Naiwan siyang nakatihaya sa kama panay haplos niya sa labi nadampian ng halik mula sa binata si Jolo “ Na comatose na ata ako.” hiyaw ng kanyang ka looban.
“ Kung panaginip man ito wag niyo na po akong gisingin.” Titig na titig siya sa bubong na walang patid ang kanyang ngiti.
“ Sandoval” pukaw sa kanya ni Jolo
Abot taenga ang kanyang ngiti ng tawagin siya nito. Nakatayo ito sa maypinto ng lingunin niya.
“ Papa Jols? isa paba?” Nakangiti niyang tanong rito.
“ Sira! utang mo yon sa akin uy!” anito nakangiti
“ Gusto mo dagdagan pa natin ang utang mo?” natatawa niyang tukso sa binata
“ Luko kang bakla ka, wala akong utang sayo, ikaw may utang sa akin.” Balik nito sa kanya “ Anyway aalis pala ako may pupuntahan ako.” paalam nito.
Napatayo siyang bigla sa sinabi nito “ Saan ka pupunta? sa babae mo? Anong oras ka babalik? madaling araw? tapos sasabihin mo, nagka tuwaan lang kayo, nalasing kayo kaya nagawa niyo ang bagay na iyon tapus sasabihin mo, nakalimot kayo?” Aniya sabay hawak sa kanyang dibdib.
Napa kunot si Jolo sa kanyang mga pinagsasabi.
“ Habang ako rito mag aantay saiyo kung kailan mo ako babalikan? Hindi ako papayag na lolokuhin mo lang ako.” Pag papatuloy niya sa pag e-emote.
“ Feeling nito oh, asawa ko.” Putol nito sa kanyang pag da-drama, sabay tulak nito sa kanyang mukha.
“ Practice lang naman malay mo magka totoo.” sabi niya sabay ipit ng kanyang buhok sa likod ng kanyang taenga
“ Lukarit talaga tong bakla nato. “ ani Jolo saka tumalikod sa kanya.
“ Papa Jols, please wag mo akong iwan. Bigyan mo pa ako ng chance pag usapan natin to please.” sabi niya sa maarte na boses.
huminto si Jolo sa paglakad at nilingon siya nito.” Patingin kana sa doctor grave na iyang tama mong bakla ka.”
“ Oo malaki ang tama mo sa puso ko.”
Tinawanan lang siya ni Jolo. Nilapitan nito si Christoper. “ Aalis muna ako, kayo na muna ni tita rito.” Anito sabay halik sa noo ni Christoper at nagtuloy naglalakad palabas ng bahay.
“ Ako ba, walang halik? Pagkatapos ko ma iluwal ang anak natin ganon ganon nalang iyon? Napa ka sama mong asawa.”sabi niya rito nakaharap sa pintuan.
Napapa iling si Jolo tinawag ang yaya ng bata. “ Yaya, tumawag ka ng 144 sabihin mo may nababaliw na rito.” Baling nito sa yaya ni Christoper saka iniwan na siya nito ng tuluyan.
“ Loko na iyon, umalis talaga.” aniya umupo sa tabi ng bata.
“ Ano oras na pala bakit hindi kapa natutulog?” baling niya sa bata.
“ Antayin ko pa si mommy at daddy.” Tugon nito.
“ Ay naku! wag mo nang antayin ang mga yon. Matagalan pa siguro yon. Hindi maganda sa bata ang nagpupuyat.” Aniya rito saka inutusan ang yaya patulugin na ito sa kwarto nito.
Humiga siya sa sofa ng maiwan siya mag isa. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang magkaroon ng kanyang sariling pamilya. “ Sana naman bigyan ako ng pansin ni Jolo tapos gagawa kami ng sarili naming pamilya. Mag aampon kami ng bata. Tapos tatawagin ako mommy.” Napangiti siya sa kanyang iniisip.
Hindi na niya namalayan anong oras nakarating ang mag asawa nahimbing siyang natulog sa sofa dulot ng kanyang paniginip na kasama si Jolo.
Nasa dalampasigan sila nag hahabulan. “ Habulin mo ko.” Aniya rito habang nag tatakbo panay habol naman sa kanya si Jolo.
“ Pag mahuli mo ako sayong sayo na ako. Buong buo.” Nakangiti niyang sabi rito.
Sa kakatakbo niya sa panaginip hindi niya na pansin ang hukay at nahulog siya. Napa aray siya sa sakit ng tuluyan siyang nahulog sa sofa.
“ Aray ko!” tili niya at tumayo mula sa sahig “ Huh? dilat na pala si haring araw. Bakit hindi niyo ako ginising?” sabi niya sa katulong nina Aryana ng makita itong dumaan sa harapan niya.
“ Sandy, buti gising kana hali ka kain na tayo.” Aya sa kanya ni Aryana ng makita siya nito.
“ Mamang bakit hindi niyo ako ginising ka gabi pag dating niyo?” Naglakad siya palapit sa kusina.
“ Himbing ka kayang natulog pag dating namin. Sa tantiya ko masarap ang panaginip mo. Nakangiti kapa nakahawak sa labi mo bakla ka. Ano ba ang nangyari kagabi?” naglakad ito palapit sa mesa.
“ Mamang!” tili niya ng maalaala ang nangyari ka gabi. “ hinalikan ako ni papa Jols ka gabi.”
“ Talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ni Aryana.
“ Lasing ba siya kaya ka niya hinalikan?” Sabay hila nito sa upuan.
Napasimangot siya sa sinabi nito. “ Grave naman siya, kailangan paba malasing ang tao para mahalikan ako? Napaka supportive mo sa feelings ko huh!” aniya sa maarte niyang boses.
“ Ito naman hindi na ma biro syempre naman noh, masaya naman ako pag naging kayo na.”anito ngumuya ng tinapay.
Masaya silang nag kwentohan ng kaibigan habang pinagsaluhan ang masarap na almusal.
SIKAT NA ANG araw ngmagpunta si Aby sa city para maglalako ng taho. Kailangan niyang ma ubos ang kanyang paninda malaki pa ang kanyang utang sa puhunan nito at sa pag babalot niya. Duble kayod ang kanyang ginagawa lalo na ubos na ang gamot na pang maintenance ng kanyang lola.
Patawid siya sa kabilang daan ng muntikan siyang ma bundol ng isang kotse.
“ Ano ba?! Tatanga ka naman.” Singhal sa kanya ng may kaedaran na lalaki. Galit itong bumaba sa kotse at hinarap siya nito.
“ Bulag ka ba?” untag nito sa kanya.
Nag pantig ang kanyang taenga sa sinabi nito. “ Ikaw nanga tong may kasalan ikaw pa itong galit.” Singhal niya rito
“ Kung hindi kalang tanga.” Anito sa kanya “Siguro paraan niyo yan para pag na bundol kayo makabayad kami.” pag akusa nito sa kanya.
“ Abay gago ka ah, ang sama ng inisip mo sa akin porket ba mahirap lang ako pag isipan niyo ako ng ganyan? Hoy naghahanap buhay ako ng marangal.” nakipag sukatan siya rito ng tingin.
Sa galit ng lalaki tinulak siya nito. At natumba siya sa kanyang paninda nagkalat ang taho sa daan.
Inis siyang tumayo at muling hinarap ang lalaki.” Bayaran mo iyan.” inis niyang sabi.
“ Bayad my ass!” anito sabay sakay sa sakyan at nag mamadaling umalis.
Napa upo siya sa tabi, nangilid ang kanyang mga luha nakatingin sa kanyang paninda. Inutang pa niya ang pampuhunan niyan ngayon, paano niya ito maibabalik? Napako ang kanyang mga mata sa nagkalat na paninda nanlulumo siya sa nangyayari.
MATAPOS makapag agahan ni Sandoval nag paalam siya ni Aryana umuwi. Sakay ng kanyang sasakyan tinahak niya ang daan papunta sa kanila ng madaanan niya ang pamilyar na babae nakaupo sa isang tabi. Sa harap nito ay ang nagkalat na taho.
Naisipan niyang dedmahin ito ngunit, para bang may nag udyok sa kanyang lapitan ito. Naghanap siya ng mapagparadahan ng kanyang sasakyan.
Bumaba siya ng kotse at tumawid sa kabilang daan para lapitan ang si Aby nakatunganga nakaupo sa isang tabi.
Parang piniga ang kanyang puso ng makita niyang umiiyak na pala ito. Gusto niyang tanungin ano ang nangyari, Pero halata naman sa hitsura ng paninda nito nagkalat.
Umupo siya sa tabi nito. Lumingon ito sa kanya saka muling binalik ang paningin nito sa paninda.
“ Do you want a shoulder to cry on?” Sabay lapit ng kanyang balikat rito.
“ Hindi ko alam saan ako kukuha ng pera pang abuno dito sa paninda ko.” Pumatak ang luha nito.
Hindi niya alam paano ito aluin. Tahimik siyang nakatingin rito.
“ Naghanap buhay ako ng marangal pero bakit may mga taong masama ang ugali at tratuhin kaming mga mahihirap ng ganito.” Paghinagpis ni Aby.
Tumayo siya at kinuha ang natumba nitong pinaglagyan ng taho. “ Sinaktan kaba?” alalang tanong niya rito.
Tumango tango ito.” Pero hindi na iyon mahalaga. Nanghihinayang ako sa natapun kung paninda.” anito sa mahinang boses.
Pinisil niya ito sa balikat.” Sa buhay natin kailangan talaga natin maranasan ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Hindi man natin gugustuhin pero kusa itong dumarating” aniya rito.
“ Halika ihatid kita sa inyo.” alok niya rito.
“ Wag na, maglalakad nalang ako.” Tanggi nito sa alok niya.
“ Aby, wag matigas ang ulo. I insist.” pilit niya sa maarte na boses. Napangiti ito sa kanya at tumayo sabay silang tumawid sa kabilang daan kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.