bc

UNHOLY (Tagalog R-18)

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
billionaire
BE
curse
heir/heiress
tragedy
bxg
mystery
poor to rich
tricky
like
intro-logo
Blurb

Out of all the pieces in the chess board. I never knew that I'll be the one who will be chosen as the emperor's other half. The tyrant's wife in paper but never inside his heart.

-Lauren

Dahil sa matinding pagmamahal ni Lauren kay Matthew ay naka gawa siya rito ng matinding kasalanan. Upang mapasakaniya ang lalaki ay sinubukan niyang agawin ito sa babaeng totoong nagmamay-ari rito ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa kabila ng kasalanang nagawa ay hindi siya humantong sa kulungan dahil sa kabutihang palad ay may lalaking sumalo at nagligtas sa kaniya.

Ngunit totoo nga bang walang kapalit ang pagtulong nito sa kaniya? Totoo nga bang kabaitan lang ang taglay ni Kroenen o meroon itong kakaibang pakay kay Lauren?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE 1
Pinangarap ko rin'g magkaroon ng mala fairytale na buhay kahit na ang sabi ng iba ay may kasamaan ang ugali ko. Wala akong pakialam sa ibang tao at madalas akong pangunahan ng galit at pagkairita—sino ba naman ang hindi kung ganito kapangit ang buhay mo? I've been working as a maid for three years at kahit gaano kalaki ang kitain ko sa tatlong taon na iyon ay hindi nagbabago ang estado ko sa buhay. Why? Dahil sa dalawang tao na paulit-ulit akong hinihila pababa. My grandmother and brother. They're my downfall. Kailangan kong magpadala ng pera dahil may sakit si lola. Kailangan kong magpadala ng pera dahil mag-aaral na ang kapatid ko. Dahil sa kanila wala akong marating-rating sa buhay, I tried leaving them behind but I can't. Hindi ko lang kaya at patunay nito na kahit papaano meroon pa rin naman akong puso. At least I can still feel something... Kahit na gaano pa ito kasama o kalamig, at least nakakaramdam pa rin ako. Nagsimula akong magtrabaho sa mansion ng mga Tyrione pagkatapos kong huminto sa pag-aaral. Gustohin ko man'g ituloy ang pag-aaral ko peo hindi pwede dahil wala akong pera upang makapasok sa isang top class na medicine school. Ayokong kumuha ng ibang kurso, pagiging doktor ang pangarap ko kaya mas pinili ko na lang ang huminto ang magtrabaho upang maka-ipon na rin. Tyrione. Isa sa pinaka mayamang pamilya sa lugar namin. Sila ang may-ari ng pinaka malaking hacienda at mga lupain sa buong siyudad. Some of their family members are part of the government. Some are working as a mayor, senator and even an advisor. They're big class a family at lahat yata ng tao sa lugar namin ay gustong mapalapit sa kanila. Lalong-lalo na sa pangalawang anak nila Mr. and Mrs.Tyrione. Si Matthew Tyrione. Rich, capable and handsome ganiyan siya ilarawan ng mga katulong sa mansion nila ngunit para sa akin higit pa siya roon. Simula ng makapasok ako sa mansion nila bilang isang katulong ginawa ko na ang lahat upang mapalapit sa kaniya. Lahat ng paraan sinubukan ko para mapansin ako ni Matthew. I tried seducing him. Gave him hints that I love him. Ginawa ko iyon kahit na baliw na ang tingin sa akin ng mga tao. Hindi ako sumuko hanggang sa dumating si Isabella sa buhay niya. This stupid lowlife girl. Nang dumating siya sa mansion ay nagsimula ng mawala ang tiyansa ko para makuha si Matthew. She seduced my man! Ako ang na una ngunit kung umasta siya ay parang sa kaniya na si Matthew. Naiinis ako at galit dahil tuwing nasa isang kwarto kaming tatlo ay ramdam ko na nasa kaniya lang ang mga mata ni Matthew kung kaya I made her life a living hell. "Hindi maayos yun'g pagkakalinis mo sa thirdfloor. Bumalik ka roon." Walang emosyon kong utos kay Isabella. Napatigil naman ito at hindi makapaniwalang napatingala upang tignan ako sa mukha. Halatang pagod na pagod na ito kakalinis sa buong bahay pero wala akong pakialam. Walang dahilan para hindi ko sila pahirapan lahat. "Hoy Laurent grabi naman na 'yang pinagagawa mo kay Isabella!" Sita sa akin ni aling alisya. Isa sa pinaka matandang katulong dito sa mansion. Imbes na pansinin niya ay tinaasan ko lang ng kilay ang babaeng nasa harapan ko. Naiinis ako sa mga titig na binabato niya sa akin dahil parang meroon itong pinagmamalaki kaya sinipa ko ang balde na nasa tabi niya. Tumapon ang laman niyon at kumalat sa makintab na sahig. Now, she needs to mop the floor again. Matamis akong napangiti. "Linisin mo 'yan." Asik ko pa sa babae bago ako tumalikod at taas noon'g naglakad paalis. I can still hear her words. She's shouting at me, cursing my name. Naririnig ko na nag-aalala sa kaniya ang mga ka-trabaho namin at gusto siyang tulungan ng mga ito ngunit wala akong pakialam. Ang mas mahalaga ay nagawa ko siyang pahirapan. "Halos buong mansion na yata ay nalinis mo. Magpahinga ka muna kaya?" Dinig kong tanong ni Grabe kay Isabella ng aksidente akong mapadaan sa hallway dito sa second floor. Hindi ako mahilig makinig sa usapan ng ibang tao ngunit dahil si Isabella ito ay napatigil ako at tahimik na nagtago rito sa pwesto ko. "Namumutla ka na rin. Sigurado ka bang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Grace sa kaibigan. Hindi ko maiwasang mapairap. Kung makapagsalita si Grace ay kala mo mamatay na si Isabella. As if naman, halos wala na nga siyang trabahuhin dito sa mansion dahil pabigat lang siya. Kung magkakaroon lang ako ng tiyansa na makusap sina Madam ay sasabihan ko na sila kung gaano ka walang kwenta itong dalawang magkaibigan na ito. Pabigat lang sila samin'g lahat. "Teka Bella ikukuha kita ng tubig." Wika ni Grace bago ito nagmamadaling tumakbo sa kabilang dulo nitong pasilyo. Nang maisgurado kong kaming dalawa na lang ni Isabella ang nandito ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nakangising lumapit sa babae. She's still the same. Akala mo'y inaapi ng buong mundo ang itsura niya. Maputla ang labi at nanunubig ang mga mata, bakit ba gustong-gustong tinititigan ni Matthew ang babaeng ito? "Lau-Laurent?" Gulat niyang ani. Napaismid naman ako bago ko sapilitang kinuha ang basahan na nasa kamay niya. "Hindi ka pa yata tapos sa trabaho mo?" Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at ng mapansin ko na bahayang nanginginig ang mga daliri niya sa kamay ay saglit akong napatigil at napatulala. What did she do to be this weak? Sabay-sabay namin kaming kumakain at hindi naman ganoon kabigat ang trabaho niya. Bakit na ganito siya kahina?! Nagngalit ang akin'g mga ngipin sa sobrang inis. Akmang ibabato ko na sa kaniya ang basahan na nasa kamay ko ng maramdaman ko ang pagpalupot ng matigas at malaking kamay ng kung sino sa akin'g pala pulsuhan. Napatigil ako at agad na napatingin kung sino ito. "M-Matthew?!" Singhap ko ng makita ang seryosong mukha ng lalaki. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng akin'g puso lalo na ng magkasalubong ang amin'g mga mata. Tuwing ganito kami kalapit sa isa't isa ay palagi kong tinititigan ang mga mata niya, bihira lang kasi ang kulay abong mga mata rito sa pilipinas at...hindi ko alam pero gandang-ganda ako sa mga ito. Mabilis ang kabog ng puso ko tuwing nasa tabi siya ngunit tuwing matitigan ko ang mga mata niya nagiging kalmado ang lahat. He's my peace and I'll do everything just to make sure that he'll be forever mine. "You're bullying her again." Matigas na wika ni Matthew. Hindi ko maiwasan ang mapaatras ng pabagsak na binitawan ng lalaki ang aking kamay. Hindi man niya iyon nilagyan ng pwersa ngunit nahila pa rin ako nito dahilan upang maramdaman ko ang pagsakit ng akin'g balikat. Napahawak ako sa balikat ko habang nagmamadali naman'g lumapit si Matthew kay Isabella upang surrin ang kalagayan nito. Walang emosyon ang mga mata niya at malalamig ang titig ng mga ito sa akin pero ng makalapit na siya kay Isabella at mahaplos na niya ang kamay nito ay tila naging maamong tupa siya. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Ba-Bakit ganiyan siya makatingin kay Bella? Bakit kung haplusin niya ito ay parang ito na ang pinaka mamahaling bagay na nakita niya? Napatingin ako sa braso kong hanggang ngayon ay nanakit, he did this but he's far more concern to Isabella's condition. Bakit? Habang tinititigan ko silang dalawa ay parang patindi ng patindi ang kirot na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak at hilahin siya pabalik sa akin ngunit nawalan na ako ng kakayahan na makagalaw pa ng walang pasabing binuhat ni Matthew ang babae. Binuhat niya si Isabella at punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya habang lumalakad sila palayo sa akin. Habang palayo sila ng palayo ay palalim din ng palalim ang pagkakabaon ko rito sa kinatatayuan ko. Mahigpit kong naikuyom ang akin'g kamao. Sigurado akong tinatawanan na ako ni Isabella sa mga oras na ito. Sige lang tumawa lang siya dahil sisiguraduhin ko na nasa akin ang huling halakhak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook