Unang Kabanata : Traitor

1317 Words
"Anong kagagahan ba kasi 'yang pinagagawa mo?! Alam mong si Isabella lang ang gusto ni Sir.Matthew! Bakit pinipilit mo pa 'yang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto?!" Sermon sa akin ni Polla. Ang mayordoma at pinaka head ng lahat ng katulong sa mansion na ito. Imbes na harapin siya ay mas inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-iimpake ng akin'g mga damit. Sigurado naman'g mapapaalis na ako sa lugar na ito dahil sa ginawa ko. Malapit na. Nandoon na ako at magagawa ko ng makuha si Matthew pero bakit kailangan ba na palaging umepal 'yang Isabella na 'yan?! Bakit palaging siya na lang?! "Alam mo naman na kailang na kailangan mo ng pera lalo na ngayon na may sakit ang lola mo tapos gagawa ka pa ng katangahan?!" Dagdag pa ni Polla. Napapikit ako ng mariin. Bakit ganoon? "Natanggap namin 'yang kasamaan ng ugali mo kasi akala namin dahil lang 'yan sa trauma na inabot mo noon'g bata ka pero...iba na to. Ibang level na 'yang kasamaan mo Lauren!" Inis na sigaw ni Polla. Pabalibag nitong binato sa akin ang unan at tumama ito sa akin'g mukha. Nang wala na akong marinig na boses at masasakit na salita ay doon ko pa lang pinakawalan ang luha na kanina ko pa gustong palabasin. Ang sakit kasi. Bakit lahat na lang ng tao ang tingin sa akin ay masama? Masama ba na gustohin kong maging masaya kahit saglit? Napatingala ako. Umaasang kahit papaano ay mapapahinto nito ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. May mga tao talaga sigurong pinanganak para magmukhang masama sa mata ng lahat ng tao? Pagak akong napatawa. Habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko ay tuloy-tuloy naman ang pag-iimpake ko ng mga gamit. Dinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng luma kong cellphone pero imbes na pansinin ito ay nanatili akong bingi. Dalawang tao lang naman ang willing na tumawag sa akin. Kung hindi si lola ay 'yong kapatid ko at pag sila ang tumatawag isa lang ang ibig sabihin. May hindi magandang nangyari sa bahay. Mariin akong napapikit. Pero mali yata ang ginawa kong 'yon dahil naalala ko lang yun'g pagyakap ni Isabella kay Matthew kanina. She looks so scared. She wasn't angry that Matthew let me touch him. She was scared. Natatakot siya na baka may masamang mangyari sa lalaking pinaka mamahal niya. Sila na ba talaga? Paano naman ako? Sabagay, sino ba ang niloko ko? Unang dating pa lang ni Isabella rito ay halata naman'g bagay na bagay na sila ni Matthew. Habang inaalala ko silang dalawa ay pasikip ng pasikip ang dibdib ko, nahihirapan na akong huminga kung kaya't malakas ko itong kinabog. Siguro ay maisyado na rin'g masikip dito sa kwarto namin kaya tumigil muna ako sa pag-iimpake. Paika-ika akong lumakad palapit sa veranda. Mula rito sa veranda ay kitang-kita ang malawak na lupain ng mga Tyrione pero hindi tulad ng sa kwarto ni Isabella ay hindi makikita rito ang liwanag na nanggagaling sa siyudad hindi kalayuan, wala rito ang garden at entrance ng mansion dahil nasa likoran'g parte itong kwarto ko. Si Sir.Matthew mismo ang pumili ng kwartong ito para sa akin. Sobrang saya ko naman dahil akala ko ay special itong kwartong ito pero looking from everything I have now in front of me? There's nothing special. There's no light, flowers or even gates. Ang meroon lang ay walang katapusan na kadiliman. Malamig at tahimik. Ito ang binigay niya sa akin. Muli akong napapikit bago ako sunod-sunod na lumapit sa railings na gawa sa bakal. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko ngayong gabi. Pero pinagsisihan ko na hinayaan ko pang magkaroon ng pagkakataon na magkita pa silang dalawa. Mapait akong napangiti. "Careful you might fall..." Sa kalagitnaan ng tahimik na gabi ay umalingawngaw ang malalim na boses ng kung sino. Agad akong napadilat at napatingin sa ibaba kung saan nanggagaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na nakatayo sa mismong ibaba nitong veranda. Nasa ikalawang palapag lang ako at hindi ganoong kataas ang kwarto kung kaya't kayang abotin ng kung sino ang parteng ito ng bahay. "S-Sino ka?!" Inis kong tanong sa lalaki. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil madilim pero sigurado akong lalaki siya at nasa ibaba siya. "I heard what happened inside. Is it you?" Tanong muli nito. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Dinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. "Mrs.Tyrione wanted to sue you for what you did to Matthew." Dagdag ng lalaki. S-Sue? Wala akong pera para kumuha ng abogado at hindi ako pwedeng makulong! Napayuko na lang ako at mahigpit na napakuyom ng kamao. Mukhang hindi na talaga ako makakawala sa mga Tyrione. “Have you tried falling for someone?" Wala sa sarili kong tanong sa lalaki. Siguro dahil alam ko na wala na akong matatakbuhan at alam ko na kung ano ang magiging kinabukasan ko kaya heto at lakas loob ko ng kinakausap siya. Nakakatawa. Hindi ko alam na aabot ako sa puntong ito. Yumuko ako at ngumiti sa lalaking nasa ibaba. Strangely, hindi ko man nakikita ang mukha niya ay ramdam kong nakatitig siya sa akin ngayon. At meroon'g kakaiba sa mga titig na binabato niya. “Never." Mahikling sagot nito sa akin. "Bakit?" Na curious ako bigla. Posibleng nagsisinungaling siya sa akin dahil imposible na hindi pa siya nahuhulog sa kung sino pero sige pakikinggan ko kung ano'ng sasabihin niya. Gusto ko lang makinig sa mga oras na ito bago ako dampotin ng mga pulis. “Why?" Ulit ko sa tanong ko ng ilan'g minuto na ang lumipas ay wala pa akong naririnig na sagot mula sa kaniya. Umalis na ba siya? “It's the risk that I will never have the courage to take." Sagot niya. Halos hindi ko na marinig ang boses niya dahil sa sobrang hina, parang nasa guni-guni ko nga lang ang sagot niyang ‘yon. Kung hindi lang dahil sa mahinang pagtawa na kasunod ng huling salita niya ay iisipin kong na imagine ko lang ang sagot niya. “Why?" Tanong ko ulit dahil hindi ko pa rin maintindihan kung bakit "Hindi at never" ang sagot niya. “Between the two of us. It's you who knows how dangerous it is." Yeah. May punto siya. Naitikom ko ang bibig ko. Gusto ko pa siyang kausapin, gusto ko pang sabihin sa kaniya kung ano'ng nararamdaman ko sa mga oras na ito pero na walan na ako ng pagkakataon ng makarinig ako ng malalakas na yabag sa labas ng kwarto. “Thank you." Bulong ko sa estranghero. Wala na akong narinig mula sa kaniya kaya naka umalis na ito sa pwesto niya. Baka nga ay wala na akong kausap dahil hindi ko na nararamdaman yun'g mga titig niya. Okay lang dahil kahit papaano ay meroon akong nakausap at kahit papaano may isang tao na hindi ako hinusgahan dahil sa ugali ko. I tried looking down. Sinubukan kong aninagin ang mukha niya ngunit kahit anong pilit ko ay silhouette lang niya ang nakikita ko. “Lauren Del Rosario huwag ka ng tumakas kailangan ka lang namin kausapin sa presinto." Imbes na tumakbo at tumakas sa mga pulis ay dahan-dahan king tinaas ang mga kamay ko at buong pusong tinanggap kung ano'ng ipapataw nila sa akin. “Kahit ikulong niyo ako hindi ko pinagsisihan kung ano'ng ginawa ko kay Matthew." Nakangisi kong wika sa mga taong nakaharap sa akin. Bumalatay ang galit sa kanilang mukha lalong-lalo na kay Isabella na hawak-hawak nila madam at aling Alisya. Nasisiyahan akong makita kung gaano siya kagalit. Kung gaano niya ako kagustong saktan. Akala ko ay habang buhay na siyang malungkot at mukhang santo, hindi ko aakalain na darating ang panahon na titignan niya ako ng ganito kasama. Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ko at upang mas magalit pa ang babae ay dinilaan ko siya at inirapan. "Lauren!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD