MABILIS na tumulin ang mga araw. Nasa ikaanim na buwan na ang tiyan ni Gretel. Nakabukod sila ng tirahan ni Rafael. Medyo malayo rin sa bahay ng mga magulang niya. Wala naman siyang lakas ng loob para tutulan ang lahat ng pasya ng mga magulang niya. Sila lamang ang palaging nasusunod. Kahit pa masakit na at hirap na hirap na siya sa buhay niya ngayon. Pilit lang siyang lumalaban para sa kanyang anak. "Gretel, ibili mo ako ng beer sa tindahan. Ang sukli ay ibili mo ng pulutan ko," utos ni Rafael sa kanya. Inabot ang halagang isang libo sa asawa. Kiming tinanggap iyon ni Gretel. "Rafael, m-mayroon sana akong gustong sabihin," tila naman takot na takot si Gretel kay Rafael. Halata sa boses niyang pautal-utal. Madilim ang mukha na tiningnan ni Rafael si Gretel. "Ano naman 'yon?" "May check

