IBINUROL ang mga magulang ni Gretel na 'di man lang umuwi si Rafael. Kahit na respeto na lang bilang asawa niya. Dinamayan siya ng mga magulang nito pero hindi ang asawa niya. "Pagpasensiyahan mo na ang asawa mo, Gretel. Batid namin ni Randy na napakarami ng pagkukulang niya sa inyong mag-ina. Masyado lamang na marami siyang trabaho sa kompanya niyo," hingi ng paumanhin ni Zeline sa kanya. Lahat ng kanyang sinabi ay pawang walang katotohanan. Alam na alam nila na ang anak nila ay mayroong inuuwian na ibang babae. "Huwag na po kayong magmalinis sa ginagawang mali ng anak niyo. Matatanggap ko pa po kung sinabi niyo sa akin na, nakikiramay kayo sa pagkawala ng mga magulang ko. Wala na po akong kalampi. Kayo na lang po ang inaasahan ko. Pero parang kakampihan niyo pa ang anak niyo. Siyempre,

