Chapter 5

1781 Words
NAHINTAKUTAN si Gretel nang mapansin sa salamin na nasa likuran na niya si Rafael. Parang demonyong nakangisi itong nakatingin sa kanya. Tumayo agad si Gretel. "Anong ginagawa mo dito sa loob ng kuwarto ko, Rafael?!" nanghihilakbot na siya sa takot. "Am I not allowed to enter inside your room? Besides, I'm your fiance. Magiging asawa mo na ako in few months," umupo pa si Rafael sa dulo ng kama ni Gretel. Mabilis na lumayo si Gretel. "Yes, you are my fiance! But you're not allowed to enter my room. Hindi pa kita asawa. Magkakaroon ka lang ng karapatan sa akin. Kapag nakasal na tayo!" pilit na pinapatapang niya ang anyo sa harap ni Rafael. Mahinang tumawa si Rafael at tumayo. "Iyon na nga. I am your soon to be you husband. I have all the rights in your room and in you!" nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Gusto ko lang naman makita ang kuwarto mo, Gretel. Masama ba iyon?" "Yes. Masama! Kaya lumabas ka na!" taboy ni Gretel. Tumayo si Rafael. Nanlaki ang mga mata ni Gretel nang humakbang ito palapit sa kanya. "Huwag kang lalapit," babala niya kay Rafael. Hindi ito nakinig at patuloy lang sa paglapit sa kanya. Mabilis na pumasok ng banyo si Gretel at inilock ang pinto. Sumandal siya sa pintuan. Humawak sa dibdib sa sobrang kaba at takot. Panay ang katok at tawag ni Rafael sa kanya. Hindi niya iyon pinakinggan at nanatiling nakasandal sa pintuan. Ilang minuto na nagkulong si Gretel sa loob ng banyo. Ramdam niya ang takot sa kanyang buong katawan. Hindi niya alam ang gagawin. Lalo pa at wala ang Mommy at Daddy niya sa bahay para ipaalam ang ginawang kabastusan ni Rafael sa kanya. Itinapat niya ang tenga sa pinto. Pinakiramdaman ang loob ng kanyang kuwarto. Paano kung lumabas siya sa banyo at andoon pa din sa kuwarto niya si Rafael? Saan siya at kanino siya puwedeng humingi ng tulong? "Bernard," nanginginig ang boses na usal ni Gretel. Walang ibang nasa isip si Gretel kundj si Bernard. Sana ay kasama niya si Bernard para ipagtanggol siya. Napaiyak na siya lalo sa mga isiping iyon. Pakiramdam ni Gretel ang haba na nang oras na nasa loob siya ng banyo. Sa hula niya baka nakalabas na ng kuwarto niya si Rafael. Kahit kabado ay lakas loob niyang binuksan ang pinto. Maliit na siwang na tama lang para masilip niya si Rafael. Tahimik ang buong paligid. Ni kaloskos ay wala siyang naririnig. Marahan at maingat na lumabas siya ng banyo. Wala na si Rafael. Napahawak si Gretel sa kanyang dibdib. Nabunutan siya nang tinik. Mabilis siyang lumabas nang kuwarto niya. Pagkababa sa sala ay walang tao. Palabas na siya nang bahay nang may tumawag sa kanya. "Gretel!" nilingon niya ang boses. Nanlaki ang mga mata ni Gretel. "M-Mommy?" naluluhang sambit ni Gretel. Tumakbo siya palapit sa Mommy niya. At niyakap ang ina. Nagtataka naman si Grace. "What happened, Gretel?" iniharap ni Grace ang anak sa kanya. "Mom, si Rafael po?" nanginginig ang boses na tanong niya. "He left. Kanina ka pa niya hinihintay. Ang akala ko wala ka. Kaya ang sabi ko tatawagan na lang kita. Where have you been, Gretel?" "Nasa kuwarto ko lang po ako. Sa loob po ng banyo ko. Mommy, pumasok po si Rafael sa kuwarto ko. Takot na takot po ako. Gusto niya po akong hawakan," sumbong ni Gretel. Tumulo na ang luha sa mata niya. "What? Si Rafael? Bakit naman niya gagawin iyon sayo? He know that you are his fiancee." "Mom, ayoko pong magpakasal kay Rafael. Please, Mommy. Huwag