Simula
Xyra's POV
Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. I was running para takasan ang mga humahabol sa akin. I have no idea kung anong kailangan nila sa akin pero naramdaman ko ang panganib na dala nila.
"Anong lugar 'to?" bulong ko sa aking sarili. Nasa ibang dimension ba ako? Iyong kaninang humahabol sa akin ay biglang naglaho.
It as if like the nature was welcoming me, marahan ang simoy ng hangin at tila nagsasayawan ang mga bulaklak na nakapaligid sa akin.
Iyong kaninang pagod at stress ay napalitan ng pagkasabik na maglibot sa lugar. Huminto ako sa malaking acacia at umupo ro'n. Kinuha ko sa aking bag ang tumbler at uminom doon.
Bago pa man ako pumikit para matulog ay napamulat din nang yumanig ang lupa.
Napatayo ako at hinanda na ang sarili para tumakbo ulit. Natigilan ako nang may maapakan ako.
"What the?" yumuko ako para tingnan 'yon.
Pinulot ko iyon at nagulat nang kusang kumalas iyon sa kamay ko. Buong akala ko kahoy lang 'yon. It was small at first pero ngayon ay humaba na ito at nag-t-transform to bow and arrow.
Gusto kong bitawan kasi feeling ko nag-e-electrify iyon patungo sa katawan ko. Napamura ako nang magvibrate 'yon. Sinubukan kong itapon ulit pero dumikit na ng tuluyan sa akin.
Damn! Anong gagawin ko? Paano 'to tanggalin?
"What the fudge is happening to this thing?"
Tila may sariling buhay ang kamay ko na kabisado na kaagad kung paano ito gamitin.
Umambon ng malakas, dumilim ang kalangitan at kumulog na animoy may darating.
Mukhang katapusan ko na!
Napaatras ako nang maglitawan ang mga nanlilisik na mata sa 'di kalayuang parte ng kagubatan.
Napasinghap ako nang tuluyan na silang magpakita sa akin. I thought— hindi sila nag-eexist pero sapat na siguro 'tong nakikita ko. May ebidensiya na!
Imbes na matakot, ngumiti pa ako.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi ako 'to! Dapat tumatakbo na ako kanina pa! Sinaniban ata ako. Kasalanan 'to ng kahoy— hindi ko alam kung ano ba tawag dito!
Kusang gumalaw ang kamay ka. Tinutok ko ang pana sa direksyon ng mga nilalang na may mapupulang mata at wala sa sariling pinaulanan sila ng palaso dahilan upang isa-isa silang maging abo.
Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa hawak kong sandata. Is this for real? Because honestly, it feels amazing.
"You're not safe here."
Mabilis kong nilingon ang nagsalita. Bumungad sa akin ang 'di katandaang lalaki na may tungkod.
Finally, may kasama na ako. Hindi na ako nag-iisa. Sasama na ako sa kanya kahit anong mangyari o kahit saan man siya magpunta. Gaya ng sabi niya, hindi ako ligtas rito.
I know for sure na may mga natitira pang bampira sa paligid at hindi ko na kayang makipaglaban pa ulit sa kanila kahit pa nag-iiba ako o may sandata man.
"H-Hindi po talaga ako safe dito." Hinihingal kong sabi. Someone took over my body which made me drained and that 'someone' could possibly HIM.
Lumapit ako sa kanya at luminga-linga sa paligid. He looks harmless naman. Ewan ko pero may pakiramdam akong mapagkakatiwalaan ko siya.
"Those are lunatic vampires." Pagbibigay alam niya. "And you are the chosen one... Artemis has chosen you to be its owner." Tukoy niya sa nakapatong sa akin.
Napansin niya atang naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin?
"It's a weapon... a powerful weapon among all weapons." Dugtong pa niya. Hindi ko pa rin maintidihan.
Bakit ako ang napili niya? I mean, mahina ako, matatakutin, pangit na maitim pa ang balat, ano pa ba?
Sa pagkaka-aalam ko goddess si Artemis at hindi weapon. Paanong naging ganito?
"She chose to become a weapon, and no one knows why she did it." Dagdag paliwanag pa niya.
Gosh! Halos hindi mag-sink-in sa utak ko itong mga nangyayari sa akin. Nananaginip ba ako?
"Then why me? She's a goddess, and I'm just a mortal, mahina pa, pangit na maitim, tapos matatakutin, ano pa ang kulang?" nag-isip pa ako ng idadagdag.
"Do not question her, or you will be punished. Be grateful that she chose you above all others." Kinabahan ako sa banta niya.
Hindi na ako magtatanong tungkol doon. Tinatanggap ko na ito talaga ang kapalaran ko. Nababuntong-hininga ako at pumikit ng mariin.
"Isama niyo na po ako kahit saan. Hindi pa po ako handang makipaglaban ulit doon sa mga lunatic vampires." Nagsusumamong sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Kumapit ka sa tungkod ko." Walang pag-aalangan na kumapit ako doon at sa isang iglap nasa tapat na kami ng isang dambuhalang gate.
Umawang ang labi ko sa pagkamangha at hindi makapaniwala sa nakikita.
What a gigantic gate!
Gold, literal na gold at may naka-ukit doon na dalawang simbolo. Iyong isa fangs at matang pula, the other one is an unexplainable face na nagliliyab tapos sa pinaka-taas ng gate, nakasulat doon ang "Devonshire Academy" na kumikinang, sa sobrang kinang, nakakasilaw na.
Akala ko no'ng una ay castle, pero napagtanto kong school pala 'to. Tinikom ko ang bibig nang mapansin kong nakatingin sa akin ang kasama ko.
"Register your name." It was an order.
Sinunod ko kaagad siya. Sinulat ko sa malaking board ang pangalan ko. Hindi ko pa man na-i-susulat ang apelyido ko ay nabura na agad iyon.
Eh?
"I said your name, not your full name." I nodded. Sorry naman. Akala ko full name eh.
"Wear this." Nilahad niya sa akin ang isang kuwentas na may maliit na bote tapos dugo sa loob. "Wear it as soon as you enter in the campus. You're a mortal. Mortal can't enter in this academy. That necklace will serve as your protection inside the academy. Huwag na huwag mong tatanggalin kung ayaw mong magkagulo ang lahat. Naiintidihan mo ba ako?"
Tumango-tango ako ng mabilis. Ang importante alam kong safe ako. I should follow him, siya ang dahilan kaya may matitirahan ako ngayon.
Sinuot ko kaagad ang kuwentas at sa 'di malamang kadahilanan biglang nag-init ang pakiramdam ko. Ano 'to? Lason ba 'to?
"My blood, your perfume. Now, follow me." Utos pa niya. Hindi ko magawang magreklamo pero paunti-unti namang nawawala kaya hinayaan ko na lang.
Bumukas ang dambuhalang gate na siyang ikinanganga 'ko.
"Your mouth please..." komento pa niya.
"Ito naman, parang namangha lang eh."
He just shrugged and continued walking. Iyong tindig niya nagsusumigaw ng superiority.
Kapansin-pansin din ang mga nakakasalubong naming mga estudyante na panay nagyuyukuan sa gawi namin.
Gusto ko sanang magtanong kaso baka pagsabihan na naman niya ako kaya huwag na lang.
Nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin sa mga paintings na nalalagsan namin hanggang sa tumapat kami sa isang locker.
Nakailang beses na kaya akong ngumanga ngayong araw?
"Your locker. Nasa loob na niyan ang mga kakailanganin mo. Maiwan na kita."
"Pero—"
"Siya na po ba iyon principal?" nilingon ko ang nagsalita.
A petite girl with her big eye glasses. And naka-ponytail siya which is bumagay sa kanya. Ganda naman! Nahiya tuloy kutis— teka bakit parang pumuputi ako?
"Siya na nga, Elly. Ikaw na ang bahala sa kanya. Marami pa akong gagawin."
"Yes principal!"
Teka, principal siya? Dito? Seryoso?
Hahabulin ko na sana siya nang bigla siyang mawala.
Eh?
"Mag-iingat ka, hindi lahat ng estudyante dito ay magugustuhan ka." A voice whispered in the air. It was the principal.
Gosh! Kinalabutan ako sa boses niya!
Hinarap ko ang babae'ng katabi ko na ngayon ay pinaglalaruan ang mga daliri.
Medyo awkward. Baka hindi ako magustuhan nito kasi ikaw ba naman ang magkaroon ng uling na balat.
"Anong pangalan no'ng principal natin?" basag ko sa katahimikan kahit nakakailang.
"Oliver." She replied. Napatitig siya sa akin ng matagal bago ako nginitian. "Ang ganda-ganda mo. Kaya hindi ako makatingin sa'yo."
Napangiwi ako. Seryoso ba siya o nang-iinsulto?
"Are you blind?" napakamot ako ng buhok. "No, I mean... ang itim ko kaya."
"Just because you have black skin doesn't mean you're not pretty. Lakas rin ng charisma mo. May dugo ka bang goddess?" Seryoso niyang tanong. Parang gusto kong matawa na ewan.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tanong niya.
"Wala ah." Depensa ko. Wala naman talaga.
"Ang bango mo kasi." Dugtong pa niya. Natuptop ko ang bibig.
Hindi kaya dahil sa suot kong kuwentas?
"Okay then. Kunin mo na ang pin at uniform mo diyan sa locker at nang maihatid kita sa dorm natin."
Sinunod ko siya at tumungo na doon sa dorm na tinutukoy niya.
Hindi ko pa rin talaga maiwasan mamanghang habang nililibot ang tingin dito sa tinatahak naming daan. Ang sarap sa mata. Tipong hindi ka mabo-bored pagmasdan.
Napaka-ganda! Perfect! Iyon lang ang tanging lumalabas sa bibig ko. The design is a whoo!
"Nandito na tayo." Anunsyo niya.
Bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang dalawang dagger na patungo sa deriksyon ko.
Nanlaki ang mata ko at napalunok.
"Watch out!"
Napatingin ako sa aking mga daliri na ngayon ay nakasalag ang dalawang dagger.
"Whoa! Nice catch!" bungad sa akin ng isang lalaki.
Nabitawan ko ang dalawang dagger at hindi makapaniwalang nagawa ko iyon. Ang bilis ng mga kamay ko pati mga mata ko.
Normal pa ba 'yon sa isang mortal na katulad ko?
"You're not a mortal..." boses na naman ni principal Oliver. "Inside the academy." He continued.
Anong ibig niyang sabihin? Eh ano ako ngayon? Saka nakaka-usap niya ako? Through mind? What? Connected ba kami? Ah, iyong kuwentas pala.
"Sa susunod huwag ka nang maglaro dito ng dagger. Kung gusto mong magpraktis doon ka sa practice room." Panenermon ni Elly pagkatapos ay iginaya ako papasok sa loob. "Tinatakot mo ang bagong miyembro."
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ako mapakali.
"Pasensiya naman po huhu." Sinulyapan niya ako at ngumiti. "I'm Blake, a prince and uhm, I like your smell hehe. Sige labas na ako." And puff! Gaya ni Oliver, naglaho rin siya.
"I'm Elly." Pagpapakilala ng kasama ko. "A princess and you're special that's why you are here, in our section... specifically vampire section."
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Bahagya akong napaatras at nanginig.
Princesses, princes? And holy! Nasa vampire section ako?
Pumungay ang mata niya at naging kulay pula, pinakita niya sa akin ang pangil niya na humahaba ngayon.
Ilang dangkal ang na-i-atras ko bago magsink-in sa utak ko lahat.
Mga bampira ang mga makakasama ko!
"Am I going to be a blood bank?" tanging nasambit ko bago himatayin sa kaba at takot.