After Five Years "MOMMY, I want that doll," turo ng isang five years old na batang babae sa kanyang ina. Kita rito na gustong-gusto nito ang manika na naka-display sa may istante. "Bern, what Mommy always telling you?" tumango ng ulo ang anak. Sa murang edad ng anak ay tinuturuan na niya itong magtipid at maging masinop sa buhay. "Mommy said, hindi dapat bumili ng hindi naman kailangan. Food first before toys," medyo malungkot na sagot ng batang si Bhern. Tumango ng ulo si Gretel bilang pagsang ayon. "But, Mommy I want po. Masisira na po ang doll ko," nagmamaktol pa na pilit niya. Para na itong iiyak sa harapan ng ina. Nalungkot si Gretel. Gustuhin man niyang ibigay ang lahat ng gusto ng anak ay hindi naman kakasya ang pera niya. Hindi nagbibigay si Rafael sa kanya ng pera na para sa

