Venice Corveral's POV
"Hayyyy... Ouch! Ano ba?!" bulyaw ko kay Xinon dahil sa pagbato niya sa akin nung mansanas. Minsan talaga puro ganda lang to eh... wala ng manners. May kagat pa yung apple oh! kadirdir...
"Stop na nga sa pagbuntong hininga. Kanina ka pa kasi..." sabi niya tsaka umirap.
"Irapan mo pa ko ulit Xinon at talagang aalisin ko yang mga eye balls mo! " sabi ko tsaka siya tinignan ng masama.
"Alam mo kasi wala namang maitutulong yang pag-aalala mo." sabi ni Xinon kaya napatango na lang ako. Kung sa bagay... tama naman siya. Pero kasi hindi lang naman ako kay Yuwi nag-aalala. Bukod sa naawa ako kay River na nung nakaraan pa naghahanap sa data na nasa kanya daw, nag-aalala din ako kay Andrew na alam kong sobrang nag-aalala kay Yuwi.
"I can't find it... D*mn!" napalingon kaming tatlo nina Xinon at Winter kay River na ginugulo yung buhok niya.
"Find what?" tanong ni Winter.
"Yung box... Musical box to be exact. As far as I remember dapat nandun lang yun sa mga gamit ko sa stock room pero wala dun." sabi niya kaya napakunot yung noo ko.
"Para saan naman yung Musical box na yun?" tanong ko.
"Baka kasi nandun yung data..." sabi niya kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"Really... then nasaan yun? Ano bang itsura? Tutulong na kaming maghanap." sabi ni Xinon na tumayo pa. Tumayo na din ako para makatulong na mahanap yun.
"I can't remember exactly pero kung yung pinakamahalagang bagay yung sinasabi ng Dad ko, then ayun na yun." sabi niya na parang siguradong sigurado eh hindi nbga niya maalala yung itsura. Bwis*t din tong lalakeng to eh...
"Alalahanin mo muna." sabi ko tsaka lumabas. Ewan parang may nagsasabi sa aking lumabas eh. Nagderederetsyo ko sa kwarto ni River kung saan natutulog si Yuwi. Papasok na sana ako ng may marinig akong humihikbi.
"Hey Yuwi... kayanin mo hah?" Andrew...
Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kirot sa puso ko. Sh*t... Pinsan ko si Yuwi. Hindi dapat ako nagseselos sa kanya... kaya lang...
"Kayanin mo Yuwi kasi naghihintay ako. Mahal na mahal kaya kita... Ako nga yung Prince Charming mo di ba?" rinig kong sabi ni Andrew.
Kung pwede nga lang ako lang ang Prinsesa mo... Pwede ba Andrew?
yung ako lang...
Flashback...
"Wahhh Salbahe! Isusumbong ko kayo kay Lolo! " sigaw ko sa mga pinsan kong grabe kung manglait. Naiinis ako sa kanila kasi ang sabi nila ang papa ko daw ang pinakamahina sa buong clan namin. Porket ba wala pa siyang nahuhuling bad guy... Porket mas pinili niyang mabuhay sa labas at maging doctor ng bayan. Ano naman kung di siya nakikipag laban...
Nagliligtas pa din naman siya ng buhay ah!
"Edi magsumbong ka! Parehas naman kayo ni Tito Kidon, Weak!" Naiinis ako sa panlalait nila sa tatay ko kaya ayun... Sinabunutan ko yung walang kwenta kong pinsan. Yun nga lang Tatlo sila, mag-isa lang ako tapos mas malalaki sila sa akin kaya sa huli ako din yung natalo. Napasubsob pa ko sa may damuhan tsaka nila ako iniwan.
"Bad... hmpp... " sabi ko na pinapahid yung luha ko. Lagot sila kay lolo... mga bad sila.
"Bakit ka umiiyak?" tinaas ko naman yung tingin ko sa lalaking nasa harap ko.
"Wala... " sabi ko tsaka mapait siyang nginitian. Hindi ko siya pinsan... siya lang ata ang kaisa-isang bata dito na di ko kaanu- ano. Siya ang ampon ni Tito Arch, tatay ng pinakabata kong pinsan.
"Hindi maganda sa prinsesa na umiiyak. Tara na?" sabi niya kaya tinignan ko yung kamay niya.
"Prinsesa?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Prinsesa... Tara na mahal na Prinsesa. Madumi diyan." sabi niya kaya tatayo na sana ako ng kumirot yung paa ko. Waahhh...
"wahhh... " iyak ko lalo. Para naman siyang nataranta.
"Hala bakit? Teka..." sabi niya na pinapatahan ako. Masakit nga yung paa ko eh. Pano ako magsasanay?! Mapaparusahan ako... Waaahhh...
"Ma-masakit eh... Pano ko... pano ko magsasanay... wahhh! lagot ako kay lolo! " sabi ko na umiiyak pa din habang hawak hawak yung masakit kong paa. Akala ko naman lalayasan na niya ko kasi tumalikod siya sa akin kaya medyo nagulat ako ng umupo siya ng nakatalikod sa akin.
"Sakay na!" napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Ako sasakay? Pero...
" Papasanin kita Prinsesa. " sabi niya kaya napangiti ako at pumasan sa kanya. Dahan dahan pa siyang tumayo tsaka naglakad.
"Ikaw yung kalaro ng master ko di ba?" sabi niya sa akin kaya napatango ako. Siya naman yung bantay ng anak ni Tito Arch.
"Oi Bakit mo siya buhat? " tanong nung cute kung pinsan. Siya ang pinakapaborito kong pinsan kasi mukha siyang manika.
"Masakit kasi yung paa niya." sabi naman nitong batang lalake.
"Bakit?" tanong niya sa akin kaya napanguso ako.
"Sila Freda kasi inaway ako eh. Sabi niya weak daw si papa." sumbong ko sa kanya. Lumamig naman yung ekpresyon niya tsaka biglang sumimangot at tumalikod.
"Saan ka pupunta?" nagkatinginan kami nitong lalake tsaka sabay kaming tumingin sa pinsan ko. Binaba na niya na kasi ako.
"Kakalbuhin ko sina Freda!" sabi niya kaya sabay kaming natawa. Natigil lang naman ang pagtawa ng tinawag nitong lalake yung pinsan ko.
"Princess ako na lang sasabunot sa kanila. Hahaha... Baka mapano ka pa." sabi niya.
Princess?
"Bakit bakla ka ba? Bakit ka mananabunot?!" tanong ng pinsan ko. Hindi ko alam pero para akong batang inagawan ng candy. Hindi lang pala ako ang prinsesa niya...
end of flashback...
"Venice? " agad kong pinunasan yung luha ko tsaka tinignan ang epal na umaabala sa pagdadrama ko.
"A-anong kailangan mo Neo?" tanong ko. Yeah... si Neon a.k.a Neo ang Epal na nang-iistorbo sa akin.
"Umiyak ka ba?" tanong niya kaya napairap ako. Para namang pagsinabi kong hindi maniniwala siya eh nakita na nga niya. Pagmumukhain ko lang lalo na tanga ang sarili ko kapag ganun.
"Nakita mo naman na." sabi ko tsaka lumakad paalis sa tapat ng kwarto ni River ng mapalingon ako sa paglabas ni Andrew. Tsss... Nababasa naman niya yung iniisip ko.
"V." sabi niya kaya tinignan ko siya ng deretsyo sa mga mata niya.
"I'm sorry..." napangiti na lang ako ng mapait. D*mn... mapapagaling ba ng sorry na yan tong sakit na nararamdaman ko?
Kung sana... sana minahal mo ko higit sa kapatid... sana di ako nasasaktan ng ganito! Kung sana...
Sana nilayuan mo na lang ako kung di mo naman pala ako sasaluhin.
Flashback...
"Ano nga ulit yung sinabi mo?" tanong niya sa akin.
"Mahal kita. Bakit... hi-hindi mo ba ako mahal?" tanong ko sa kanya...
"Syempre mahal..."
"Ayun naman pala eh. Anong problema?" tanong ko.
"Mahal kita bilang kapatid V. Hangang dun lang..."
end of flashback...
Alam kong nababasa niya yung iniisip ko kaya tumalikod na lang ako at mabilis na umalis. Nakakainis! Nakakainis!
Paasa kasi siya...
Nakakainis siya...
Sobra...
Pero mas nakakainis ako.
Kasi umasa ako.
Kasi...
"Venice... " ang epal naman ng Neo na to.
"Ano bang kailangan mo at Venice ka ng Venice?" sigaw ko kay Neo na pati dito sa labas eh sinundan pa ko.
"Punta tayong secret place ko" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ayoko. " sabi ko tsaka tumalikod. Makapunta na nga lang sa ancestral house namin. Baka dun wala ng iistorbo sa akin.
"Hindi yun tanong. Tara dali!" sabi niya tsaka hinila ako papunta sa tapat ng kotse niya.
"Bitawan mo nga ako kung ayaw mong balian kita ng buto!" sabi ko sa kanya na inaalis yung pagkakahawak sa kamay ko.
"Halika na." sabi lang niya tsaka ako pinaupo sa sasakyan niya. Umikot siya agad tsaka pumunta sa may driver seat. Kumakanta kanta pa siya bago inistart yung sasakyan niya.
"Saan mo ba ko dadalhin?" inis na tanong ko. Inaabala na nga niya ang pagdadadrama ko, kung saan saan pa niya ko dadalhin.
"Shhh... sa secret place ko nga! Manahimik ka at kanina ka pa nag-iingay" sabi niya tsaka nagdrive. Nanahimik na lang din ako kasi magpapagod lang ako sa pagdadaldal. Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan niya tsaka tinignan yung mga tao sa labas na nadadaanan namin.
Ang dami kong nakikita. Sa dami ng nakikita ko dahil sa ability ko, hindi ko na alam kung saan ako magpofocus.
"Nandito na tayo." sabi niya ng huminto kami sa tapat ng isang building.
"Sa taas yung condo unit ko." sabi niya kaya tinignan ko yung nasa taas. Ano namang gagawin namin sa condo niya?
"Wag mong kalimutan na hindi ako ordinaryong tao Neo. Wala akong planong sakyan ang kamayakan mo." sabi ko na nakatingin sa kanya ng masama.
"Wow that's WOW! Porket nasa condo kamayakan agad? " natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya. Baliw...
Tumatawa siya habang naglalakad papasok samantalang ako makasimangot na nakatingin sa kamay namin. Babalian ko talaga to kung wala lang kaming nakakasalubong na ibang tao eh!
"Oha! Pasok ka..." sabi niya pagkabukas niya ng unit niya. Inirapan ko na naman siya tsaka ako pumasok. Nice... malinis ang condo niya.
"Ang linis no? Hahaha... Tara dali ipapakita ko sayo ang secret place ko." sabi niya tsaka na naman ako hinila. Huminto kami sa isang pintong may nakalagay na 'Ang secret place ng gwapong si Neo'. Secret pa ba to eh may label?
Halos batukan ko na siya ng binuksan niya yung pinto... Okay. Hindi pala halos kasi binatukan ko na talaga siya.
"Secret place mo mukha mo!" sabi ko tsaka pumasok sa kwarto niya. Peste... Kung makasecret naman to eh kwarto lang naman niya to.
"Dahan dahan naman ng batok at mabigat yang kamay mo. Tsaka bakit secret naman to ah. Ako lang kaya nakakapasok dito." sabi niya na parang bata kaya napalingon ako sa kanya.
"Eh bakit mo ko pinapasok dito?" sabi ko tsaka naman siya ngumisi.
"May ipapakita kasi ako sa Reyna ko. " sabi niya tsaka may hinila kaya nahawi yung kurtina sa may dingding ng kwarto niya. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko.
"Oh ano... ang galing ko magpainting no?" nakangising sabi niya. Siyang gumawa nito?
Dahil nga sa malinaw ang paningin ko kitang kita ko lahat kahit di ko lapitan. Puro painting to... painting ng mukha ko.
Meron habang nagtetraning kami, meron din na nakatungaga lang ako, may naglalakad, nakangiti at nagbabasa. Pero ang pinakanapansin ko eh yung painting ung saan umiiyak ako sa tabi ng puno sa likod ng school. Nakita niya ko nun?
"Ang ganda ng pagkakapaint ko sayo diyan no?" tanong niya ng makitang nakatitig ako sa painting ko habang umiiyak.
"Kaya lang... ayan yung pinakaayaw ko." sabi niya kaya tinignan ko siya na nakatingin na pala sa akin.
"Because I don't want to see my Queen crying." Dugtong niya.
"Queen?" tanong ko. Ano bang nasinghot nito?
"Yep. Your my Queen and I'm your King. So please don't you ever cry because of him. For your hurting your king." Sabi niya na nakatitig sa akin.
Ano bang nagyayari?
Bakit ganito?