PINILIT si SANDOVAL isama ni Santi sa beach outing. Birthday ng matalik nitong kaibigan. Wala rin naman siyang masyadong trabaho sa opisina nila kaya sumama narin siya sa kaibigan.
" Maganda din pala ang umapak sa ibang resort makakuha rin ako rito ng iba't ibang idea." sa kalooblooban niya ng marating ang resort na sinasabi ni Santi.
Na amazed siya sa kanyang nakita sa kabuohan ng resort kung saan ipagdaraos ang kaarawan ng kakilala ni Santi. Malaki din ang kanilang resort pero mas malaki itong nasaharapan niya ngayon.
" Alam mo ba dai, itong may-ari ng resort nato galing Japan." untag sa kanya ni Santi naglakad kasunod niya.
" Grave ang buhay noh? Di mo aasahan ang blessing ni God nag mula siya sa katulong tapos ito nakilala niya ang mayaman na hapon. Nang mamatay ang hapon ito pinamana sa kanya." pag papatuloy nito.
Napalingon na siya rito " Ikaw bakla ka dami mong alam tsismosa ka talaga." saway niya.
" Pero narinig ko ‘yon dai, hindi ba binawi sa kanya ang lahat dati?" dagdag niya sa tsismis ni Santi.
Napahagalpak na ito ng tawa sabay tulak sa kanyang balikat." Kunwari kapa walang alam isa ka din palang tsismosa." anito natatawa sa kanya.
" Hay, naku! tayo nanga, bakla ka pati ako nahawa sa ka tsismosahan mo." sabi niya sa ma-arte na boses.
Inakbayan siya ni Santi, sabay silang naglakad at tinungo ang cottage ng celebrant.
Napahinto sila sa paglalakad ng maka salubong nila ang matangkad at maputing lalaki naka sout lang ito ng swimming trunk.
" Mama mia, its huge.." pagtitili niya nakatingin sa pang ibaba bahagi ng naglalakad na lalaki papunta sa kanilang gawi.
" Dios ko dai! si huge nga " segunda ni Santi
" Hi, huge!" hindi mapigil na bati ni Santi ng matapat ito sa kanila.
" Dios ko! anak ng kaibigan ni daddy.' sigaw ng kanyang kalooban ng mapag sino ang binata
Napaayos siya ng tindig " Eman, nice to see you here." bati niya sa baritonong boses.
" Sandoval, bro, what brought you here?" nakangiti nitong tanong sa kanya.
" Ma-my car brought me here" tuliro niyang sagot ng yakapin siya nito. Gusto na niya bumigay sa katinuan.
" Huge, I'm Santi." agaw ni Santi sa pag yakapan ng dalawa. Inasam asam nitong yakapin nito ngunit inabot ng binata ang kamay para e-shake hands si Santi.
" Can I have a hug huge?" maharot na pakiusap ni Santi
" Who is huge? I'm Eman." naguguluhan na tanong ng binata.
" H- hindi ba ang laki kasi" tugon ni Santi nakatingin sa pang ibaba ng binata.
Napa iling nanangingiti ang binata kay Santi. Agad din ito nag paalam sa kanila.
" See you around huge." pahabol na sigaw ni Santi ng tuluyan ng makalayo ang binata sa kanila.
Nagulat siya ng madatnan sina Aryana at Christian kasama ng mag asawa si Jolo sa isang cottage.
" Parang gusto kuna magtampo sa inyo. Andito pala kayo hindi niyo man lang ako inaya."sabi niya sa nagtatampo boses at tumabi ng upo sa kaibigan si Jolo.
" Mag tatampo kapa andito kana" tugon ni Jolo sa kanya.
" Another huge is here." biro ni Santi kay Jolo.
" Tigilan niyo ako ha?" angil ni Jolo sa kanilang dalawang bakla.
" Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong niya kina Aryana.
" Ininvitahan kasi kami ng teacher ni Christoper. Birthday ng asawa niya." tugon ni Aryana sa kanyang tanong.
" Puntahan ko lang muna ang mga iyon sa kwarto nila."paalam ni Santi sa kanila. Tukoy nitong puntahan ang kaibigang celebrant.
Nag pa iwan na siya sa cottage kasama ang kanyang mga kaibigan.
" Baby boy." pukaw niya kay Jolo hinimas himas niya ang balikat nito.
" Sandoval ha, wag na wag mo akong ma tawagtawag na baby boy." saway nitong tinanggal ang kanyang kamay nakapatong sa balikat nito.
" Sige na nga! papa Jolo isakay mo ako don" sabay turo niya sa jetski.
" Tigilan mo nga ako Sandoval ano ba!” sabay iwas ng balikat nito mula sa pag hahaplos niya muli.
Natatawa sa kanila nanood ang mag asawa si Aryana at Christian.
"Mamaya sasakay tayo roon." sabad ni Christian.
" Aangkas ako sa likod mo?" nakangiti niyang tanong.
" Hindi ui! ano ka, siniswerte! kaming mag asawa magka angkas." sabay akbay nito sa asawang si Aryana.
" Kayo ni Jolo magpartner" nakangiti sabi ni Christian na tinignan si Jolo.
" Sige, sige gusto ko iyan." excited siyang pinalakpak ang mga kamay.
" Ginusto naman nito." nakairap na sabad ni Jolo
" Syempre! tapos yayakap ako sa iyong likuran." natatawa niyang tugon.
" Papayag ako pero?" seryuso sabi ni Jolo sa kanya.
" Ano ‘yong pero?" matamang siyang nakatitig sa mukha ng kaibigan.
" Pero itali mo muna yang kalawit mo at baka ako ay matusok niyan." tugon ni Jolo tinuro ang pang ibaba niya.
Napahagalpak ng tawa ang mag asawa sa kanila “ Loko talaga kayo."
Natigil sila sa pagtatawanan ng makita ang groupo ng celebrant na lumapit sa kanila.
" Ang ganda." bulalas ni Jolo ng makita ang babae kasama ng celebrant at kasama ng groupo si Santi.
" Diba si Jacky Perez ‘yan?" naitanong niya ng makita ang dalaga, minsan napa nood niya ito sa tv.
" Kapatid siya ng guro ni Christoper." pagbigay alam ni Aryana sa kanila.
“Hi!” bati nito sa kanila ng tuluyan makalapit at isa isang nag papakilala sa kanila.
Inabot nito ang kamay kay Jolo para makipag shake hands.
" Bitawan mo." untag niya kay Jolo na hawakhawak ang kamay ng dalagang si Jacky.
" Nag seselos na ako" pabulong niyang sabi kay Jolo at nilapit pa ang mukha niya sa taenga nito.
“ Wagka panira ng moment." bulalas ni Jolo sa kanya sabay tulak nito ng kanyang mukha.
" Mamang malulunod na ata ako." pukaw sa kanya ni Santi sabay hila sa kanya ng makita nito si huge papalusong sa tubig.
" Sira! nasa cottage kapa." nakairap niyang sabi.
" Mamang ilakad mo ako sa kanya please." pakiusap nito sa kanya sa maharot nitong boses habang ang mga mata nasa kay Eman na tinatawag niyang huge.
" Aagawan mo pa ako,crush ko ‘yon" aniya nakapaywang.
" Sayo na ‘yang nasatabi mo mamang balato muna ‘yon sa akin." turo ni Santi sa binata nasa tubig.
Nilingon niya si Jolo na halos luluwa na ang mga mata nitong titig na titig kay Jacky.
" Pagandahan ang labanan may ilalaban din naman ako." bulalas niya at inipit ang kanyang maikling buhok sa taenga at iniharang ang katawan sa harapan ni Jolo.
" Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong matamaan." banta nito sa kanya
" I-lalakad kita sa kanya." alok niya rito
Namilog ang mata nito sa sinabi niya tila nabuhayan ng pag-asa sa kanyang sinasabi “ Talaga? Paano?" anitong nakangiti sa kanya.
Napangiti siya sa kanyang iniisip." Sa isang condition." sabi niya rito. " Isang gabi sa akin ka matulog."
Natigilan ito sa kanyang sinasabi " Sira ulo to, wag na ui!” mabilis na tangi nito sa alok niya " Balak mo pa akong isahan."
" Ito naman hindi ma isahan." nakairap niyang sabi rito. " Suggestion ko lang naman, malay mo makapasok." pag papatuloy niyang katwiran.