Sandoval's lovelife Episode 10

1213 Words
NAPANGIWI si Sandoval ng makita ang mga nag iinuman sa skinita sa lugar ni Aby. Dikit dikit ang mga kabahayan at sa labasan madami ang tambay. " Wag ka matakot mababait ang mga ‘yan." untag ni Aby ng makita ang pag iba ng kanyang hitsura. Sumunod siya rito naglakad. Ng humarang ang isang lalaki na parang lasing. " Aby, ang gwapo naman ‘yang nabingwit mo at amoy mayaman." anang lakaki na lasing. " Mang Doming, balato muna to sa akin." Nakangiting tugon ni Aby at hinawakan siya nito sa kamay. Nadatnan nila ang lola nitong inatake sa hika ng marating nila ang bahay ni Aby. " Ate, wala na pong gamot si Lola." bungad sa kanya ng kapatid. Napakamot sa ulo si Aby. Tuliro itong nag iisip saan kukuha ng pera pambili. “ Letsing buhay to.” naibulalas ni Aby. “ Aby, it just a bad day.” aniya rito Kinuha niya ang pitaka mula sa kanyang bulsa at kumuha ng pera" Aby makakatulong to sa inyo."sabay abot niya ng pera. Hindi niya alam kung bakit bigla na habag ang puso niya para rito. Siguro sa kanyang nasaksihan kanina at ngayon inatake ang lola nito na wala pang nauwi pera si Aby dahil sa nagkalat ang paninda nito sa daan. " Naku Sandoval nakakahiya naman sayo. Wala akong pambayad." " Wag kana mahiya kailangan mo iyan bilhan mo ng gamot ang lola mo." pilit niya kay Aby. Maluha luhang tinanggap nito ang pera " Babayaran kita Sandoval." sabi nito " Saka mo nalang ako bayaran pagnaka luwag luwag kana." aniya rito " Bueno uuwi na ako." Pagpaalam niya rito. Walang humpay ang pag papasalamat ni Aby sa kanya ng maihatid siya nito sa labasan. Magaan ang kanyang pakiramdam na nakakatulong siya sa kanyang kapwa. Sa kalagayan ni Aby na ngangailangan din ito ng tulong. NAABUTAN niya ang kanyang ama sa sala katabi nito ang kanyang ina ng makauwi siya galing kina Aby. “ Morning ma, morning dad.” sabay halik sa noo ng ina. Tumayo ang kanyang ama at naka pamaywang ito hinarap siya. Makita sa mukha nito ang galit. “ Sandoval, ano itong narinig ko mula kay Melvin?” Bungad sa kanya ng ama. Natigilan siya sa kanyang narinig. Sinabi nanga ng tismoso nayon ang tungkol sa kanya. “ Are you a gay?” Deretsahan nitong tanong. Matagal bago siya sumagot. Nag isip siya kung aaminin naba niya rito ang totoo. Pero pagud na siya itago ang tunay niyang pagkatao mula sa kanyang pamilya. “ Answer me are you a gay?!” sigaw nito ng matahimik siya. “ Yes! I am gay, and I’m proud of it.” Matapang niyang sagot sa ama. “ You’re so embarrassing!” Akma siyang suntukin nito. “ Enough! Alejandro.” Awat ng kanyang ina sa ama. “ I can’t believed this! I’m so dissapointed of you!” Sabay duro nito sa kanya. Ayaw man niyang sagutin ang ama pero ito na ang panahon ipaalam dito ang nararamdaman niya. “ Bakit dad? dahil ba sa bakla ako? Ni minsan dad tinanong mo ba ako kung ano ang gusto ko? Boung buhay ko dad nakakulong ako sa tunay kung pagkatao dahil sinunod ko ang mga gusto mo. Na e-angat ko ang companya natin dahil sa gusto mo. Natuwa kayo,but how about me? Lagi mong sinasabi I’m a succesfulman. Paano ako magiging succesful dad, kung nakakulong ako sa takot, paano ko masasabi succesful ako kung nakatago ako sa katauhan ito na hindi ko ginusto.” inilapat niya ang kanyang palad sa kanyang dibdib. “ Pinilit kong maging lalaki para saiyo dad. Tinago ko at nagtiis ako sa pagbabalat kayo sa tuwing kaharap kita at ng mga kaibigan mo. Paano mo masabi succesful ako?” sinalubong niya ang nagdilim ng paningin ng kanyang ama. “ Lagi mong sinasabi sa akin, Sandoval kailangan magka anak kana para naman dumami ang apelyedo natin.” Naiiyak niyang sabi rito. “ Dahil ikaw lang ang inasahan ko maka pagbigay sa akin n’on tarantado ka.” Gigil nitong singhal sa kanya. “ Ano nalang ang sasabihin ng mga kumpadre ko, ang nagiisa kung anak na lalaki ay isa palang bakla!” tumaas ang boses nito sa subrang galit sa kanya. “ Kabawasan ba ‘yon sa pagkatao mo dad ang tanggapin mo ako bilang bakla?” naiiyang tanong. “ Kayo ang pamilya ko, kayo dapat ang unang tumanggap sa akin bilang ako. Kayo dapat ang unang nakaalam sa pagkatao ko.” Hindi niya mapigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. Napa kuyom ng kamao ang kanyang ama. At pinukol siya nito ng matalim na tingin.” Hindi kita matatanggap. Wala akong anak na bakla. Kaya lumayas ka rito ngayon din!” Akma siya nitong sugurin ngunit mabilis yumakap ang kanyang ina rito. Laglag ang kanyang mga balikat na pumanhik sa hagdanan. Dinudurog ang kanyang puso sa mga sinasabi ng ama. Ito ang dapat makaunawa sa kanya pero kung tratuhin siya nito para siyang ibang tao. Kinuha niya ang kanyang mga gamit. Isa isa niyang nilagay sa kanyang maleta. “ Anak,” untag sa kanyang ina ng sundan siya nito sa kwarto. “ I’m sorry mom, kung na dissapoint kayo sa akin.” Niyakap siya nito. “ Alam ko noon pa. Ina mo ako bawat galaw mo na kahit dulo ng mga daliri mo alam ko.” Anito sa kanya. Nagulat siya sa narinig. “ Bakit hindi mo sinasabi sa akin na alam mo pala?” aniya rito. “ Dahil hinintay ko na ikaw ang mag sabi sa akin, ayaw kitang pangunahan anak. Pasensiyahan muna ang daddy mo. Sabik lang siyang magkaroon ng apo na lalaki. At ikaw ang inasahan niyang makapag bibigay non. Nag iisa kalang na lalaki. Kaya niya lang nasabi yon dahil sa nagulat siya.” Mahaba nitong paliwanag sa kanya. “ Ma, he already said na dissapointed siya.” pinahid niya ang kanyang mga luha. “ Bunga lang ‘yon ng galit niya anak. Hayaan mo magiging okay din yon kapag mahimasmasan ‘yon sa galit. tumawa siya ng mapakla. “ Wag muna ipagtanggol ma. Puro naman pangalan natin at ang negosyo ang mahalaga sa kanya.” Binitbit niya ang kanyang bag. Palabas na siya ng pinto ng tawagin siya ng kanyang ina. “ Anak, andito lang ako palagi kapagkailangan mo ako.” Lumapit siya rito at hinalikan niya ito sa noo. “ Bye mom I love you ma.” Saka tuluyan na siyang lumabas sa kanyang silid. Natanawan niya ang ama mula sa hagdanan. Nakatayo sa may bintana ng sala hawak-hawak nito ang baso na may lamang whisky. “ Wag kanang bumalik rito. Nakakahiya ka.” Anito sa kanya ng makita siyang pababa ng hagdanan. “ Im sorry dad kung na dissapoint ko kayo. Sorry kung bakla ako. Kung pwedi lang sana maturuan ko ang puso ko dad gagawin ko. Tulad ng pagsunod ko sa gusto mo.” Maluha luha siyang nakaharap rito. Matalim itong tumingin sa kanya. “ Get out!” Sigaw nito sabay turo sa pinto. Mabigat ang mga paa humakbang palabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD