BIHIS na bihis si Gretel. Balak niyang magsimba ngayon. Bago siya sundiin ni Rafael para puntahan ang boutique na sinasabi ng Mommy niya. Mamayang hapon pa naman ang punta nila sa boutique.
Nadatnan niya ang parents niya sa dining.
"Good morning, Hija," bungad na bati ni Grace sa anak. Nilapitan siya ni Gretel at hinalikan sa pisngi. Gayundin ang ginawa sa asawang si Orly. "Maaga pa. Saan ang lakad mo, Gretel? Remember what I told you last night. Pupunta si Rafael ngayon. Sabay na kayo pupunta sa boutique," paalala ni Grace sa dalaga.
"Don't worry, Mommy. Hndi ko po nakakalimutan. Besides, maaga pa naman po. And magsisimba lamang po ako. Uuwi din po ako kaagad," katwiran ni Gretel sa ina.
"Okay, Anak. I'm just reminding you. Tonight, your Tita Ziline and Tito Randy will come here also. Pag-uusapan na natin ang detalye ng nalalapit niyong kasal niyo ni Rafael," tumingin siya sa asawa. "Oh, I'm so excited. Makikita ko ang anak natin na ikakasal, Orly. And I hope mabibigyan nila kaagad tayo ng apo," siya na din ang mag oorganisa nang kasal nang kanyang nag iisang anak. Gusto ni Grace na maging pulido. Ayaw niyang makakita nang ikakapahiya niya sa mga Villanueva
"Mom," tawag ni Gretel sa ina. Masyadong nangunguna ang ina sa mga mangyayari sa buhay niya.
"Sinasabi ko lang ang gusto ko. I missed, 'yung may baby dito sa loob bahay. Iyong iyak nang sanggol na maririnig mo sa buong sala. Hindi na ako makapaghintay, Gretel na mabigyan mo kami ng apo ng Daddy mo," untag na sabi ni Grace sa anak. Mas excited pa ito kesa sa anak.
Napabuga ng hangin si Gretel. "Alright, I'm going," umaayon na lang siya at paalam ni Gretel na sa parents niya para mahinto na ang usapan tungkol sa apo. Humalik ulit siya sa pisngi ng Mommy at Daddy niya.
Paglabas ng bahay ni Gretel ay nakita niya si Bernard na naghihintay hindi kalayuan sa bahay nila. Sapat na upang mapansin niya ito. Gusto siyang samahan ni Bernard sa kanyang pagsimba ngayon. Sino ba naman siya para tumanggi? Gustong-gusto nga niyang makita at makasama si Bernard. Nang solo. Kesa naman si Rafael ang kasama niya. Si Bernard na lang. Bukod sa may sense kausap si Bernard. Mas masaya siya na makakasama ang binata.
Sabik na nilapitan ni Gretel si Bernard. Pormadong pormado ang suot nito. Ang guwapo at bagay sa kanya ang damit nitong suot. Naka-blue jeans at light blue t-shirt. Kulay puting sapatos ang suot sa paa. Kinuwit ni Gretel ang nakatalikod na si Bernard.
Humarap ito sa kanya na may matamis na ngiti. "Good morning, Mahal," masayang bati sa kanya ni Bernard.
Luminga muna sa paligid si Gretel. Saka nginitian niya ang binata. "Good morning, Mahal," ganting bati din niya kay Bernard. "Let's go," aya ni Gretel kay Bernard. Ginagap ni Bernard ang kamay niya at pinagsalikop. Hawak kamay silang naglakad na dalawa.
Sinagot na ni Gretel si Bernard nuong nakaraang gabi. Bago ang gabi ng birthday ng Ama. Masaya siya sa naging desisyon niyang tanggapin si Bernard at tugunin ang pagmamahal nito sa kanya.
Ang isang nagpapabagabag sa kanya ay ang kanyang nalalapit na kasal. Paano niya sasabihin kay Bernard na ikakasal na siya sa iba? Ayaw niya na makitang masasaktan ito nang dahil sa kanya. Ngunit sadyang ganoon ang mangyayari. Kahit naman sino ay masasaktan. Kapag nalamang ang nobya mo ay ikakasal hindi sayo. Kundi sa iba.
"Ah, Mahal, after pala nating magsimba. Kailangan kong umuwi agad. Nagpapasama kasi si Mommy sa akin. May pupuntahan ata siya kasama ang kaibigan niya. E, gusto akong isama," pagsisinungaling na paliwanag ni Gretel.
Napatigil si Bernard sa paglalakad. "Okay lang. Maligayang maligaya ang puso ko na kasama ka ngayon na magsimba. Ito ang unang beses na lumabas tayo na tayo na. Kontento na ako dito. Mahal na mahal kita, Mahal," kita ang saya sa mga mata ni Bernard.
Parang kinurot naman ang konsensiya ni Gretel. Puro kasinungalingan na lamang ang ipinapakita niya kay Bernard. 'Di niya dapat ginagawa kay Bernard ito na sobrang mahal na mahal siya.
"Thank you. I-I l-love you t-too," nauutal na tugon ni Gretel. Dinampian ng halik ni Bernard ang noo niya. Napapikit siya sa halik na iyon ni Bernard sa kanya. At napangiti.
"Tara na. Baka mahuli tayo sa misa," yakag ni Bernard sa kanya. Sobrang lapad ng ngiti ni Bernard habang hawak ang kamay ni Gretel. Halos lampas sa kanyang mata ang kanyang ngiti. Ang pinapangarap niyang pagmamahal ay nakamtan na niya— ang pagmamahal ni Gretel. Sana lang hindi na matapos pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Pagkatapos nang misa ay sabay na din na umuwi sila Bernard at Gretel. Luminga muna si Gretel sa paligid. Wala pa naman sila sa harap ng bahay nila. Kailangan niyang mag-ingat na walang makakita sa kanila. Ayaw niyang makarating sa magulang niya ang tungkol sa kanila ni Bernard. Pinakiusapan din niya si Bernard na ilihim na muna ang tungkol sa kanila.
Huminga ng malalim si Bernard. Maghihiwalay na naman sila. Tapos na silang magsimba at hindi niya makakasama si Gretel mamaya. "Mahal, puwede bang ihatid kita sa University bukas ng umaga?" tanong niya kay Gretel.
"Oo naman, Mahal. Ikaw pa," masiglang sagot ni Gretel. Natuwa naman si Bernard. Hinawakan ang kamay ni Gretel.
"Mag-iingat ka sa pupuntahan mo mamaya. Tandaan mong palagi kitang iniisip. Ikaw lamang ang nasa puso ko. Mahal na mahal kita, Mahal," buong pagmamahal na saad ni Bernard. Bigla ang pangingilid ang luha ni Gretel sa kanyang mga mata. Palihim na pinalis niya ang luhang umalpas sa kanyang mata.
"Puwede naman tayong magkita mamayang gabi, Mahal ko. Iyon e, kung gusto mo? Kung papayag ka. Puwede ba akong pumunta sa bahay niyo?" dire-diretsong mga sinabi ni Gretel.
Hindi agad nakaimik si Bernard. "Sure ka ba d'yan, Mahal?" tanong niya kay Gretel. Napatango-tango ng ulo si Gretel. At napakagat labi. Kinabig ng yakap ni Bernard si Gretel. "Salamat, Mahal," usal ni Bernard sa tenga ni Gretel. Iniyalap naman ni Gretel ang mga braso kay Bernard.
Nang maramdaman ni Bernard ang mga braso ni Gretel ay bigla itong kumawala sa yakap ni Gretel. Dahil sa biglang nag-init ang kanyang katawan. Napaatras ng kaunti ang binata para mapalayo ang katawan sa katawan ng nobya. Naguguluhang tumingin si Gretel kay Bernard.
"Bakit?"
"Gusto kitang igalang. Hangga't maari ayokong lumagpas sa limitasyon ko sayo. Mahal kita. Kaya hindi ko kayang gawin ang hindi pa dapat ginagawa ng tulad nating mga bata pa. Maghihintay ako. Hanggang sa araw na maging akin ka na talaga sa araw ng ating kasal," sinserong sagot ni Bernard. Tumalon ang puso ni Gretel sa mga narinig. Ilang beses na ba siyang tila inililipad sa mga nakakakiliting pagpapakilig sa kanya ni Bernard?
Hindi siya nagkamali na minahal niya si Bernard.
"I'm dreaming of you, my love. To be my husband someday. Until in our last breath, only you," usal ni Gretel sa isip. Ngunit biglang nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala si Rafael. Ikakasal na siya kay Rafael.
"I'm the who will say thank you. Maswerte ako na iginagalang mo ang p********e ko," nakabawing usal ni Gretel kay Bernard. "Lalabas ako mamayang gabi. Mga alas nuebe ng gabi. Hintayin mo ako. Kakatok na lang ako sa pinto ng bahay niyo," bilin pa ni Gretel. Saka tiningnan ang relo sa kanyang wrist. "Kita na lang tayo, Mahal. I love you," walang alinlangan na nabigkas na ni Gretel nang buo.
"Okay, Mahal. Hihintayin kita. I love you too," umaapaw ang saya sa puso ni Bernard na tumugon sa sinabi ni Gretel. Nilapitan niya ito at buong pagsuyong muling hinalikan sa noo ang dalaga.
Pagkatapos ay tumakbo na si Gretel. Masayang masaya. Walang kapantay na kasayahan. Parati na yatang mamumula ang pisngi niya sa mga pagpapakilig ni Bernard sa kanya.
Natigilan si Gretel nang makapasok sa loob ng kanilang bahay. Nabugaran niya si Rafael. Prenteng nakaupo sa sopa. Halatang naghihintay sa kanya.
"Anong oras na? Kanina pa ako naghihintay sayo," tanong ni Rafael sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"Maaga pa naman. Ang usapan, ala una pa tayo aalis," walang prenong sagot ni Gretel. "Ikaw, bakit ang aga mo dito?"
"Masama bang puntahan ko ang fiance ko? Anytime that I want to see you. Pupunta ako sa bahay niyo. Kahit pa ayaw mo," may panunuyang sagot ni Rafael sa kanya.
Inis na tinignan ni Gretel si Rafael. Wala siyang mahanap na isasagot. Dahil may karapatan ito sa kanya.
"Wait for me here. Magpapalit lang ako ng damit ko. Galing akong nagsimba," hindi na niya hinintay na sumagot ang binata sa kanya. At mabilis na umakyat ng hagdan para pumunta ng kuwarto niya. Nang makapag palit siya ng damit. Makaalis ba sila para mabilis lang silang makakauwi ng bahay.
Pagkadating sa kuwarto niya ay isinarado niya ang pinto ng kuwarto niya. Agad siyang pumunta sa closet niya at naghanap ng damit. Agad niyang inilabas ang napili niyang damit. Saka pumunta sa banyo niya para mag-haft bath.
Nakapagbihis na si Gretel. Kampante siyang naglalagay ng light make up sa mukha niya. Hindi namalayan ni Gretel ang pagpasok ng isang anino sa loob ng kuwarto niya. Isang panganib ang nagbabadya para sa walang kamalay malay na si Gretel.