niyo po akong ipakasal sa kanya," pakiusap na untag ni Gretel. "Gretel, hindi puwede. Sa ayaw at sa gusto mo. Ikakasal kayo ni Rafael," may diing sabi ni Grace. Nagbagsakan ang mga luha ni Gretel. Hindi niya gustong magpakasal kay Rafael. Alam niyang masama ito. Hindi niya mapapagkatiwalaan ang lalaking iyon. "Please! Masama po siya, Mommy. Hindi niyo alam kanina halos gusto niya akong pagsamantalahan. He told me that he is soon to be my husband. So, it's okay if we do it. I don't know if I can trust him. Baka maging miserable lang ang buhay ko sa kanya!" sumbong ni Gretel. "What are you saying? Gretel, mabuting lalaki si Rafael. Nakita ko ang paglaki niya. Ang pamilya nila. Kilalang-kilala ko, pati ng Daddy mo. Kahit ang Daddy mo gusto si Rafael for you. We are doing this for your own good," sabi ni Grace at ikinulong ang mukhang anak ng kanyang kamay. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ng anak. Tinanggal ni Gretel ang kamay ng Mommy niya. "Not mine, Mommy. Kayo ni Daddy ang makikinabang sa pagpapakasal ko kay Rafael. Dahil sa negosyo niyo! Gusto niyo ng maraming-maraming pera. Kayo ni Daddy. Even selling your own daughter's life. For the sake of your wealth!" Napatiim bagang si Grace. "That's not true! Gusto lang namin ng Daddy mo ang ikabubuti mo. Kesa, mapunta ka sa lalaking mahirap, walang pinag-aralan at walang maipagmamalaki sayo!" asik ni Grace sa anak. Magulang siya. Iisipin nila ang kapakanan ni Gretel. "Hindi naman po ako namimili nang mamahalin. Okay lang kahit na mahirap siya. Hindi siya nakatuntong sa magandang eskwelahan. Kahit pa wala siya nang lahat nang meron tayo. I don't care! Gusto ko iyong mamahalin ako ng totoo. Iyong hindi ako itatrato na isang bagay. Dekorasyon sa bahay. Magsisikap kami, Mommy. Para maabot iyong mga bagay na mahirap naming abutin. Magkasama kami. Nagmamahalan. Please, ayokong makasal kay Rafael. Hindi ko mahal si Rafael." Madilim ang anyo na hinawakan ni Grace ang anak sa braso. Hinatak niya ito paakyat sa hagdan. "Mommy, nasasaktan po ako," daing ni Gretel. Tuloy pa din sa paghatak si Grace sa anak. Saka hinila papasok sa loob ng kuwarto ni Gretel. Pagkapasok sa loob ng kuwarto ni Gretel ay itinulak ni Grace ang anak sa kama nito. Pinahid ni Gretel ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Dito ka sa kuwarto mo! Hindi ka lalabas. Hangga't hindi ko sinasabi! Wala nang makakapag pabago ng desisyon namin ng Daddy mo. You will marry Rafael, Gretel. Kami ang masusunod at hindi ikaw!" pagkasabi ni Grace niyon at lumabas siya nang kuwarto. Malakas na isinara ang pinto. Napapikit si Gretel nang kanyang mga mata. Padapang humiga sa kanyang kama at doon umiyak nang umiyak. "MA, paki tikman naman po itong niluluto kong adobong manok para kay Gretel," sabi ni Bernard. Lumalapit naman si Gida sa anak. Kaya pala sobrang saya ng anak niya. Bibisita ang nobya nito sa bahay. Masaya siya para sa anak. Hindi lamang nawawala ang takot niya. Mayaman si Gretel. At mahirap lang sila. Sabi nga nila, ang mahirap ay para sa mahirap. At ang mayaman ay para sa mayaman lamang. Ayaw niyang masaktan ang anak dahil lang sa umibig ito sa isang mayaman. Tinikman ni Gida ang sabaw nang adobo na niluluto ni Bernard. "Hmm. Masarap, Anak. Marunong ka nang magluto. Tiyak na mabubusog si Gretel sa mga inihanda mong pagkain." "Hindi ko nga po alam kung magugustuhan ito lahat ni Gretel. 'Di po siya sanay sa mga ganito. Masaya lang po ako na ang inaasam ko na babae sa buong buhay ko ay nasa akin na. Wala po akong ibang gagawin kundi ang mahalin at pasayahin siya sa abot nang aking makakaya." Napangiti si Gida. Napakaswerte ni Gretel sa anak niya. Isang mabait, mabuting tao at tiyak na hindi niya pagsisihan na minahal siya ni Bernard. "Marunong na talagang magmahal ang anak ko. Sana lang ay tama na si Gretel ang minahal mo, Bernard. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak at tanging kasama ko sa buhay. Ayokong makita kang nasasaktan. Kasi masasaktan din ako. Baka hindi ko kayanin. Pero, tatandaan mong mahal kita," hindi na namalayan ni Gida na buhos na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Ma, masyado naman pong madrama. Dapat po masaya lang. Huwag niyo pong isipin ang hindi pa nangyayari. Mahal po ako ni Gretel. Kung masaktan man ako. Kasama po iyon sa buhay, ang masaktan," pinunasan ni Bernard ang mga luha ng ina sa mata nito. "Sige na. Ihahanda ko ang lamesa. Kung luto na 'yan. Ihain mo na para mailagay na sa lamesa. Pagdating ni Gretel kapag nakita ang mga inihanda mo. Tiyak na matutuwa iyon. Naghanda ka para sa kanya," magiliw na sabi ni Gida. "Salamat po sa pagtuturo na magluto nang adobo," nangingiting untag ni Bernard sa ina. Gumanti din nang ngiti si Gida sa anak. Saka tumalikod kay Bernard. Naiwan si Bernard. Ganado at inspirado. Dahil kay Gretel may kulay ang mundo niya ngayon. Si Gretel ang kanyang dahilan nang pagkakaroon ng direksiyon ang buhay niya. Ang kanyang unang pag-ibig. Magiging huli na din para sa kanya. Sana nga lang ganoon din si Gretel sa kanya. Sumapit ang oras. Alas nuebe ang usapan nilang magkikita ni Gretel. "Ma, okay na po ba ang suot ko? Hindi po ba masyadong matingkad ang kulay ng t-shirt ko?" mga tanong ni Bernard sa ina. Habang paikot ikot sa harap nang salamin. Sinusuklay na din ang buhok niya. "Binatang binata na nga, e. Ang guwapo pa. Alam mo bang ganyan-ganyan ang Papa nuon. Kasing tangkad mo at kasing kisig mo," parang napuwing si Gida nang maalala ang dating asawa. Palihim na pinalis ang luha sa mata niya. Natigilan si Bernard na nabanggit ng Mama niya ang kanyang Papa. Hindi niya iyon kailan man narinig sa ina nuon. Hindi naman siya namimilit na magkuwento ang ina tungkol sa kanyang tunay na ama. Napaharap si Bernard sa ina. "Ma, kamukha ko po ba si Papa?" tanong niya. "Kamukhang-kamukha mo, Anak. Sa Papa mo nakuha ang gandang lalaki mo. Nakita mo naman ang Mama mo. Hindi kasing ganda ni Gretel." "Ma, maganda po kayo. Ikaw po ang unang pinakamaganda sa akin. Sumunod lang po sa inyo si Gretel." "Bola. Siyempre Mama mo ako. Kaya ako ang una," tugon ni Gida sa anak. Umiling ng ulo si Bernard. "Hindi po Mama. Kayo po ang una sa puso ko. Kayo lng po ang nangunguna. Wala ako kung hindi dahil sa inyo. At kaya ako nabuhay ay dahil sa inyo." Naluha si Gida nang marinig iyon mula sa anak. "Huwag mo na akong paiyakin, Anak. Ikaw din ang buhay ko. Pinagpapasalamat ko sa Diyos na ibinigay ka niya sa akin. Ikaw lang ang naging tama sa buhay ko. Hayaan mo. Ipakikilala ko na ang Papa mo." Nanlaki ang mga mata ni Bernard. "Ma, totoo po ba? Buhay pa po si Papa?" mga tanong niya sa ina. Tumango ng ulo si Gida. Niyakap ni Bernard ang ina. Tuwang tuwa siya na marinig na buhay pa ang Papa niya. Makukompleto na ang buhay niya. Sa oras na makilala niya ang kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD