Sandoval's lovelife Episode 5

970 Words
Gumaan ang kanyang pakiramdam. Tama siya sinaktan na nga siya ng lalaking walang kwenta, pahirapan paba niya ang kanyang sarili? Dahil lang sa lalaking iyon? “ Kung intention ng damuhong iyon ang saktan ako, aba’y dapat ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanya.” napag isip-isip niya, kung hahayaan niya ang sarili niyang malugmok dahil sa ginagawa nito para narin niyang tinutulungan ito nasaktan ang kanyang puso. “ Pwes! babangon ako at ipag diwang ang pagkawala ng maling lalaki sa buhay ko.” nakangiti niyang sabi sa sarili. Naudlot ang kanyang kasiyahan ng makita ang makulit na batang lumabas sa kwarto. “ Akala ko ba tulog na ‘yang anak mo?” Baling niya kay Aryana. “ Ako lang ata binabantayan ng batang ito.” niyakap nito ang anak. “ Ka ingit naman sana mayron din ako.” Nakangiti niyang sabi sa kaibigan. “ Tita Sandoval pwedi mo ba akong samahan sa labas?” pag lalambing ng bata sa kanya. " Saan na naman tayo?" " May bibilhin lang ako sa labas." Tugon nito saka hinila ang kanyang kamay. " Itong batang to anim na taon ka palang panay kana labas." Reklamo niya saka tumayo mula sa kanyang inuupoan. " Samahan kuna muna tong maliit nato.” Baling niya kay Aryana. " Anak, wag ka mag tagal sa labas matutulog kapa.” Bilin ni Aryana sa anak. Hinawakan ni Sandoval ang batang si Christoper palabas sila ng gate. Nakita ni Christoper ang mga kalaro nasa terrace ng kalapit na bahay. " Christoper sali ka, nag naglalaro kami.”aya ng isang bata. Nagtatakbo si Christoper palapit sa mga ito. " Akala ko ba may bibilhin ka?” reklamo niyang nakasunod rito. " Sandali lang ito tita." Naka pamaywang siyang nakasunod rito pumasok sa loob ng gate ng kapit bahay. " Ano lalaruin niyo? Bahay bahayan ba? Ako ang mama." ani Christopher sa mga kalaro. Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi ng bata " Dios ko! kang bata ka, bakit ikaw ang mama? Ikaw dapat ang tatay. Naku, malalagot ako sa daddy mo nito." sabi niya sa bata sa ma arte niyang boses. " Hindi tayo mag bahay bahayan. Mag lalaro tayo na nag aaral." Tugon ng isang kalaro nito. " Sige, ako ang teacher." Suhestiyon ni Christoper. " Hindi. Ako ang guro tapos ikaw ang studyante." Tugon ng kausap nito. Nakangiti si Sandoval tumayo sa tabi ng bata." Manang mana ka sa daddy mo." Aniya rito hindi inalis ang mata kay Christoper. Inabutan ng papel si Christoper ng kalaro nito. " Ano ang pag aralan natin?" Tanong ni Christoper na bina baliktad-baliktad ang hawak nitong papel. " Math." Tugon ng batang babae. Biglang napatayo si Christoper " Bibili pala ako. Tita tayo na." Sabay hila nito sa kamay niya. " Ay hindi, dito lang tayo mamaya na tayo bibili." Mabilis niyang tanggi rito, " Tita, alis na tayo please." Naiiyak nitong pakiusap sa kanya. Piningot niya ang ilong nito. " Wala ka talaga pinag kaiba sa daddy mong bata ka. Kung natulog kana lang sana hindi ka mapapalaban sa math.” nakangiti niyang sabi rito. Nag papatakbo itong lumabas ng gate. " Ayaw mo pala ng math ha, may panlaban na ako sayong makulit ka." sumunod siya sa bulilit nagtatakbo papunta ng tindahan Hinila niya itong pauwi matapos mabili nito ang ice candy na paborito nito. “ Yang anak mo may pinag manahan.” naka pamaywang niyang sabi kay Aryana ng makapasok sila sa loob ng bahay. “ Mana sayo may pagka bakling.” natatawa tukso ni Aryana sa kanya. “ Naku wag naman.” kuntra niya sa sinabi ng kaibigan. Bakla siya pero ayaw niyang matulad ang bata sa kanya, alam niya sa puso niya ang hirap kaya maging bakla. Aware siya, yon nga lang hindi mapigilan ang puso umibig sa lalaki. Nagpaalam siya sa mag ina para maka tulog na ang bulilit. Masaya siyang nilisan ang bahay ni Aryana. Naka sakay na siya ng kanyang kotse ng tumawag si Santi sa kanya. Hininto niya sa tabi ng daan ang sasakyan at sinagot ang tawag nito. “ Bakla kumusta ang puso natin?” bungad ni Santinng sagutin niya ang tawag. “ Naku dai, okay na okay pumipitik pitik muli.”tugon niya sa masiglang boses ito man ay natuwa sa kanya mabilisan pag recover sa pag kasawi sa pag ibig. Muling pina andar ni Sandoval ang kotse ng matapos ang kanilang paguusap ni Santi at tinahak ang kanyang opisina. Inisip niya ang usapan nila ni Aryana gumala sa club sa darating na sabado habang nagmamaneho ng kotse. Hindi na siya makapag hintay makakita muli ng baby boy. BUSY SA PAG hahanda ng maibenta si Aby, ng lapitan siya ng matalik na kaibigang si Anton. “ Aby, birthday ni Bernard ngayon sabado. Na pagka sunduan mag clubing tayo.” aya nito sa kanya. “ Naku tol, kayo nalang pass muna ako riyan, kailangan kung kumayod alam mo naman may pinag aaral pa akong kapatid.” tanggi niya sa alok ng kaibigan. “ Isang gabi lang naman 'yon Aby, saka sagot na namin ang gastusin sama kana.” pilit nito napakamot siya sa ulo“ Pag isipan ko muna tol.” tugon niya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. “ Basta susunduin ka namin sa sabado.” bilin nito saka nag mamadaling umalis. Kinakailangan niyang kumayod siya, lang inasahan sa kanila. Dalawa silang magkapatid na babae dahil sa hirap ng buhay kailangan niyang huminto sa pag aaral para makapag lako ng balot sa gabi at sa umaga naman nag bibinta siya ng taho. Kailangan niya ng duble kayod may lola pa siyang masakitin. Bata palang sila Aby ng iwan sila ng ina sa pangangalaga ng kanilang lola. Ng mamatay ang ama nila. Naghanap buhay ang kanyang ina pero na humaling ito sa ibang lalaki at tuluyan na itong sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD