SABAY silang naglakad ni Santi pabalik sa kanilang sasakyan, ng makuha ang kanilang attention sa isang groupo ng ka babaehan.
" Shoot! Ang gwapo ng dalawa." narinig nilang tili ng isang babae.
" Kunin ko attention nila." anang isa pang babae.
Napangiti silang dalawa ni Santi “ Itong mga to mas malandi pa kaysa sa 'atin." aniya kay Santi.
Hindi nila inalis ang kanilang mata sa groupo ng kababaihan naglakad palapit sa kanila at biglang binundol si Santi sa balikat ng tuluyan itong nakalapit sa kanila.
"Hmmm style mo bulok" pagtataray ni Santi sabay pamaywang nito.
Na bigla ang kababaehan ng ma bosesan si Santi." Bakla ka?" shock ang hitsura ng babaeng nagtatanong hindi maka paniwala sa gandang lalaki bakla pala.
" Pwedi e balik sa'yo ang tanong huh, adik kaba?" ani Santi na iinis.
Mabilis pa sa alas kwatro nawala ang groupo ng kababaihan sa harapan nila. Tanging mga halakhak ng mga ito ang kanilang naririnig habang naglakad ang groupo palayo sa kanila.
" Mga bruhang ‘to, kala nila sila lang ang may alam ng style nayon. Meron din tayo no'n noh!" Sabay irap at nagtuloy sa pag lalakad papunta sa kanilang sasakyan.
Magkalapit na nakaparada ang kanilang sasakyan. Papasok na sana si Santi ng marinig nito ang tugtug na nag mula sa kabilang sasakyan.
Hindi nito na pigil ang sarili kumimbot kimbot na sumasabay sa kanta. “ Modelong Charing”
Napatingin siya rito. " Bakla ano ba iyang pinaggagawa mo."saway niya rito pero tila hindi siya nito narinig na lalo pa nilakasan nito ang boses.
" Ang iniingat-ingatan ko
Ang ugat, lawit at muscle ko na tinatagu-tago ko pa sa twing kami'y mag kasama."
Mayamaya pa natagpuan na niya ang kanyang sarili sumabay kay Santi.
" Bakero! Wat is dat?!" ani Santi na nag boses hapon.
" Just like yours, papa" tugon niya sa bikla na boses. Napa duet silang dalawa
" Sira ang byuti ko
Binawi pa ang lahat bahay, lupat datung
ng nobyo kong hapon.
Kaya ang byuti ko ngayon
nag titinda nalang
ng itlog at talong!" Sabay nilang tili
Hindi nila namalayan ang lalaking lumapit sa kanila. " Sandoval ano ‘yan?"
Biglang siyang namutla ng malingonan ang nag mamay-ari ng boses sa kanyang likuran. Ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.
Hindi niya alam paano siya mag paliwanag rito. Nakalimutan niyang nasa parking lot siya ng hotel, kung saan may pweding makakita sa kanya. " Na dala ako sa kanta mamang." anang isip niya
" Tito Melvin nagka tuwaan lang po kami nitong kaibigan kung bakla." aniya rito na inayos ang kanyang sarili.
" Well, regards mo nalang ako sa dad mo" anito sabay talikod sa kanya.
Sa subrang saya nila ni Santi hindi nila na pansin ang paglapit nito. Wala siyang idea kung naniwala ba ito sa kanya.
" Bahala na!" bulalas niya saka pumasok sa kanyang kotse. Wala na siyang pakialam kung sabihin nito sa ama niya ang nakita nito kanina. " Huli kung huli." sigaw ng kanyang ka looban.
NASA OPISINA siya ng tawagan siya ni Aryana para ipaalala nito ang kanilang napag usapan.
" Ako paba makalimut e-andun ang papa Jolo ko." nakangiti niyang sabi sa sarili at pinaikot-ikot ang kanyang swivel chair sa tuwa.
Ngalingali na siyang hilahin ang orasan para makaalis na siya sa office at magpunta kina Aryana.
" 30 minutes pa bago ang uwian" anang isip niya, napatayo na siya at niligpit ang mga papeles nakapatong sa kanyang table.
" Dad absent muna ako ngayon, hindi pa malulugi ang kumpanya natin sa 30 minutes na nag absent ako. Wala rin naman akong masyadong trabaho ngayon," sagot ng kanyang kunsinsiya" Saka nag madaling lumabas ng opisina.
Dinaanan niya ang kanyang daddy sa kabilang opisina nito para magpaalam rito na pupunta siya kina Aryana. Kilala naman nito ang kaibigan kaya hinayaan na siya nito.
" Ang aga mo naman ata?" bungad sa kanya ni Aryana ng makarating siya sa bahay nito.
" Mabuti ng maaga kaysa ma late." hinanap ng mata niya si Jolo ng makapasok siya sa loob ng bahay.
Napangiti si Aryana sa kanya, naramdaman siya nitong hinanap ng mata niya si Jolo
Tumikhim muna ito bago nagsalita." Hindi pala makarating si Jolo may date raw." anito seryuso ang mukha
“ Bruha ka, binuhay mo ang dugo ko sa sinabi mo na kasama ko siya magbantay riyan sa anak mo, tapos pina-asa mo lang pala ako. Wala kang pinag iba sa mga lalaki ko, walang ibang ginawa kundi ang paniwalain ako sa mga kasinungalingan nila." akma niya itong sabunutan sa subrang inis na kanyang naramdaman.
" S-sandali!" sigaw nito ng akmain niyang hilahin ang buhok nito.
" Hindi mo alam nag absent ako dahil sa sinabi mo." sumbat niya rito.
" Sandali nga! Narinig mo ‘yon?" anito sa kanya saka sumilip sa labas ng bintana.
Nag liwanag ang mukha nito ng makita si Jolo kasabay ni Christian.
" Weeew! Muntikan na." hiyaw nito.
Nakangiti siyang sinalubong ang dalawang lalaki. Nakatayo siya sa gitna ng pinto na animoy siya ang may-ari ng bahay at naghintay sa asawa darating.
Napa kunot -noo si Jolo ng makita siya. " Ano ang ginagawa mo rito?"
" Hala siya, kung mag tanong parang siya ang may-ari ng bahay. Bakit, wala naba akong karapatan magpunta rito?" pag tataray niya
Nagtutuloy itong pumasok sa loob at umupo ito sa sofa tumabi siya ng upo rito.
" Kumain kana ba love? Paghanda kita ng hapunan mo?" Nakangiti niyang alok rito.
Tinakpan nito ng unan ang kanyang mukha” Tigil mo nga ‘yang illusion mo, wala tayo sa bahay natin."
Para siyang dinuduyan sa ala-paap sa tuwa ng sabihin nitong" bahay natin" Biglang naglaro sa kanyang isipan.
Nasa labas ito ng kanilang harden naka upo sa metalic na upuan habang nagbabasa ng diyaryo at siya naman ay bitbit ang tray na may nakapatong na dalawang basong maylaman Juice at cokies na gawa niya." Love snack mo." kinilig kilig siyang nakangiti sa mga eksina naglalaro sa kanyang isipan.
" Hoy, ano ba kanina kapa kinakausap ni Aryana," pukaw ni Jolo sa kanyang imagination " Nanaginip ka naman riyan ng gising." anito
" Alis na kayo." taboy niya sa mag asawang nakatayo sa kanyang harapan.
" Mas excited kapa kaysa sa'min" ani Christian sa kanya.
" Tsupi na tsupi." kina-kumpas niya ang dalawang kamay sa mag-asawa.
" Alis na kami anak wag bigyan ng sakit sa ulo ang tita at tito mo." bilin ng mag asawa sa anak na si Christopher bago tuloyan ang mga itong lumabas ng bahay.
Nagka sundo silang manuod ng tv sa sala. Nakahiga si Jolo sa sofa siya naman sa kabilang upuan at katabi niya si Christoper ng upo.
Ang yaya ng bata ay lumabas ng bahay para bumili ng load.
Hindi ma alis ang tingin niya kay Jolo habang nakahiga ito, " sarap magpa kandung nito." kung ano ano na ang naglalaro sa kanyang isipan ng biglang tumayo si Christoper.
" Tita, gusto kung mag popo."anito at pumasok sa c.r
Gusto na niya sakmalin ng halik si Jolo habang busy ang mga mata nitong nanood ng tv.
Mayamaya pa ay tinawag siya ng bata " Tita, tapos na ako” Sigaw ni Christoper
tila wala siyang narinig.
Napaigtad siya ng tapunan siya ni Jolo ng unan sa mukha.
" Hoy, Sandoval ano ba, tapos na daw siya mag c.r." Untag sa kanya ni Jolo
Saka pa niya naalala ang bata. " Ayaw ko mag hugas ng puwet ng bulilit na iyon." Reklamo niya rito.
" Ikaw ang tinawag eh." Ani Jolo.
Nagtutulakan silang dalawa sino ang mag huhugas kay Christoper.
" Anak pwedi ba si tito Jolo nalang tawagin mo?" Baling niya sa bata.
" Tito Jolo tapos na ako hugasan muna ako please." pakiusap nito.
Matamang nakatingin sa kanya si Jolo.
“ Saglit lang Christoper ha, umiri ka pa riyan baka may lalabas pa." ani Jolo kay Christoper
Umupo ito sa kanyang harapan at inilapit nito ang mukha sa mukha niya.
Unti unting nilapit nito ang labi sa labi niya. “ Oh my gosh, ito na ata ang pinaka matagal kung hinihintay.” pinikit niya ang kanyang mga mata at hinintay dumampi ang labi ni Jolo sa labi niya.
" Sandoval gusto mo pasok tayo sa kwarto?" Bulong nito sa kanyang taenga
Kilig to the bones ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. “ Aangal paba ako?” aniya sa sarili.
Nagpa ubaya siya ng hawakan siya nito sa kamay at hinila siya papasok sa kalapit na kwarto.
" Baby boy." naisambit niya sa mahinang boses.
dahan dahan siya nitong inupo sa gilid ng kama. At umupo si Jolo sa harapan niya. Magka lapit ang kanilang mga mukha sa isat isa " Ito na palapit na palapit na talaga.” muli niyang pinikit ang kanyang mga mata halos maduling na siya sa subrang lapit ng kanilang mga mukha.
Napangiti si Jolo sa kanyang hitsura " Mag jack in poy tayo sinung talo siyang mag huhugas sa puwit ni Christoper." anito sa kanya.
“ Sira ulo ka pala, paasa ka.” naka ismid niyang sabi rito. “ Akala ko naman hahalikan muna ako. Jack in poy lang pala gusto mong loko ka. Dinala mo pa ako rito sa kwarto." angal niya rito.
Ang buong akala niya mangyayari na ang matagal niyang inasam-asam lalo ng ipinasok siya nito sa kwarto. Panandaliang kilig lang pala ang ipinaramdam nito sa kanya.
" Bakit akala mo hahalikan kita? Hindi tayo talo ui!" Anito sa kanya.
Hindi siya papayag na mabitin siya sa iri. " Sige na isang halik lang bibigyan kita ng 500.” nakangiti niyang alok rito.
Nahawa ito sa ngiti niya “ Pwedi ba gawin mo 1000?" Tawad nito sa kanya
tila mapapayag na niya ito.” Dalawang halik 500 each." Aniya rito na magkalapit parin ang kanilang mga mukha.
Busy sila dalawa ni Jolo sa pakikipagtatawaran hindi nila namalayan ang paglapit ng bata sa kanila.
“ Tito hugasan muna ako.” Sabay tulak ng bata sa ulo ni Jolo at dumampi ang labi nito sa labi niya.
Napatambling siya sa kama sa subrang tuwa. " Nakalibre ako ng halik!” pagtitili niya sa subrang saya nakahalik siya ni Jolo