Xyra's POV
Nakangiting sinalubong ako ni Elly na agad ko ring sinuklian ng matamis na ngiti.
Hahawakan na sana niya ako para akbayan nang bigla akong manghina dahilan upang matumba ako.
Mabuti na lang at may nasandalan ako sa likuran not knowing kung sino 'yon.
"Watch it." That voice.
Kahit nanghihina ako ay nagawa kong tumayo ng mabilis para magtago sa likuran ni Elly. Boses at awra pa lang ay nakakatakot na, harapin pa kaya?
"Ayos ka lang? Nanghihina ka ba?" nag-aalalang tanong ni Elly na may pakagat sa ibabang labi.
Nag-aalala ba 'to? O gusto lang akong pagtawanan matapos makita ang naging reaksyon ko kay Xyrus?
Ngumuso ako at palihim na umirap. Kung alam ko lang na siya iyong masasandalan ko, kahit pagod, pipilitin kong lumakas.
"Ehh oo, medyo lang kaso siya oh." Nginuso ko si Xyrus na ngayon ay nasa harap namin.
"Sorry, natawa lang ako sa naging reaksyon mo sa kanya. Actually, hindi naman siya gano'n ka uhm, nakakatakot pero hangga't maaari ay iwasan mo na lang."
Nagtataka tuloy ako kung bakit kailangan ko pa siyang iwasan? At saka iyong si Luther ba 'yon sa Seraphim section?
"Bakit kailangan iwasan ko? Eh wala naman akong ginagawang masama o ikinagagalit niya?"
"Xyrus is a moody type. Konting bagay lang ay ikinagagalit niya. Tapos kung minsan hindi niya makontrol ang sariling kapangyarihan dahilan para makasakit ng iba." Paliwanag pa niya.
Namilog sandali ang bibig ko. Gano'n siya kalakas? Kaya pala dapat magsanay para magawa kontrolin ang dapat. It makes sense. Makapangyarihan ngang nilalang at the same time mapanganib din.
Sinundan ko ng tingin si Xyrus nang lumayo siya sa amin. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
"That's why, malayo ang loob niya sa amin. Iyong mga lalake lang siguro ang malapit sa kanya. Aside from that, kakausapin niya lang kaming mga babae kapag may meeting or mission ang grupo." Dagdap pa niya.
Tamango-tango na lamang ako. I wonder kung lahat din sila ay iniiwasan si Luther?
"Eh iyong si Luther? Iniiwasan niyo rin?" intrigang tanong ko.
Natahimik siya. Iniisip ata ang isasagot.
"Hindi naman, parang hangin lang din iyon, eh. Wala atang pakialam sa mundong kinagagalawan. Pero iniiwasan din siya ng mga estudyante, pati elite vampires ay iwas sa kanya."
"Bakit kaya?" napapaisip na tanong ko sa sarili.
Ano kaya ang meron sa isang 'yon?
"Kung merong kinakatakutan sa vampire section, meron din sa devils at iyon ay si Luther at ang kanyang grupo. Sabi ng iba, they can use dark magic kaya siguro iwas sa kanila ang mga estudyante. Ngunit hindi iyon applicable dito sa academy, or else ikikick out ka nila."
"Malakas siguro iyong si Luther. Kumbaga same level sila ni Xyrus?" I tilted my head thinking if it's possible na magkalevel sila?
"Ssh, baka marinig ka niya. Ayaw na ayaw pa naman niyang ikino-compare sa iba. They have different abilities, so we cannot compare them."
Napatalon ako sa gulat nang biglang may tumamang lightning bolt sa tabi ko.
Napatingin ako sa harap. Napalunok ako nang nagtama ang tingin namin ni Xyrus na hindi ko alam kung bakit gano'n na lang siya makatitig sa akin ng masama. Mukhang narinig niya kami.
"Hala, mukhang narinig niya tayo." Bulong ni Elly na hindi mapakali sa sariling kinatatayuan.
"Hoy! Nananadya kaba?" buong tapang na lumapit ako sa kanya.
Sinubukan pa akong pigilan ni Elly pero tinabig ko ang kamay nito.
"Tama bang patamaan ako ng lightning bolt? Paano na lang kung natamaan talaga ako— asdjkl." Tinakpan ni Elly ang bibig ko at itinago sa kanyang likuran.
My eyes widened as his lightning bolts struck repeatedly beside us. I knew he was deliberately avoiding hitting us directly.
Umawat ang iba na animo'y takot na takot na matamaan.
Nagpumiglas ako pero sadyang malakas sa akin si Elly para ikulong niya ako sa kanyang bisig.
Kita ko rin sa mga mata niya ang takot na baka matamaan din ng lightning bolt. Natigil lang 'yon nang magsalita si professor.
