KINABAHAN bigla si Bernard. Hindi niya maintindihan ang sarili. Agad siyang tumawag sa sekretarya niya. "Tracy, please send wine inside my office," utos niya sa sekretarya niya. Alak ang kanyang pampakalma. Simula noong naghiwalay sila ni Gretel ay matuto na siyang uminom. Isang CEO si Ross Bernard Dagger ng isang malaking kompanya sa bansa. Noong sinabi ng Mama niya na ipapakilala niya ang kanyang Papa sa kanya. Naglakas loob ang Mama niya na puntahan ang Papa niya. Ang hindi nila alam ay matagal na pala silang ipinapahanap nito. Iniba ng Mama niya ang pangalan nila para hindi sila mahanap ng mga magulang ng Papa niya, na Lolo at Lola ni Bernard. Ang Papa niya ay si Ross Dagger. May-ari ng hindi mabilang na negosyo sa bansa. Ang Mama niya ay isang mahirap lamang. Kaya noong nagkaroon

