Xyra's POV
"What exactly is your favorite foods, Xyra? Para masabi namin doon sa chef sa royal canteen." Biglang tanong ni Elly.
Base pa lang sa sinabi niya at sa pangalan ng canteen na binanggit niya ay alam ko nang may sarili silang canteen na sila-sila lang na mga may dugong maharlika at bampira ang puweding magdine-in.
As I expected from pureblood vampires, they won't let their offspring na makihalobilo na lang ng gano'n sa mga mababang uri ng bampira o devils man. Given naman 'yon since unique ang mga abilidad nila.
Feeling ko talaga hindi dapat ako nasa section nila. Ni wala man lang akong dugong maharlika or even vampire blood plus I'm human and well, I have the ability naman pero hindi sapat iyon para mapabilang sa kanila.
"Xyra, are you listening?" natauhan ako nang tapikin ako ni Elly sa braso.
"Yeah, pasensiya na, napalalim ang iniisip ko hehe. About sa pagkain..." Napaisip ako, hindi kaya mabuking ako nito kapag sinabi ko sa kanila?
"Anything you want so I can cook it for you. Kumakain din kami no'ng mga pagkain ng mga tao just so you know." Pagbibigay alam niya at inakbayan ako.
"I'm not a picky eater but..."
"Hm, but?" nahihimigang tanong ni Elly.
Isantabi ko muna itong kahihiyan sa katawan ko, ayaw ko nang pumunta doon sa office ni Oliver na maraming bungo at skeleton.
"Spicy fried chicken na may kasamang kanin, lasagna, chicken curry, chicken adobo, ginataang gulay, sa dessert naman kahit ano, sa inumin, okay na ako sa tubig lang, snack? Kahit na ano na rin. Iyon lang ata." Napalunok ako no'ng tumingin siya sa akin.
"How about blood?" napangiwi ako na siyang ikinitawa niya.
"She doesn't drink blood, Elly." Segunda ni Lyra na abala sa pagbabasa habang naglalakad.
Paano kaya niya nakikita ang daan? Wala ba 'tong nababangga at pati sa daan ay hindi niya pinapalagpas?
I salute her. Kung ako siguro ang nasa katayuan niya ay baka kung sinu-sino na ang nakakabangga ko.
Sabagay, sino ba naman ang may gustong makabanggaan sila. Wala na sigurong magtatangka unless otherwise aksidente lang.
"Umiinom ka naman siguro ng grape juice 'di ba? Iyon na lang para maiba naman." Tumango na lang ako.
"Pineapple juice at apple juice na rin, pakidagdag." Sambit ko na ikinitawa nilang dalawa.
Napakamot na lang ako sa aking buhok hanggang sa tumapat na kami sa pintuan ng aming dorm na mala-hotel ang dating.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang mamangha, iyong tipong pati sahig ay nagsusumigaw sa gold na umaalon sa kakintaban. Magkano kaya ito kung isangla ko sa mundo ng mga tao?
"Gusto mo bang sumama?" takang napatingin ako kay Daissy.
"We'll go in royal canteen." Tipid niyang sabi matapos ilagay sa bag ang hawak na video games ata.
"Ah, nakalimutan kong sabihin sa'yo Xyra na sa tuwing walang klase doon kami tumatambay sa royal canteen, may golf course kasi tapos mahangin pa. I bet nandoon iyong mga lalaki." Paliwanag ni Elly.
"Eh bakit dumaan pa tayo dito sa dorm kung doon din naman ang punta natin?" napapakamot kong tanong.
Nginuso ni Elly si Lyra na pumasok sa loob pagkatapos ay bumalik din kagaad dala ang dalawang libro.
"Let's go?" umangat ang tingin sa amin ni Lyra at nagpati-unang maglakad kasama si Daissy.
Nagpahuli kaming dalawa ni Elly na nasa tapat pa rin ng dorm.
"Ano..." Nakakapit ako sa damit ni Elly.
"What's wrong? Ayaw mong sumama?" Takang tanong niya na ngitian ko lang.
"Gusto ko sanang magpahinga, medyo napagod ako kanina sa activity natin, tapos masakit pa ang paa ko." Ngumuso ako. Rinig kong napabuntong-hiniga siya.
"Akala ko naman kung ano na." She chuckled. "Sure, sure, no problem. Next time ka na lang siguro pumunta doon. I-te-take out na lang kita ng paborito mong spicy fried chicken."
Napalunok ako, bigla akong nakaramdam ng gutom. Sumama na lang kaya ako? Kaso drain na drain na ang energy ko, gusto ko na lang matulog at magpahinga.
Nangingiti tinanguan ko siya bago niya hinabol sila Daissy at Lyra na nagtaka ata kung bakit hindi ako sumama. Narinig ko naman si Elly na ipinaliwanag iyong dahilan kung bakit nagpaiwan ako.
Nakatanaw ako sa kanila nang lingunin nila ako. I gave them a warm smile while waving my hands.
"May ice cream sa ref, may mga pagkain din doon kung sakaling magutom ka." Sigaw ni Elly na tinanguan ko ng mabilis.
"Bye!" kaway nila sa akin bago maglaho. That was fast. Nakakamangha pa rin. Kaya ko bang gawin 'yon?
Pumasok na ako sa loob bago isinira ang pintuan. Sumalubong sa akin ang apat na babel chandelier na ngayon ko lang napagtuonan ng pansin.
Pinapaligiran ako ng pader na kasing kulay din ng ginto sa sahig na nagmistulang marhen sa kisame ang ginintuang crown molding sa pader na nakaikot sa bawat sulok ng silid. May paintings, shelves wall lamp at kung anu-ano pang makikita mo sa isang sala na dati ay sa tv or magazines ko lang nakikita.
Sa gitna ng sala, naroon ang isang rounded tufted maroon sofa na may dalawang divan sofa sa magkabilang gilid. Nakapatong doon ang maraming faux fur na pillow na talaga namang napakalambot. Magkakapareho iyon ng kulay ngunit may under-lining ng gold iyong sa may divan sofa.
Nakaharap ang sofa sa wooden media cabinet kung saan nakapatong ang malapad na flat screen tv at speakers. Pumagitna sa sofa at media cabinet ang isang marble topped coffee table na may isang basket na prutas, babasaging pitsel at chips. Lahat ng mga ito ay napapalagay sa ibabaw ng isang maroon carpet.
Sa kabilang banda, malapit sa gilid ng media cabinet, may dalawang posts lamp doon kung saan ang deriksyon ng kusina na matatanaw mula din dito sa sala.
"Wow!" humilata ako sa sofa at kumuha doon ng chips.
Binuhay ko ang tv at napabangon ng wala sa oras dahil sa gulat. Ang lakas ng volume plus horror pa iyong palabas.
"Anak ng tokwa naman! Bakit The Nun pa ang palabas?" naramdam ko ang sakit ng paa ko kaya hindi ko maiwasang mapa-aray ng malakas. Iyong buto ko doon, parang nabali na ewan.
"Ang ingay..."
Nagtama ang mata namin ni Keehan bago ako dumausdos sa sahig. Napapikit ako ng mariin.
"It looks like your ankle is swollen." Hinawakan niya ang paa ko na siyang ikina-ngiwi ko. Grabe, hindi ko man lang nasundan kung paano siya nakarating dito sa harap ko.
"Aw, aw... masakit ho, hinay-hinay lang sa paghawak." Napakapit ako sa braso niya.
"Are you a dog?"
Napasimangot ako sa sinabi niya. Nag-aw lang ako, aso na agad?
"Grabe ka naman— aray!" hilutin ba naman bigla. Hindi ko tuloy naiwasang hampasin siya sa braso.
"Did you just hit me?" dumilim ang awra niya.
Now, I'm doomed. Nangingiting napa-peace sign na lang ako, with matching ngiwi pa iyan dahil patuloy siya doon sa paghihilot.
Kahit masakit, tiniis ko na lang. Kagat-kagat ang labi, pinipigilang huwag siyang hampasin ulit.
"Ano..."
Gusto ko lang kumpirmahin kung siya iyong nakita ko kanina sa mall.
"What?" ang sungit nama nito, parang magtatanong lang eh.
Huwag na nga lang!
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at iginaya niya doon papunta sa kanyang braso.
Hindi ko inasahan 'yon. Pero naintindihan ko rin kung anong ibig niyang ipahiwatig.
"Don't hit me, just press my shoulder if it's hurt. Kasalanan mo naman." Inabala niya ang sarili sa paghaplos sa ankle ko hanggang sa medyo hindi na iyon sumasakit.
Nakabusangot lang ako the whole time habang nakatingin sa buhok niya. As usual magulo na naman.
"Minimize the volume, it's too noisy."
Kinuha ko ang remote sa table at napaliyad dahil nasa scene na iyong sobrang nakakatot.
Mabilis kong hininaan ang volume. Horror talaga kahinaan ko tapos napunta pa sa mga bampira na dugo ang inumin.
"Scared huh? Don't move or I'll break it." Nagbabantang sabi pa niya. Napalunok ako, seryosong-seryoso ang pagkakasabi niya no'n.
"Eeh! Sama mo naman! Sa nakakatakot iyong palabas eh. Nga pala healing power ba 'yang ginagawa mo?"
"What do you think?"
"Bakit ang sungit mo?" nagsalubong ang kilay ko at humalukipkip.
Sa huli hindi niya ako sinagot bagkus diniinan pa niya ang pagkakahilot sa ankle ko, napahigpit tuloy ang pagkakapit ko sa braso niya.
Kurutin ko nga.
"You!" nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"Ang sakit po." Inosenteng sabi ko, with matching teary-eyed.
"Stop doing that..." lumambot ang boses niya.
Eh? Nagbago agad ang mood? Sabagay moody naman talaga siya.
"Crush..."
"Ha?" tama ba ang pagkarinig ko?
"Bingi mo." Kumibot ang labi niya na tila pinipigilan ngumiti.
"Anong sabi mo?!" nanlaki ang mata ko sa sunod nitong ginawa.