Chapter 14

1012 Words

DUMAAN pa ang tatlong buwan. Kabuwanan na ni Gretel. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Rafael sa kanya. Madalas din itong wala sa bahay. Halos 'di na niya ito napalansin kung umuuwi pa ito ng bahay nila. Inaayos ni Gretel ang gamit nila ng anak niya. 'Pag dumating ang oras na manganganak na siya. "Anak, gusto mo bang sa bahay ka na muna pagkapanganak mo? Wala kang palaging kasama sa bahay niyo ni Rafael," tanong ng mommy niya. Dinalaw siya ng ina dahil alam nitong malapit na siyang manganak. "Hindi na po, mommy. Okay lang po ako rito sa bahay. Kaya ko naman po ang sarili ko alagaan," tanggi ni Gretel. Nginitian niya ang ina para hindi na ito mag-alala sa kanya. "Hindi mo naman maiaalis sa amin ng daddy mo na hindi mag-alala. Lalo at hindi namin alam kung kailan uuwi ang asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD