"BERNARD, hindi ka pa matutulog? Iniisip mo na naman kung paano mo mababawi si Gretel sa asawa niya?" napalingon si Bernard sa inang nagsalita mula sa kanyang likuran. Nasa balcony siya nang kuwarto niya. Hawak ang isang baso na may lamang alak. "Ma, ikaw pala. Si Papa po?" pag-iiba niya sa usapan. Napangiti si Gida at nilapitan ang anak. "Nagpapahinga na ang Papa mo. Alam mo naman na masama sa kanya ang nagpupuyat. Ikaw, bakit gising ka pa?" May sakit ang Papa niya at ang Mama niya ang nag-aalaga r'to. Hindi na ito nakakalakad at baldado ang kalahating katawan nito dahil sa stroke. Pero, gayunpaman ay kita pa din ang kaguwapuhan nitong taglay. At tama ang Mama niya na kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama. Para silang pinagbiyak na bunga. Noong una niyang makita ang Papa niya ay hin

