg pinaputukan ni Winter si Neo.
Oh geezzz...
"Winter!" sigaw ni Baby V tsaka humarang sa harap ni Neo. Ay ang sweet!
"Why? Are you pregnant huh Venice? Why are you protecting him? D*mn! What did you do to her Moron!" mahabang sabi ni Winter na nakatutok yung baril kina Venice.
Pregnant?
"What the F? Hahahaha... " tinignan naman nila ko dahil sa eskandalosa kong tawa.
"Oh my gosh Winter... Pregnant? Porket manliligaw buntis agad? Oh em Gee! Hahaha... " sabi ko na nagpipigil pa din ng tawa kaya lang di naman effective kaya itinawa ko na lang ng bongga. Grabe naman kasi porket manliligaw si Neo kay Venice, nabuntis na niya agad si Baby Venice ko? Advance masyado tong si Winter eh.
"Shut up Xinon!" matigas na sabi ni Winter. Narinig din namin yung mahinang tawa ni Yuwi kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Why don't you let them Winter. I found it cool... Venice with Neo. The King and Queen. Isn't it sweet?" parang batang tawa ni Yuwi kaya lumapit agad ako sa kanya. Kinapa kapa ko pa yung noo at leeg niya.
"Wala ka namang lagnat. Bakit parang nagdedeliryo ka na? Sweet? Seryoso sa bibig mo yun lumabas?" sabi ko. Ngumuso naman siya tsaka ako tinignan.
"Why? Aren't you inlove to Blaze too?" inosenteng tanong niya kaya pinanglakihan ko siya ng mata. Oh my gosh ano bang nangyayare kay Yuwi?
"Ewwwww! Grabe ka! Hindi ah!" sabi ko tsaka tinignan si Blaze mula ulo hangang paa tsaka sumigaw ulit.
"Hindi talaga." sabi ko pa kaya natatawa siyang umupo.
"Tsk. Fine I'll let you court my cousin." sabi ni Winter na umupo sa tabi ni Yuwi.
"Ayan na. Syempre ako payag na. Basta ba pagliligawan mo siya ligawan mo din kami. Hahaha... You know. Suhol. Para naman matulungan ka namin. Lalo na ko." sabi ko tsaka sumalampak ulit sa may upuan.
"Wait kayo ba ang liligawan? Hindi ako payag!" sabi ni Baby V kaya napatingin kami sa kanya.
Pakipot...
"Bakit ayaw mo? " sabi ni Neo.
"Oi love birds sa labas kayo mag-usap! " sabi ni River. Bitter neto gusto ko nga mapanuod yung moment nila eh.
"Hindi dito na kayo. Wag niyong pansinin yan. Uminom kasi ng tatlong tasang bitterness yan eh!" sabi ko tsaka sinamaan ng tingin si River.
"Kung naiingit ka maghanap ka din ng papatol sayo. Kung meron..." sabi ni Blaze kaya sinamaan ko siya ng tinggin. Anong kung meron... ang dami kayang may gusto sa akin. Hayop much... Sa ganda kong to.
"Ang epal mo!" sabi ko tsaka umirap. Nagkakainitan na kami dito ng p*****t panda na to ng pumasok si Andrew na may kasamang magandang babae. Witwiw...
"Rinig na rinig sa labas yung inggay niyo." sabi ni Andrew na pinapabili lang namin ng inumin oero umabot ng halos isang oras. Ang tagal mo naman!
Sabi ko sa isip ko para mabasa ng mind reader na pinaulanan ng kapangitan.
"Gwapo ako." sabi niya kaya natawa na lang kami.
"River." naagaw naman ng babaeng mukhang angel ang antensyon namin. Para namang nagulat si River na hindi nakapagsalita.
Okayyy...
Anong meron?
"Zhyra..." sabi ni River kaya tameme kaming lahat. Like duh out of place kaya kami.
Nag-aantay kami ng susunod na mangyayari kaya lang biglang lumabas at tumakbo si River. Hahabulin sana siya ni Yuwi, yun nga lang nanghihina pa siya dahil nga sa lason at sa gamot kaya hindi din siya nakasunod.
"Teka..." sabi nung babae tsaka tumakbo palabas at hinabol si River. Nanahimik kami ng matagal bago ako nagsalita.
"Sino yun Andrew?" tanong ko. Umiling naman si Andrew bago nagsalita.
"Aba malay ko. Nakasalubong ko lang yan na hinahanap si River eh." sabi niya.
"Hindi mo nabasa ang isip ng kahit na sino sa kanila?" tanong ni Baby V. Ay ang brainy...
"Nabasa." sabi niya habang kumakain ng chichirya.
"Nabasa mo naman pala eh. Eh sino siya?" tanong ko. Para naman siyang ewan na nanahimik.
"Hindi lahat ng nababasa ko pwede kong sabihin. " sabi niya kaya lumingon na lang kami kina Miko na mukhang nalugi.
"Sino yung babae? " tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila tsaka isa isang nagdahilan.
"Susundan ko sila. " sabi ni Neo na mabilis na lumabas.
"D*mn may assignment pa pala ako." sabi ni Blaze na sumunod kay Neo at talagang nagdahilan pa ng walang kwemtang dahilan si Miko.
"uutot ako." sabi niya na mabilis lumabas. Peste... anong problema nila at nagtatanong lang naman ako.
"I smell trouble." sabi ni Winter na nakatingin kay Yuwi na nanlalanta.
Sino ba yung babaeng yun?