"That's enough Xyrus. Imbes na madagdagan ang score mo, lumiit pa ito lalo—" Xyrus cut him off.
"You didn't say who I should target, so I chose her because she wasn't paying attention." Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Asdjkl hmpp!" gusto kong magsalita pero hindi binitawan ni Elly ang bibig ko.
How dare he! Tama bang gawin akong target para pagsanayan niya? Nasaan ang manner ng isang 'to? Hindi rin tama iyong hindi niya pinatapos magsalita si prof.
Goodness! Parang gusto kong manakal na lang.
"That's a first." Elly murmured.
Takang umangat ang tingin ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin sa 'first'?
Lumihis ang tingin sa akin ni Elly na may nakakalokong ngiti.
Akala ko ba takot 'to?
"Mahaba na iyong sinabi niya ngayon kumpara dati na one sentence or one word lang." Aniya matapos ibaba ang kamay mula sa pagkakatakip ng bibig ko.
"Gano'n ba siya katipid magsalita? Sabagay, sa itsura pa lang niya." I shrugged.
"Bakit ba kasi sumagot ka pa? Ayan tuloy mukhang ikaw na ang punterya niya ngayon. Malabo na atang maiwasan mo siya." Naiiling pa niyang sabi.
Napangiwi ako. "Ehh, kasalanan ko ba? Wala na ngang manners tapos ako pa ang ginawang target. Mali 'yon! Paano kung natamaan ako? Eh 'di tsugi na this."
Natatawang tumingin sa akin si Elly which is I find annoying. Tama bang pagtawanan ako? Haynaku! Wala na ata akong kakampi dito.
"Pasensiya na, natatawa kasi ako sa mga salitaan mo." Tumatawa pa rin niyang sabi na may pa-takip-takip pa sa bibig.
Kilos prinsesa nga naman.
Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mahawaan din ako ng kilosan nilang pang-maharlika.
Umismid ako at humalukipkip. 'Di na bale, masasanay din ako— sa kanila, sa environment dito at sa Xyrus na 'yon na halos patayin na ako sa tingin.
Naantig ang tenga ko nang marinig ang bell. Ohh, tapos na ang klase.
"Class dismiss." Anunsyo ni prof bago nagteleport.
Naiwan si Xyrus na nakatayo pa rin doon, hindi inaalis ang masamang tingin na ipinupukol sa akin.
Hindi ako nagpatalo, nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya hanggang sa humarang sa harap ko si Blake.
Umangat ang tingin ko sa kanya at pilyo itong ngumiti sa akin. What now? Baka sabihin no'ng Xyrus na iyon na hindi ko kayang makipaglaban sa kanya ng titigan.
"Chill Xyra, handang-handang makipag-away ah? Kilala mo ba ang kaaway mo? I bet, no?" he chuckled. "Hindi ka ba natatakot sa kaya niyang gawin sa'yo?"
"Hindi, bakit ako matatakot? Eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Siya nga 'tong may atraso sa'kin. Ako dapat iyong nagagalit at hindi siya."
Natigilan ako nang mahagip ng tingin ko si Keehan na dumaan sa tabi ko.
Nakatingin siya sa akin. Nakapamulsa siyang lumampas sa amin tapos may kung anong ibinulong na nakapagpatigil sa akin ng bongga.
"You did well... nakuha mo ang atensyon namin." Keehan creeping a smirk.
Nawala atensiyon ko kay Blake na puro daldal lang sa harap ko. Sinusundan ko pa rin ng tingin si Keehan hanggang sa mawala na lang ito.
Natauhan ako nang kaltukan ako ni Blake sa ulo. Napakamot ako doon dahil sa sakit.
"Ano?" nakangiwing sambit ko. Sakit no'n ah.
"Hindi ka kasi sa akin nakikinig kaya ka nata-target eh." Nakangusong wika niya. Kasalanan 'to ng Keehan na 'yon. "Hoy, Si Xyrus na naman iniisip nito."
At muling nanumbalik ang pagkainis ko sa lalaking nag-ngangalang Xyrus.
"Ehh? Hindi 'no." Depensa ko.
Tiningnan ko ang kinatatayuan ni Xyrus kanina pero wala na siya doon.
"Oh, hinahanap-hanap mo na ngayon?"
"Hindi kaya! Baka sabihin niyang talunan ako kesyo—"
"Natalo ka sa eye-to-eye competition niyo? Gano'n ba?" Pagpapatuloy ni Blake. "Unbelievable. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo. Not his eyes milady."
Kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata.
"As if namang matatakot ako." Matapang kong sabi, sinalubong ang seryoso niyang mga titig.
"You'll see." Ani Blake bago ako hinila papunta sa mga naiwang kasamahan namin.
"Saan tayo? Maya pang gabi ang PE class natin, we still have three hours to roam around or much better magshopping na lang." Ani Daissy habang naka-akbay sa kanya si Lyrex.
"Good idea! Tara at magshopping? Ilibot din natin si Xyra sa mall at campus." Excited na sabi ni Lyra.
"Nah, kayo-kayo na lang, lakad niyong mga babae iyan. Lyrex bro? Dating gawi? Isama natin si Xyrus at Keehan." Hinablot ni Blake si Lyrex mula kay Daissy at gaya ng dati, naglaho ang dalawa.
Umismid si Daissy at itinago ang kung anumang kinakalikot nila kanina ni Lyrex.
Tumabi sa akin Lyra tapos sa kabila naman si Elly pagkatapos ay hinawakan nila ako pareho sa magkabilang braso. Napasinghap na lamang ako nang sa isang iglap ay nasa isang magarbong mall na kami.
Maraming estudyanteng nagkalat at masasabi kong naging mailap sila pagkakita sa amin.
Hays, ano pa nga ba? I'm with pureblood vampires.
"Ano..." napatingin sa akin si Elly.
"What's wrong?" Gumuhit sa mukha niya ang pag-aalala.
Actually, wala akong dalang pera at kung meron man ay baka twenty pesos lang. Wala akong dala since tumakas ako.
Di bale na, hindi na lang siguro ako bibili.
"Ano kasi..." sasabihin ko ba? Nakakahiya kasi. "Wala akong dalang pera tapos—"
"Libre ko na, ano ka ba." Sambit ni Elly. Kahit nakakahiya, tinanguan ko ito.
Hinila niya ako at kung saan-saan dinala. Pinasuot niya ako ng kung anu-ano. Minsan pa nga ay pinagmomodel niya ako which is sobrang nakakailang.
Ako na maitim tapos pinagmodel?
Nakakahiya sa mga tumitingin— istey wala pala kasi takot sila sa amin. Hindi ko lang maatim kasi iyong sales lady ang nakatutok sa akin.
Ehh...
Sinabayan ako ni Daissy at Lyra sa pagmomodel hanggang sa kinuha na nila lahat no'ng naisuot ko at iyong sa kanila.
Bumili rin sila ng apat na pares na boots na binurdahan ng crystal na may zipper sa gilid. Medyo hindi ako komportable no'ng isinuot nila iyon sa paa ko kasi mataas ang takong.
"How much?" may ibinigay iyong sales lady kay Elly pero hindi ko pinansin dahil panay lakad ako kesyo i-praktis ko pa daw.
Napapangiwi ako sa tuwing natatapilok ako. Mabuti na lang at naka-alalay sa akin si Daissy at Lyra.
"Sorry, hindi ako sanay sa ganito." Paghingi ko ng paumanhin.
"It's okay, konting kembot na lang magagawa mo na rin." Ani Lyra na determinado sa kung paano ako maglakad ng maayos.
"Nga pala hindi ba sayo nasabi ni principal na may monthly allowance tayo?" biglang tanong ni Daissy.
"Hindi eh, meron ba?"
"Yup! Check your pocket, baka nandiyan lang. Gano'n din kasi sa amin noon."
Kinapa ko ang bulsa at inilabas ang isang blackcard.
"May one billion diyan, pare-pareho lang tayo hehe." Hagikhik ni Daissy. Napatingin ako kay Elly.
"Libre ko nga ho." Aniya matapos akong bigyan ng malapad na ngiti. "Pakideliver na lang po sa dorm namin, salamat."
One billion? Saan ko gagamitin 'yon?
Naglakad na kami palabas ng mall at sa 'di inaasahang pangyayari, may nakabangaan na naman ako.
Napatigil kami pareho at nagkatitigan ng ilang minuto.
Nahigit ko ang hininga nang hilain ako palayo nila Elly sa lalaking nakabanggaan ko.
"Luther..."
Mabilis kong nilingon si Elly. Hindi naman siguro ako nabingi 'no?
Sa 'di kalayuan nahagip ng mata ko si Xyrus na nakatayo sa isang poste, nakatitig sa akin.
Lumihis ang tingin ko sa isa pang poste kung saan nakatayo doon si Keehan na nakapamulsang nakatitig din sa akin.
Napapikit ako nang tumama sa mukha ko ang malamig na hangin. Pagmulat ko ay wala na sila doon sa kani-kanilang kinatatayuan.
Namalikmata lang ba ako? Pero iyong si Luther? Nasaan na 'yon? Nakatayo lang kanina sa tabi ko eh.
"I'll see you around, unidentified creature."
Ang boses na 'yon...