MATAPOS nilang maki celebrate sa may birthday nag pasya silang sumakay sa jetski. Gusto ng kanyang kaibigan si Jolo i-angkas ang dalagang si Jacky ngunit tumanggi ito.
" Kung sino yong ayaw iyon, pa ang inaya. Andito ako na hindi tatanggi hindi manlang niya inaya."inis sabi kay Jolo.
Napatingin siya kay Aryana umangkas sa likuran ng asawa nitong si Christian sa Jetski .
At si Jolo naman solong sumakay sa Jetski. At iniwan siya nito sa dalampasigan.
" Napaka walang kwentang lalaki" ngitngit ng kanyang ka looban naglakad siya pabalik sa cottage.
Tila na awa naman si Jolo sa kanya kaya tinawag siya nito.
" Thank you Lord!" hiyaw niya at nag tatakbo palapit rito.
Sumakay siya sa likuran nito inamoy amoy niya ang buhok ni Jolo. Saka niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likuran.
" Sandoval pag hindi ka magtino ihulog talaga kita." angal nito ng maramdaman siyang naging malikot mula sa likuran nito.
" Yaan muna hindi ka naman mabawasan.” sabi niya sa maharot na boses.
" Feeling din ‘tong baklang to babae kaba?" ani Jolo
" Ang puso ko babae." lalo pa hinigpitan ang pagkayakap niya rito.
Sa inis ni Jolo pinabilisan nito ang pagpatakbo ng Jetski at walang pasabi sabi nagpakanan at nagpa kaliwa ito na mabilis parin ang takbo. Sa kakalikot niya nawalan siya ng balance at nahulog siya sa tubig.
" Saklolo!” pagtitili niya
natatawang dinadaanan lang siya ni Jolo “ Wag mo akong pag lulukuhin alam ko marunong kang lumangoy.” anito sa kanya
Kinakaway kaway niya ang kanyang kamay na panay hingi ng tulong.
Hindi naniwala si Jolo sa kanya. Tinawanan lamang siya nito.
Tila na pagud na siya sa kakaway ng kanyang kamay bigla siya naglaho sa ilalim ng tubig dagat.
" Anak ng tukwa! deads na si Bakling." ani Jolo sabay talon at hinagilap siya sa ilalim ng tubig.
Ng mahagip siya rito. Agad siya nito sinakay sa jetski at dinala sa tabi ng dalampasigan. Agad siya nitong hiniga sa dalampasigan at pinag papump siya para mailabas ang tubig na kanyang na inom. Hindi siya gumagalaw.
" E-cpr mo." suhestiyon ni Christian ng makalapit ito sa kanila.
“ Santi halika rito." tawag ni Jolo sa kaibigan. " Cpr mo itong kaibigan mo." ani Jolo kay Santi ng makalapit ito.
" Yucks! ayaw ko nga. Yaan mo ma dido yang bakla ng wala na akong kaagaw." tugon nito.
Hinawakan ni Jolo ang ilong niya at bahagyang binuka ang kanyang bibig. Napansin ni Jolo ang bahagya paggalaw ng kanyang labi.
" Hoy bakla! bumangon ka kung ayaw mong sampalin kita. Balak mo pa ako isahan ha." angil nito sa kanya ngunit hindi siya nag dilat ng mata pinandigan niya ang gusto niya.
" Baka totoo nag hihingalo si bakla?" ani ni Santi sa maarte na boses.
" Sige na Jolo e-cpr muna. kawawa naman mamatay si Bakla ng hindi man lang nakatikim ng halik mula saiyo, baka hindi iyan tanggapin doon ni San pedro" udyok ni Santi.
" Ano ang nangyari kay Bakling?" sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Isang tumboy ang nagtatanong at nakatayo sa gilid nila.
" Kailangan niya kasi ng cpr." tugon ni Jolo “ Baka pwedi mo kami tulungan maligtas tong kaibigan namin.” Pakiusap ni Jolo
Lumuhod si Aby at tinunghayan si Sandoval pikit parin ang mga mata at nilapit nito ang bibig kay Sandoval para e cpr ito.
Napadilat ng mata si Sandoval." Malapit na eh, sapaw ka pa." angal niya kay Aby at itinulak ang mukha nito palayo sa kanyang mukha.
" Pakialamerang babae ito." inis niyang sabi saka tumayo.
Nahampas siya ni Jolo sa puwet " Ikaw bakling ka balak mo talaga akong isahan. Wais to ui, kala mo huh." Naiiling nitong sabi saka nagtuloy itong naglakad papuntang cottage.
inis siyang binalingan si Aby" Ikaw babae ka, bakit kaba nandito? Sinusundan mo ba ako? Stalker ka noh?"
" Hoy, bakla! Ikaw na nga itong iniligtas ko ikaw patong galit. Namumuro kana sa akin, isa nalang tatamaan kana." Pinandilatan siya nito ng mata.
" Abay, matapang ka ha? Sasabunutan kita." aniya rito.
Hinila siya ni Santi “ tama na ui! wala kana sa katinuan." saway nito sa kanya
Pinamaywangan niya si Aby," Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Bakit kaba nandito?" na iinis siya rito kung hindi lang sana ito umipal na cpr na sana siya ni Jolo. Kaya kumukulo ang dugo niya sa tumboy na ito.
inis itong tumingin sa kanya" Bakit, bawal ba ako sa resort na ito? ikaw ba ang may-ari?" galit itong pinatulan siya.
Na-awat silang dalawa ng lapitan sila ng magandang babaeng nag mamay-ari ng resort.
" Aby, ano ang nangyayari rito?" Tanong sa kanila ng malapitan sila nito.
" Kasi ma'am Amara, itong bakla nato siya pa ang tinutulungan siya pa ang galit. Pag bintangan pa akong stalker." Sumbong ni Aby sa may ari ng resort.
Napangiti ito sa kanila. " Siya po si Abigail. Nagbenta siya ng taho gusto kasi ng anak anakan ko ang taho niya." nakangiti nitong paliwanag sa kanila ni Santi.
" Inorder ko kasi ang taho niya para dalhin sa paaralan ng anak kung si Renzo." dagdag pa nito
" Ako nga pala si Sandoval," Pakilala niya sa may-ari ng resort agad naman siyang kinamayan nito at agad din itong nagpaalam sa kanila inakay nito si Aby palayo sa kanya.
Yamot na yamot siyang bumalik sa cottage, na udlot ang muntikan siyang mahalikan ng kanyang papa Jolo.
" Sarap tirisin ng babaeng iyon, kung hindi lang dumating na e-cpr na sana ako.” aniya nagtuloy sa paglalakad pabalik sa cottage.
Naabutan niya si Aryana sa cottage kasama ang makulit nitong anak.
" Sandy, diba may usapan tayo sa sabado mag clubing?" sambit ni Aryana sa palayaw niya.
Umupo siya sa tabi nito." Oo bakit?”
“ Diba sasamahan kita?” anito na nahihiya pang sabihin ang sadya.
“ Aryana ano ba kasi gusto mo sabihin mo, may kutob na ako.” angil niya rito.
" Bukas kasi ng gabi may lakad kami ni Christian, pwedi kaba maiwan muna sa bahay para may kasamang bantay si Christoper.” pakiusap nito sa kanya.
Napatayo siya sa sinabi ni Aryana " Hala siya! porke't ba wala akong love life gagawin muna akong taga bantay riyan sa anak mong makulit.” naka pamaywang niyang sabi rito.
" Nasaan ba ang yaya niyan Aryana?"
" Bago pa ang yaya niya, hindi ako kampante alam mo naman malikot tong ina-anak mo.” sabi nitong pinagpatuloy bihisan ang anak nito.
" May lakad ako." pagdahilan niya
Sumimangot si Aryana sa kanya." Wagna nga lang, andon din naman si Jolo sa bahay kaya ayos lang."
Bigla nag liwanag ang kanyang mukha sa sinabi ni Aryana magkasama sila ni Jolo buong gabi. Nakabuo na siya ng eksina sa kanyang isipan.
Bumalik siya ng upo sa tabi nito " Ito naman hindi na ma biro. Sa susunod pa ang lakad ko. Ano oras ba ang alis niyo? Umalis na kayo ng maaga ni Christian. Pwedi nga wag na kayo umuwi sa bahay niyo. Para ma solo ko ng matagal si papang.” aniya na abot taenga ang ngiti.
Hindi na ma waksi sa kanyang isipan ang eksina na sila lang dalawa ni Jolo.
Napangiti si Aryana, nakatingin sa kanya na abot taenga parin ang ngiti.
“ Wag mo kalimutan hindi kayo solo sa bahay.” paalala nito sa kanya na tila na basa na nito ang nasa isipan niya.
“ Ayos lang uutusan kong bumili ng tinapay ang yaya kahit hindi na ito bumalik.” sabi niya pinatirik ang mga mata sa tuwa.