Kabanata 1

1581 Words
"Principal ano pong gagawin natin sa kanya? Bigla po siyang nahimatay no'ng ipaalam ko sa kanyang nasa vampire section siya." "She'll wake up anytime soon." Dahan-dahan 'kong minulat ang mga mata ko at ilang segundong napatitig sa dalawang nilalang na nakatayo sa harap ko. Napalunok ako ng ilang beses bago ulit pumikit. This must be a dream. Those bloody eyes and fangs? I can still remember it. I can't be here. This is not the place where I should be. I'm not part of them. I'm a mortal and they are vampires. But Oliver- he didn't told me about this for God's sake. "You didn't ask child. Remember what you said." Napamulat ako at napatingin kay Oliver na nasa harap ko na nangungusap ang mga mata, kasama niya si Elly na halatang nag-aalala. I still remember what I said. Isama niya ako sa kung saan siya pupunta. Kahit saan, huwag lang doon sa kagubatan. "I'm scared." Pag-amin ko. "Yes, you are. I could see it in your eyes. Now, I'll ask you for the second time... what do you prefer, in that forest full of lunatic vampires or here?" Ni wala man lang akong impormasyon tungkol dito sa pinasukan kong academy. Isa pa lang siguro, iyong nakita ko kanina bago ako mahimatay. Iyon lang talaga ang tumatak sa isip ko na may mga bampirang mag-aaral dito. "Here." I answered, a bit hesitant. "Itong mismong academy at..." lumipat ang tingin ko kay Elly. "At iyong nakita ko sa kanya." "Vampires here are harmless, child. You are surrounded by pureblood vampires, and they can assure your safety. If you have anything to ask, Elly will provide you the answer. I have things to finish. See you around." With that he left. Tila nangusap pa ang mga mata nila Elly bago siya umalis. I chose to be here and I just have to go along with them. Sinabi naman niya na harmless ang mga bampira dito kaya wala na akong dapat ikabahala pa. May tiwala naman ako kay Oliver since siya ang nagdala sa'kin dito. Umupo ako ng maayos sa kama at nag-iwas ng tingin kay Elly. Kanina pa ata siya nakatitig sa akin simula no'ng umalis si Oliver. "Hey! How's your feeling?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa akin. "I'm good. A bit thirsty." Alanganin kong sagot. Mabilis siyang nakapunta sa gilid ng kama which is sa bed side table kung saan nandoon ang babasaging pitsel at baso. Pinagsalin niya ako doon ng tubig at inalok sa akin. I know masasanay din ako kapag nagtagal ako rito. Hindi ko kaagad nakuha ang basong inalok niya sa'kin dahil sa pagkagulat. Umupo siya sa tabi ko bago niya nilagay sa kamay ko ang basong may lamang tubig. Hindi ko pinansin ang malamig niyang kamay at uminom na lang doon. "Pasensiya na kung nagulat kita kanina. Siguro masasanay ka rin kapag nagtagal ka dito." Hindi ko alam kung makakatagal ba ako dito. Baka atakehin ako sa puso everytime na magteleport sila o 'di kaya kapag mag bago sila ng anyo? Well, kailangan ko lang siguro ng adjustment or much better itatak na lang sa isip ko na harmless silang mga nilalang. Iyon na lang siguro. "This academy consist of fours sections. In vampire section, they classified it into two, pureblood vampires and elite vampires. Pureblood vampires has 8 members as of now, and that's us and elite vampires are those normal ones." "Princesses and princes, am I right? That's why iyon ang pangalan ng section niyo- I mean natin." Napakamot ako ng ulo na tinanguan naman niya. Doon dapat ako sa elite kasi mababang uri lang naman ako at isang mortal pa. What does it makes me special? When I'm no vampire at mas lalong hindi naman ako prinsesa. "You're special Xyra that's why principal Oliver put you here. And your weapon, hindi 'yan ordinaryong sandata lang." Aniya na hindi inaalis ang tingin sa akin. Muntik ko nang makalimutan, iyong weapon ko! Sh1t! Saan na 'yon? Nasa katawan ko lang iyon no'ng mahimatay ako ah. Kinapa ko ang katawan pati na rin likuran ko pero wala, wala akong makapa na kahit ano except sa bra ko. Baka kung saan-saan ko na iyon nalagay pagkatapos kong mahimatay. Patay ako nito kapag wala. "It's in your thighs." Nginuso ni Elly ang pareho kong hita. Nakahinga ako ng maluwag. Pinakaba ako ng bongga. Akala ko nawala na, or baka narealize na mali na ako ang pinili niya. Ngayon ko lang napansin na nahati iyon sa dalawa. Two black leather band encircled on my thighs while nakasuksok doon iyong nahating Artemis na hindi ko alam kung paano nagkagano'n. "May sariling buhay ang Artemis na 'yan. It will help you to protect yourself from danger, but you have to learn how to use it or else it will consume your energy kung siya palagi ang gagawa at kikilos. Iyan rin ang isa sa dahilan kaya dito ka nilagay ni Oliver." Paliwanag niya. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kaba. "Lahat ng estudyante dito ay dumadaan sa matinding training, when I say matindi, matindi talaga. I don't know if you can handle the training, because I'm not sure if you're a vampire or a devil." Napalunok ako. Matinding training, and devil? They exist here? Oh my God! Ano ba 'tong pinasok ko? Una, bampira, ngayon naman devils or more like demons? "What are you Xyra?" Hindi ako nakasagot kaagad. Walang sinabi si Oliver sa kanya. So, that means walang nakakaalam na tao ako. Napalunok ako habang titig na titig siya sa akin. Sasabihin ko ba? Pareho kaming napatingin sa may pintuan ng kuwarto nang bumukas iyon. Iyong lalaki kanina na humagis sa akin ng dagger. Blake ata ang pangalan. "They are here. Nasa sala na sila, hinihintay kayo. Uhm, Xyrus is not around." Pagbibigay alam niya. "Let's go, I'll introduce you to other members. About sa mga devil, they are harmless too, katulad lang sa amin. But there's one thing that you need to avoid, two people and that is Xyrus from this section and Luther from Seraphim section. Devils classified also into two section, Seraphim section and Asmodeus section. Seraphim section compose of four members, that includes Luther, their leader. Asmodeus is just a normal ones, same for elite vampires." Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Sumunod lang ako no'ng lumabas na siya ng kuwarto. Two people that you need to avoid, tila nag-eecho iyong sinabi ni Elly. Xyrus and Luther. Hindi ko pa man sila nakakaharap ay kinakabahan na ako. Huminga ako ng malalim, to gather all of my strength and bravery, for I will be facing the other members of this section. Lumunok ako nang tuluyan ng makalabas ng kuwarto. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko, pinipilit na salubungin sila ng ngiti. "That's Blake. Iyong sinalubong ka ng dagger." Kumaway si Blake sa gawi namin. His hair color is blue, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. "That's Lyra, our palaban queen. Matalino rin sa amin." Turo niya sa babae'ng kulay berde ang buhok. Tinaas niya ang kamay nito sa ere na may hawak na libro bago bumaling sa amin. "Oh, hi there. I like your skin color, black." At laking gulat ko nang makalapit siya sa akin habang sinusuri ang balat ko. "Unique skin color." Tumango-tango pa niyang sabi bago ulit bumalik sa kinaroroonan. Hindi ko kinakaya ang teleportation. Hindi ata ako huminga ng ilang segundo dahil sa pagkagulat. Grabe, ang bibilis nila. Parang flash, no mas mabilis pa sila kay flash. Naiiling na lang si Elly sa tabi ko at napabuntong-hininga. "Pasensiya na talaga ha? Masasanay ka rin." Ngumiti na lang ako bilang tugon. Masasanay din ako, not now pero baka hindi na. "That's Keehan. Madilim palagi ang awra, you see..." Nguso niya sa lalaking pumasok ng kuwarto. So far black ang hair color niya. "That sleepy head. Hindi ka man lang binati." "Okay lang, mukhang inaantok eh. Atat na atat atang matulog kaya gano'n." Napangiti siya sa sinabi ko. Tama nga iyong sinabi nila ni Oliver, they look harmless, pero iyong superspeed lang ang hindi. "That's Daissy and Lyrex, mag-asawa iyan. Sadista iyong si girl tapos normal na may pagka-cold si boy. Minsan sinasaltik." Nakikita ko rin, masaya silang nanonood ng tv tapos maya-maya sinasapak na no'ng si Daissy si Lyrex, pero itong si boy, nanlalambing pa rin. Moody ang unang sumagi sa isip ko sa dalawang 'to. Well, at least kinakaya naman ni Lyrex ang pagkasadista ni Daissy. What a cute couple. "Wala dito si Xyrus, siya ang leader ng section na 'to. Iyon nga palang nakita mo na ginawa ni Blake at Lyra, that's what we called superspeed. I know you have a lot of questions in mind, but the less you know, the safest you are. For now iyong background lang ng academy ang maibibigay ko sa'yo." "The less you know..." napatingin ako kay Elly na wala na sa tabi ko. Kinabahan ako nang wala na akong makita ni isa sa kanila. All I could see right now was bl00d. Thick bl00d. What the hèll? Nataranta ako nang maapakan ko ang dugo na ngayon ay paakyat sa katawan ko. Sh1t! Ano 'tong nakikita ko? Nasaan na sila? Napaatras ako ng ilang beses hanggang sa bumangga ang likod ko sa isang pintuan, pintuan no'ng Keehan. "What are you?" kinilabutan ako sa lamig ng boses ng kung sinumang nasa likod ko. "You don't belong here." It's him! It's Keehan who made this bl00dy floor and to my body!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD