PROLOGUE II

1070 Words
Dala ng matinding takot na baka maagaw ni Isabella ang lalaking pinaka mamahal ko ay napilitan na akong gawin ang isang bagay na kahit ako'y ayokong gawin. They didn't give me any choice. If only... Kung sana ganoon lang ako tignan ni Matthew. Kung sana ako ang inaalagaan niya ng ganoon at kung sana ako lang ang gusto niya ay hindi ko gagawin ang bagay na ito. Sunod-sunod akong napalunok habang nakatitig sa isang baso ng tubig na inilagay ko sa nightstand ni Matthew. Pagkatapos niyang magtrabaho sa opisina ay paniguradong maghahanap ito ng tubig—tulad na lang dati noon'g hindi pa dumadating sa buhay niya si Isabella. Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Agad akong umayos ng pagkakatayo at pinunasan ko kung ano man'g luha ang tumulo mula sa mga mata ko. "Lauren?" Nagtatakhang banggit ng lalaki sa akin'g pangalan. Nginitian ko naman siya atsaka ko dinampot ang isang basket ng maduduming damit. "Laundry day sir. Kailangan namin'g maglaba ng mga damit bago yun'g party bukas." Ani ko rito. Alangan naman'g napatango-tango ang lalaki. Dumaan ito sa akin'g tabi at napasimangot ako ng maamoy ko ang pamilyar na cologne ni Isabella sa kaniya. "Bu-Busy ka yata ngayon?" Lumapit siya sa nightstand kung nasaan ang baso ng tubig. "Yeah. I need to make sure that tomorrow will be perfect." Sagot naman niya sabay dampot sa baso. Mariin akong nakatutok sa mga gagawin niya sa sobrang kagustuhan ko na mapanood kung paano niya uubusin ang tubig na nasa baso ay hindi ko na magawang maka kurap. Please inumin mo na... "Oh? Panigurado naman'g magiging perfect ang party bukas. Kayo po ang umasikaso." Napangiti si Matthew at ng dumikit ang labi niya sa bukana ng baso ay doon na ako napangiti. I'm sorry Matthew, I'm doing this for you. Hindi ka magiging masaya sa piling ni Isabella. Nang maubos na ni Matthew ang baso ng tubig ay prente akong lumakad palapit sa kama. Kunwari'y pinapalitan ko ang mga punda at kumot nito pero nasa kaniya pa rin ang mga titig ko. "Uuwi na rin siya bukas. After staying in Russia for so many years can't believe that he's coming home now." Usal ng lalaki. Kita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya bago niya tinanggal ang pagkaka button ng kuwelyo ng suot niyang polo. "Sigurado ako na magstay na rito si Sir.Kroenen." Sir.Kroenen... Naririnig ko lang ang pangalan niya sa mga tao rito sa mansion pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakikita. Ang sabi nila ay siya ang nakakatandang kapatid ni Matthew. Wala ito rito sa Pilipinas dahil matagal na itong lumipad papunta sa Russia upang doon mag-aral at magtayo ng sariling kompanya. Ang sabi ng mga matatandang tauhan dito ay hindi raw gusto nila Madam na nandito si Sir.Kroenen dahil kakaiba at misteryoso raw ito. Hindi rin daw gusto ng matatanda ang ugali nito dahil may pagka suwail ito. Imbes kasi na manahin ang kayamanan at negosyo ng pamilya ay mas pinili ng lalaki na magtayo ng sarili niyang negosyo. An empire to be exact. Hindi ko pa siya nakikilala ngunit dapat lang ay maging maganda ang impresyon niya sa akin bukas lalo na at tiyak na magiging parte na ako ng pamilya nila. Napahinto si Matthew at napapaling ang kaniyang ulo. Kung kanina'y maayos pa ang kalagayan nito ngayon ay pawis na pawis na siya kahit na nakatodo naman ang aircon. Umeepekto na ang gamot. "Sir.Matthew?" Tawag ko sa pangalan ng lalaki. Mahina siyang napaangil. "I need you to get out." Malamig na utos nito. Hindi ko alam kung naparami ba ang pagkakalagay ko ng aphrodisiac pero sapilitan na niya ngayong tinatanggal ang bawat butones ng kaniyang polo. Napangisi ako ng sagad. "Why sir? May problema ba?" Kunwari'y inosente kong tanong dito. Binitawan ko ang besheet na inaayos ko at imbes ay lumapit ako sa kaniya. "Baka matulungan kita sir?" Inosente kong tanong sa lalaki. Nagsisimula ng mapuno ng pawis ang kaniyang mukha at namumula na rin ang kaniyang labi na ngayon ay nakaawang na. "Sir.Matthew?" "Get out Lauren!" Gigil na sigaw ni Matthew. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay bahagya pa akong napakislot pero nandito na ako. Hindi na ako pwedeng umatras. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero... Mas dumiin ang mga ngipin ko sa akin'g labi at habang abala si Matthew sa pagpaypay sa kaniyang sarili ay kinuha ko na ang pagkakataon upang mahaplos ko ang pisngi niya. Napasinghap ang lalaki at napatingala. Namumungay ang kulay abong mga mata ni Matrhew at bahagyang namumula ang magkabila niyang pisngi. Mula sa kaniyang pisngi ay bumaba ang kamay ko papunta sa nakaawang niyang labi. Tila napaso naman ito dahil napatigil siya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Tinaasan ko ng isang kilay ang lalaki. "I'm just trying to help you sir..." Bulong ko rito. Slowly, I lean forward to reach him. Masiyado siyang matangkad kumpara sa akin kung kaya't kailangan ko pang hilahin siya pababa para magkatapat ang mga labi namin. "La-Lauren you-you're not Isabella..." Bulong nito sa akin. Ngunit nagbingi-bingihan ako. Imbes na tumigil ay mas lalo pa aking ginanahan, akmang pagdidikitin ko na ang mga labi namin ng bigla kong maramdaman ang paghila ng kung sino sa akin'g braso. "An-" Hindi ko na natapos ang susunod kong sasabihin ng isang malakas na sampal ang dumapo sa akin'g pisngi. "Matthew?!" Tarantang salubong ni Isabella sa lalaki. "Ano'ng ginawa mo Lauren?!" Napaangat ako ng tingin habang sapo-sapo ko pa rin ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni Isabella. Nang maikot ko na ang tingin ko sa paligid ay doon ko lang napansin na napapaligiran na pala kami ng mga tao. Mula kay Grace, sa matandang katulong at kay Madam na nakatakip sa bibig habang nakatitig sa anak niyang ngayon ay mahigpit na naka yakap kay Isabella. "Lauren h-how can you do this to my son?" Puno ng takot na sigaw sa akin ni Madam. Hindi ako makapagsalita. Kung titigan nila ako ngayon ay parang napakasama ko. Bakit?! Nagmahal lang naman ako! "Lauren!" Muling sigaw ni Madam. Sinubukan kong tignan si aling Alisya. Napailang na lang ang matanda sa akin ngunit kitang-kita sa mga mata niya ang pagkadismaya. Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko. Bago ako nakayukong tumakbo paalis sa kwartong iyon. Why? Nagmahal lang naman ako. Masama ba na gustohin ko na makuha kung ano'ng gusto ko? Just this once!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD