Elly's POV
Tinapik-tapik ko sa balikat si Xyra na hanggang ngayon ay wala pa ring kibo. Nakatayo lang siya sa tabi ko habang nakatingin sa pinto ng kuwarto ni Keehan.
What did you do this time Keehan?
"Keehan!"
Natigilan silang lahat sa mga ginagawa.
Alam kong nagtataka na sila dahil sa pagsigaw ko. I never shout. Kilala nila akong kalmado lang.
"I didn't do anything." Lumabas si Keehan mula sa kanyang kuwarto at mariing nakipagtitigan kay Xyra.
"What did you to her? She's not responding. Anong ginawa mo sa kanya?" niyugyog ko ang balikat ni Xyra pero pa rin ito gumagalaw.
Halos hindi na siya kumurap. Nanunubig na ang mga mata niya na halatang nakikipaglaban ng titigan sa kaharap.
Wala sa sariling nasakal ko si Keehan kasabay no'n ang pagdausdos ni Xyra sa sahig. Tinulungan kaagad siya ni Blake at Lyra na nagtataka pa rin hanggang ngayon.
Sinasabi ko na nga bang may ginawa ang kupal na 'to.
"Keehan, anong ginawa mo?" Lyra asked almost like a whisper. Naaawa niyang tiningnan si Xyra na habol ang hininga.
"Bro, baguhan pa siya. Konting respeto naman diyan, oh. Natakot tuloy." Ani Blake habang hinahagod ang likuran ng babae. "Hindi na iyon mauulit Xyra." Pag-aalo nito.
"Hindi natin siya katulad Keehan. You can't use your ability just to scare her. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong kaya nating gawin sa kanya pero ano 'to? Pinatikim mo agad. Mas lalo siyang matatakot at lalayo ang loob niya sa ating mga bampira." Bumitaw ako mula sa pagkaka-sakal sa kanya.
"Ano bang problema mong bampira ka at ganito na lang ang pa-welcome mo sa akin?" hinihingal na sambit ni Xyra.
Hindi maipinta ang itsura niya, mukhang sasabog na sa galit.
Napasinghap kaming lahat nang dumaan sa gilid ng mata ko ang maliit na spear na hinagis ni Xyra sa direksyon ni Keehan.
Gulat akong napatingin sa lalaki na ngayon ay hawak ang bagay na 'yon. That was fast.
Ang bilis ni Xyra. No, ang bilis ng mga kamay niya para gano'n na lang niya kabilis hugutin at gamitin ang Artemis.
Laglag ang panga ni Lyrex at Daissy na kanina lang ay nanonood ng tv. Nakatingin sila pareho kay Xyra na halatang hindi makapaniwala sa nangyari. Maski si Lyra at Blake ay nagulat din sa ginawa niya.
"Did you just throw your spear on me?" si Keehan na nagdidilim ang awrang nakatingin kay Xyra.
"Para iyan sa ginawa mo sa akin. So quits na tayo." Hindi nagpatinag si Xyra at tumayo, handa ng sumugod sa kung anumang gagawin ni Keehan.
"Hey! Chill! Elly, ipasok mo na iyan si Keehan sa kuwarto. Xyra, kumalma ka, masyado kang nagiging hot lalo." Rinig kong sambit ni Blake pagkatapos kong ipagtulakan papasok ng kuwarto si Keehan. Sinamaan ko ito ng tingin bago isinira ang pinto.
"It just a hallucination, tinry ko lang naman kung gumagana sa kanya. Tch, pathetic creature." Keehan and his sharp tongue.
"Your mouth Keehan. Hindi maganda ang ginawa mo sa kanya. Serves you right. Buti hindi ka nasagutan—" Iyon ang akala ko, there was a slight, very slight burnt on his palm.
"Her weapon..." He mumbled.
"That's not an ordinary weapon, Keehan. Bakit mo sinalag?" I asked, alam kong alam niya rin na hindi lang ordinaryong sandata ang Artemis.
Xyra has a deep connection in that weapon. That's why nasa kanya. Pinili siya for a reason.
"Kung hindi ko sinalag, baka patay na ako ngayon." Bulong pa niya.
"Just don't do that again, tinakot mo siya kaya niya lang nagawa iyon."
"Hindi ko mapapalampas 'tong ginawa niya sa akin." Mariing sambit pa niya sa nandidilim na awra. Napailing na lang ako.
Bumaling ang tingin ko nang bumukas ang pintuan ng kuwarto.
It was Xyra, may dalang band-aid. Mabilis niya iyon nilagay sa kamay ni Keehan at agad-agad ding lumabas ng kuwarto.
Napatingin ako kay Keehan na nilalaro ang band-aid sa kamay.
Did he just smile?
Umawang ang pintuan ng kuwarto at dumungaw doon si Xyra na para bang may nakalimutan pa.
"Sorry, hindi na mauulit." And she close the door, again.
Naiwan akong nakatanga dahil sa bilis ng pangyayari. What just happened?
"I'm starting to like her." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Keehan. Natawa ako saka ito hinampas sa balikat.
One down, iyong huli na lang. Si Xryus, nasaan na ba kasi 'yon?
"Lalabas na ako. Basta huwag mo ng uulitin 'yon. Kundi sakal ka sa akin."
"Not again. Hmm, I didn't expect that you'd do that to me." Ngumisi pa siya bago ako itinulak palabas ng kuwarto.
"Bwesit ka!" sigaw ko at hindi makapaniwala sa nadatnan ko ngayon sa sala.
Wow! Close na agad sila?
"May naiibang subjects nga lang tayo, like learning supernatural powers, tapos history ng mga bampira at devils or demons, kung anong mga ability nila, gano'n." Pagsasalaysay ni Lyra na tinatanguan lang ng iba.
Xyra was very attentive and curious about us. Kitang-kita ko iyon sa mukha niya. Aside from that, hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa mga sinasabi sa kanya ni Lyra.
Kung ako rin naman siguro ang nasa katayuan niya, baka ganyan rin ang reaksyon ko.
Masasanay din siya alam ko iyon, pero hanggang ngayon bothered pa rin ako sa kung anong sasabihin ni Xyrus kapag nagkita na sila.
He'll know for sure that Xyra is different from us.
"Guys, anong gusto niyong kainin bago tayo pumasok?" tanong ko saka tumungo ng kusina.
"Same old, bl00d please." Sabay-sabay nilang sagot except kay Xyra na biglang tumahimik.
"Ikaw Xyra?" napakamot siya ng buhok. Hindi alam ang isasagot.
Natigilan kami nang may kumatok. Pinagbuksan iyon ni Blake at bumungad sa amin ang assistant ni Oliver.
I'm wondering... lumihis ang tingin ko kay Xyra, alam ko na ang sadya niyan dito.
Ngayon ko lang napansin na malapit na palang magtime. Papasok na kami at first time niya.
Wala naman sigurong mangyayari? Di katulad no'ng nangyari sa kanila ni Keehan?
"Xyra, Principal Oliver wants to see you in his office. But first, you need to put on your uniform and pin." He informed.
"Sige, saglit lang." Mabilis na pumasok si Xyra sa kuwartong pinagdalhan ko sa kanya kanina no'ng mahimatay siya.
After a couple of minutes ay lumabas na rin ito. Pansin ko lang sa balat niya na parang paun-unti ay nagpapalit ng kulay o ako lang ang nakakapansin?
"Babalik din ako, sa inyo ako sasabay pumasok." Sambit pa niya.
Tinanguan lang namin siya bago tuluyang lumabas kasama iyong assistant ni Oliver.
"Ako lang ba ang nakakapansin dito na nagpapalit ng kulay iyong balat niyang maitim?" tila malalim na pinag-iisipan pa ni Blake.
Akala ko ako lang, siya rin pala.
"Lahat naman ata tayo napansin 'yon. Lalo siyang gumaganda, tingin niyo?" sabay tingin sa akin ni Lyrex.
"Yes, I've noticed that too. Kahit pa nga maitim na siya maganda pa rin. Tinalo tayong mapuputi." Dagdag ni Daissy na kinakamot ang buhok ni Lyrex.
Naging pala-isipan sa amin 'yong pagpapalit niya ng kulay. Akala ko nga inborn na sa kanya iyong maitim na balat at hindi iyong mababago pa pero, mali pala, maling mali ako.
Hm, something is off here. Ano kaya ang mayroon sa babaing 'yon?
—
Xyra's POV
"Nandito na tayo, pumasok kana sa loob." Tinanguan ko lang si Veins na assistant daw ni Oliver.
"Salamat." He just nodded and puff, nawala na lang bigla.
Pumasok na ako sa loob bago pa ako atakehin sa puso dahil sa kaba.
Nakasalubong ko ang isang lalaking papalabas pero hindi ko pinansin. Hindi ko sinasadyang mabangga ang braso niya kaya lumayo agad ako.
Kinilabutan ako sa presensiya. Feeling ko any minute tatakasan ako ng hininga.
"Watch your steps before entering." Tila nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa malamig tono ng boses na 'yon.
Shems! Nakakatakot. Nagawa ko pa siyang lingunin bago lumabas.
"Eyes up here child." Ito na naman tayo sa child-child ni Oliver.
Kung wala siguro akong respito sa kanya, sinabunutan ko na. Mukha ba akong child? Dalaga na ako duh!
"I can hear you loudly." Diniinan pa talaga niya ang pagkakasabi ng child.
Palihim na lang akong umirap at pekeng ngumiti.
"Hindi naman kasi ako child. I'm dalaga na, duh." Natahimik ako ng panlisikan niya ako ng mata. Takot ko lang sa kanya. "Sorry naman." Bakit kasi nababasa niya ang nasa isip ko? Privacy please.
"Sit down and eat. That's for you." Sinundan ko ang tinitingnan niya.
"Wow!" nanubig ang bagang ko sa nakikitang mga pagkaing nakahain sa mesa. "Thank you!" hindi na ako nakatiis at sumalampak sa upuan saka kumain.
"Mortal, tsk tsk." Naiiling pa niyang sabi na may ngiti sa labi. That's new.
"Marami 'to, dika kakain?" tanong ko pagkatapos lunukin ang nginuyang fried chicken. "Ah, hindi ka nga pala kumakain nito."
"Why? Do you want to donate your blood? Kapag hindi ka pa tumahimik diyan, mapipilitan akong tikman ka." Nasamid ako kaya mabilis akong uminom ng tubig.
"I'm no bl00d. Ito naman oh, tatahimik na nga."
"Good, because I'm busy and you're being so noisy while you eat. Next time, I'll just have your food delivered."
"Ayos lang, kakatakot naman kasi dito sa office mo. May mga bung0 at skeleton pa." Totoo, naka-display pa nga.
"Noisy eater." He shrugged. Nagpatuloy na lang ako sa paglamon.
Gutom na gutom ako. Parang isang linggo akong hindi nakakain sa pagmamadali. Malapit na rin kasing mag time.
Papasok na me! Good luck to me!
Pagkatapos kong kumain nagpaalam na kaagad ako sa kanya not knowing na hindi ko alam kung paano ang pabalik sa dorm buti na lang may nakasalubong akong estudyante sa hallway.
Iba kasi iyong daan doon sa dinaanan namin ni Elly papunta sa dorm.
"Miss—"
Nilagpasan lang niya na parang wala siyang nakita.
Naks, hangin na pala ako ngayon.
"Are you lost baby girl?"
Napalunok ako bago lingunin iyong nagsalita.