Chapter 6

1569 Words
HINDI mapakali si Gretel. Kanina pa siya palakad-lakad at pabalik-balik. Hanggang ngayon wala pa din siyang maisip na paraan makaalis. At mapuntahan si Bernard sa bahay nito. Alas otso na nang gabi. May iIsang oras pa siya. Tiyak na maghihintay si Bernard sa kanya. 'Pag hindi siya nakalabas. "Think, Gretel. Kailangan mong makaisip nang plano para makatakas ngayong gabi," mahinang usal ni Gretel. Habang palakad lakad. Nagliwanag ang mukha niya sa pumasok sa isip niya. Maghahanda na siya para umalis. Naligo siya muna. Pagkatapos ay isinuot ang kanyang sleveless na dress. Hanggang tuhod niya ito at kulay puti. Naglagay ng light make up. Hindi siya mahilig maglagay ng makapal na make. Madalas nga wala siyang make up sa mukha. Ngayon gabi pupunta siya sa bahay ng nobyo. Kaya kailangan niyang magpaganda. Tapos na ang huling retouch niya sa kanyang mukha. Inilugay lang ang mahabang buhok. Napangiti siya sa kinakabasan ng itsura niya. Hindi na halata ang namamaga niyang mga mata. Walang bakas ng kanyang mga pag-iyak kanina. Pinihit ni Gretel ang pintuan. Inilock niya ang pintuan at dahan dahan na bumaba nang hagdanan. Palabas na siya nang bahay nang may tumikhim sa kanyang likuran. Nilingon niya iyon. "Daddy?" "Saan ang punta mo, Gretel?" bungad na tanong ni Orly sa anak. Hawak ni Gretel ang kanyang kamay. Pinipigilan ang kanyang pagkabalisa. At takot na mahuli siya nang ama na papunta siya kina Bernard. "Ah, Dad. Pupuntahan ko lang po ang classmate ko may nakalimutan po akong notes sa kanya," pagsisinungaling na sagot niya. Nakahinga nang maluwag si Gretel nang hindi siya nautal. "Ganyan ang suot mo? Bakit hindi mo na lang tawagan? Tapos ipahatid dito sa bahay." "May itatanong pa po ako sa kanya. Payagan niyo na po akong umalis? Please, Daddy," nagpapaawa na pakiusap ni Gretel sa ama. Titinitigan ni Orly ang anak. Inaarok kung totoo bang sa kaklase lang pupunta ito. Pinag iisipan kung papayagan ba niya ang anak anak na lumabas ng bahay. "Alright. Just go home on time. Huwag kang magpapagabi masyado, Gretel. Baka mapansin nang Mommy mo na wala ka sa bahay. Pareho tayong mananagot sa Mommy mo." Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Gretel ang ama. "Thanks, Dad," hinaplos ng Daddy niya ang buhok niya at tumango ng ulo. "Go. Umuwi ka nang ligtas," bilin pang sabi ni Orly sa anak. Ngumiti nang malawak si Gretel sa ama. At tumango ng ulo. Tumalimang umalis si Gretel palabas sa bahay nila. Nakatanaw si Orly sa papaalis na anak. Hindi niya gustong nakikitang nakakulong ang anak sa loob ng kuwarto niya. Ilang buwan na lamang at ikakasal na ito kay Rafael. Malalayo na ang anak niya sa kanya. At gusto niyang ibigay ang mga bagay na gusto nito. Kahit alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya. Hindi niya sinasadya na makita ang anak na kasama ang binatang kapitbahay nila. Napansin na niya ang mga kilos ng anak at nang binata. Hindi niya maitatanggi na may namumuong relasyon ang dalawa. Hahayaan niyang maging masaya ang anak sa piling ng totoong minamahal nito. Kahit sa sandaling panahon lamang. Nagmasid si Gretel sa paligid. Tahimik na ang gabi. Sabik niyang tinawid ang daan papunta sa bahay nina Bernard. Maigi na lang at hindi natuloy ang pagpunta nang mga Villanueva sa bahay nila. Abot-abot ang saya sa puso niyang makakasama niya si Bernard sa ngayong gabi. May takot man sa puso niya. Isasantabi niya iyon. Maging masaya lamang silang dalawa ni Bernard na magkasama. Nagpalinga-linga muna si Gretel bago kumatok. Kumatok siya nang tatlong beses. Ilang minuto ay narinig niya ang pagpihit nang pintuan. Nakita niya kaagad si Bernard. "Mahal," masayang turan ni Bernard nang makita si Gretel. Hinawakan kaagad niya ang kamay ng dalaga. "Akala ko hindi ka na dadating. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong gabi." Ngumiti si Gretel kay Bernard. Ngiting umabot sa kanyang mga mata. "Halika na, Mahal. Pasok ka," paanyaya ni Bernard sa kanya. Hawak pa rin ni Bernard ang kamay ni Gretel na iginiya niya papasok ng bahay ang dalaga. Pinaupo niya si Gretel. Inilinga ni Gretel ang mga mata sa buong kabahayan nina Bernard. Malinis at nasa ayos ang mga gamit. Hindi man ganoon kamahal ang mga gamit nila sa loob ng bahay ay maganda nang at kaaya-ayang tignan. Okay na si Gretel sa ganito. Simple lang ang bahay. Punong-puno naman ng pagmamahal. Magaan sa pakiramdam. Mabilis na tumayo si Gretel nang makita sina Bernard at ang Mama nito. Matiim na tumingin siya sa dalawang taong papalapit sa kanya. "Mama, si Gretel po ang nobya ko," napatingin ang dalaga sa Mama ni Bernard. "Magandang gabi po. Kumusta po?" lumapit pa siya sa Mama ni Bernard. At nagmano. Biglang napatingin si Gida sa anak. Nagmamayabang na ngumiti si Bernard sa ina. Natatawang siniko naman ni Gida ang anak. "Magandang gabi naman sayo, Hija. Maiwan ko na kayo. Natutuwa akong makilala ka, Gretel," nilingon ni Gida ang anak na si Bernard. "Ikaw na ang bahala dito kay Gretel. Ako ay magpapahinga na," paalam ni Gida. Saka muling tumingin kay Gretel. Tango naman ang sagot ni Gretel sa Mama ni Bernard. Umalis na si Gida at naiwan sina Bernard at Gretel sa sala. Agad na nilapitan ni Bernard si Gretel. Nahihiyang inilagay ang braso sa balikat ng dalaga. Tinignan ni Gretel ang kamay ni Bernard na nasa balikat niya. Saka muling tumingin sa mukha ni Bernard. "Tayo na sa kusina. Ipinagluto kita," masuyong sabi ni Bernard. "Talaga? Nagluto ka para sa akin?" "Oo. Sana nga magustuhan mo. Hindi kasi ako marunong magluto," napapakamot sa ulo na amin ni Bernard. Inilapat ni Gretel ang kamay niya sa dibdib ni Bernard. "It's a thought that counts nga daw. Sigurado akong magugustuhan ko ang niluto mo for me. Dahil, kahit ano pa ang ihain mo sa akin. Tatanggapin ko ng buong puso." Ang sarap sa tenga ni Bernard sa narinig mula sa bibig ni Gretel. Tumaba ang puso niya. At napahawak sa kamay ni Gretel na nasa dibdib niya. Tapos ay Iniharap niya sa kanya ang dalaga at dinampian ng halik sa noo. Nawala ang lahat ng pagod niya sa mga ginawang pag-prepara nang espesyal na niluto niya para kay Gretel. Ginanap ni Bernard ang kamay ni Gretel at hinila ang dalaga papunta sa kusina. Pagkadating sa kusina ay ipinaghila ni Bernard si Gretel nang upuan. Saka umupo si Gretel. "Salamat," sabi ni Gretel at matamis na ngumiti kay Bernard. Kumuha si Bernard nang plato. Inilagay sa harap ni Gretel. Saka nilagyan ng kanin at sinandukan niya ng adobong manok. Pinagmamasdan naman ni Gretel ang pag-aasikasong ginagawa ni Bernard sa kanya. "Oppss. May nakalimutan ako," anito. "Huh? Ano naman iyon?" nagtatakang tanong ni Gretel. "Sandali. Kukunin ko lang," ang naging sagot ni Bernard kay Gretel. Nagmamadaling umalis naman si Bernard at hinahabol nang tingin ni Gretel ang nobyo. Maya-maya pa ay lumalapit si Bernard sa kanya. "Oh, nasaan na 'yong nakalimutan mo?" Mula sa likuran ni Bernard ay ibinigay niya ang bungkos ng santan kay Gretel. Nangislap ang mga mata ni Gretel nang makita ang bungkos ng santan. Ilang araw na din na hindi nagbibigay sa kanya ng bulaklak si Bernard. "Para sa pinakamagandang Binibini, na aking sinisinta," malalim na salitang sabi ni Bernard. Agad na kinuha ni Gretel ang bulaklak. Saka tumayo at niyakap nang mahigpit si Bernard. "Thank you for this. You don't know how happy I am," usal ni Gretel sa punong tenga nang binata. Kumawala si Bernard sa yakap ni Gretel. "Talaga? Masayang-masaya ka ngayon?" mga tanong niya. Walang hinto na tumango ng ulo si Gretel. "Ako din. Sobrang masaya. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang matagal ko nang pangarap. Alam mo ba kung ano iyon?" muling tanong ni Bernard kay Gretel. "Ito! Ngayon na kasama kita. Malayang natitigan ang mukha, nahahawakan ang kamay, nayayakap. At nahahalikan sa noo. Kontento ako na kasama kita. Ikaw ang pangarap ko noon pa. Gagawin ko ang lahat para patunayan ang sarili ko sayo at sa magulang mo. Pasasayahin kita at ikaw lang ang mamahalin. Mahal na mahal kita, Mahal ko," Bernard snobs. Taas baba ang balikat dahil sa pag-iyak. Saka napayuko nang ulo at napatakip ng kanyang mga mata. "Akala ko ba masaya ka? Bakit ka umiiyak?" hinawakan ni Gretel ang pisngi ni Bernard. Pinalis ang mga luha sa mga mata ni Bernard. "I love you, too so much. Mahal na mahal din kita. Kahit ano pang lengguahe ang sambitin ko para sabihing mahal kita. Nasa puso ko ang ibig sabihin ng mga salita na iyon. Ganoon kita kamahal. Patawarin mo ako kung nagkunwari ako sayo at grabe ang mga pagtataray ko sayo nuon. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na mayroon ka nang puwang sa puso ko. Nuon pa. Masyado kang mabait. Sobrang guwapo pa. Kaya siguro nahulog ako ng tuluyan sayo. Kaya siguro minahal kita ngayon ng sobra," napaiyak na din si Gretel. Inamin na niyang lahat kay Bernard. Ang mga pagsusungit niya at pagtataboy sa kanya ay parte ng pagsisinungaling niya sa sarili niya. Tanggap na niya sa sarili niya at sa puso niyang mahal niya si Bernard. Siya lamang ang mamahalin niya sa puso niya. Kahit pa dumating ang araw na ikasal sila ni Rafael. Kinulong ni Bernard ng kanyang mga kamay ang mukha ni Gretel. Unti-unting inilapat ang labi niya sa labi ni Gretel. Napapikit si Gretel ng kanyang mga mata nang maramdaman ang labi ni Bernard sa kanya. Unang halik. Ang matamis nang unang halik na nag-uumapaw sa pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD