Nagbabad siya sa kanyang kama ng makauwi siya kanila. Dahil sa nasaktan ang kanyang babaeng puso na e-cancel niya ang lakad nila ni Santi.
Nakilala niya ang dating nobyo si Jason sa strip tease club isa itong male stripper dancers, kinuha niya ito ro'n at binigyan ng magandang buhay. Sa pag aakala sa lalaking iyon ay makamtan niya ang kaligayahan pero mali pala siya, ni loloko lang siya nito. Naka tulugan niya ang hinanakit na ginawa ng lalaki sa kanya.
TUGTUG na nagmula sa kabilang kwarto ang gumising sa kanyang mahimbing na pagtulog kinabukasan.
“ Once upon a time I was falling inlove
But now I’m only falling a part
There’s nothing I can do
A total eclipse of the heart” napayakap siya ng mahigpit sa kanyang unan.
“ My God I can’t believed this” bulalas niyang sinabyan ng tayo mula sa pagka higa.
“ Para sa’kin ba ang kantang ‘yon?” napa sandal siya sa pinto ng kanyang kwarto.
“ Ang sakit, sakit” pa daosdos siyang pa upo sa sahig ng maalala ang ginawa sa kanya ni Jason. Nasa pag e-emote siya ng bigla bumukas ang pintuan.
“ Aray! ano ba, hindi kaba marunong kumatok?” bulyaw niya sa kapatid ng bigla nitong tinulak pabukas ang pinto ng kanyang kwarto. “ Isturbo to andun na ako sa pag e-emote ko” gusto niyang isigaw rito.
“ Sorry kuya may hinanap kasi ako.” anang kapatid na babae
“ Hinahanap dito sa kwarto ko, ano naman ang hinanap mo rito?” napa kunot-noo siya
“ Kuya, kailangan ko kasi ng pera pwedi ba makahiram?”
Napa kamot siya sa ulo.” Mang hihiram ka pala ng pera tapos sasabihin mo may hinahanap ka.” angel niya saka inabot ang kanyang wallet na nakapatong sa maliit na table at inabutan niya ng pera ang kapatid.
“ Alis na bilis” taboy niya rito gusto niyang ituloy ang pag e-emote niya.
Dumapa siya sa kanyang kama ng maka alis ang kapatid pinagpatuloy niya ang na udlot niyang pag e-emote kanina.
“ Damohong iyon nakuha pa akong saktan, hindi nakuntento sa binigay ko.” pag sisigaw ng kanyang kalooban.
napa angat siya ng ulo ng tumunog ang telepono
“ Ano ba! Wala naba akong karapatan mag damdam?” naiinis siyang inabot ang telepono.
“ Mamang?”
Nahimigan niya ang boses ni Aryana sa kabilang linya. “ Ano ba ang kailangan mo?” bungad niya
“ Nalaman ko ang ngyari sa’yo kumusta ang pakiramdam mo?” nag alalang tanong nito sa kabilang linya.
“ Aba tsismosa din to eh.” angil niya rito “ Well, hito ng durugo ang puso ko.” napahikbi siya.
“ Punta ka rito sa bahay pag usapan natin yang puso mong sawi.” anang kaibigan saka binaba nito ang telepono.
Tinungo niya ang banyo para maligo at puntahan ang kaibigan kailangan niya ng karamay ngayon.
“ Sandoval, are you not going to eat?” tanong sa kanya ng ina ng mababaan niya ito sa sala.
Napa tingin siya sa orasan pambisig. Alas 11;30 na pala pananghalian na, hindi siya nakaramdam ng gutom.
“ Hindi ako gutom ma.” hinalikan niya ito sa noo at nag mamadaling lumabas ng bahay.
Naabutan niya ang kaibigang si Aryana at ang asawa nitong si Christian mag kasabay nananghalian ng makarating siya sa bahay ng kaibigang si Aryana.
“ Nasaan ang makulit?” tukoy niya ang anak nitong si Christoper.
“ Nasalabas kasama si Marnila may binili.” tugon ng kaibigang si Aryana.
“ Nandito rin si Marnila?” kunot noo niyang tanong.
Tumango si Aryana, may ipag bibilin kasi ako sa kanya, mamaya babalik din yon sa opisina” nakangiting tugon nito
“ Umupo ka Sandoval kain ka.” aya sa kanya ni Christian.
Hinila niya ang isang upuan nasa katapat ni Christian.
“ Mabuti pa itong dalawang to masayang nagsasama bilang mag asawa. Ka ingit naman si papang Christian umuwi talaga ng tanghali para saluhan ng pananghalian ang mag ina niya.” ingit na ingit siya sa relation ng dalawa.
Matapos kumain ni Christian agad din itong nag paalam sa kanila babalik pa ito sa opisina.
Umupo sila sa sala ng matapos silang kumain at don pag usapan ang kanyang pusong na sawi ngunit hindi siya nakapag umpisa mag kwento ng makitang pumasok ang makulit na bata.
“ Tita Sandoval.” sabay yakap sa kanya ni Christoper ng makita siya nito
“ Sir, Sandy mabuti naka dalaw kayo rito.” ani Marnila.
Nginitian niya ito bilang pagtugon sa dalagang si Marnila.
“ Mamang sandali lang patulugin ko lang to makulit para walang isturbo sa usapan natin, kayo na muna ni Marnila rito.” ani Aryana at hinila ang anak papasok ng kwarto
Naiwan siya at si Marnila sa sala.
“ Sir, kwentuhan mo ako sa lovelife mo.” kilig na pakiusap ni Marnila sa kanya.
Dahil masama ang kanyang loob sa ginawa ng ex niya ay, natagpuan niya ang sarili kweninto rito ang mga pangyayari.
Tinignan niya ito sa mukha tahimik lang si Marnila nakatingin sa kanya saka blanco ang hitsura nito. Naramdaman niyang naramdaman nito ang nasaktan niyang puso “ Diba Marnila ang sakit sakit?” humihikbi niyang tanong sa pag aakala nakahanap siya ng karamay.
“ Oo nga sir, ang sakit sakit, hindi ko alam saan ako kukuha ng pera pambayad ko sa hospital ng lola ko.” naiiyak nitong tugon sa kanya.
“ Pwedi ba akong makahiram ng pera?” naiiyak nitong hirit sa kanya.
Napa kunot-noo siya na naguguluhan sa sinasabi nito sa kanya.” Langya ka, nag e-emote ako tapos ikaw pera lang pala ang ini-isip mong babae ka. Panira ka rin ng moment eh.” inis niyang angil rito.
Todo emote na siya tapos iba pala ang iniisip ni Marnila “ Eng-eng karin ano?” inis niyang sabi nawalan na siya ng gana mag kwento pa.
“ Joke lang naman sir, baka sakali lang makalusot ako.” nakangiti nitong sabi sa kanya.
Napangiti siya ng lumabas si Aryana mula sa kwarto.
“ Pasensiya na udlot tayo sa kwentuhan.” hinging umanhin ni Aryana at umupo sa kanyang tabi.
Inabot ni Aryana ang subre na may laman pera kay Marnila. Agad din nag paalam sa kanila si Marnila pupunta pa ito sa hospital.
“ Aryana samahan mo naman ako mag punta ng club.” Aya niya rito ng maiwan silang dalawa
“ Sa strip tease na naman ba tayo?” nakasimangot nitong tanong
“ Gusto kong makita ang mga baby boys ko.” nawalan na siya ng gana ipagluksa ang kanyang puso sawi.
“ Diba kakahiwalay mo palang? Hindi ka paba na dala?” alalang tanong nito sa kanya.
“ Exactly! Diba nasaktan ako? So ano ba ang dapat gawin ko? hayaan ko malugmok ang sarili ko dahil sa nasaktan ako, hindi ba dapat bumangon ako at ipag diwang ko ang pagkawala niya sa akin, hindi siya deserving na pagluluksaan ko. Haler!” aniya na pinatirik ang mata
“ Naku dai, hindi siya nag iisang lalaki sa mundong ito.” tumayo siya na maywang nagpalakad sa harapan ng kaibigan.
“ Wow! Saan ba galing ‘yang spiritu sumanib sa iyo at bigla kang naging malagsik.” nakangiting biro sa kanya ni Aryana.
“ Ay naku, basta! Nakapag decision na ako, hindi ako mag mo-mokmok!”
Napa ngiti si Aryana sa kanyang turan.
“ Sige magpaalam muna ako kay Christian mamayang gabi paguwi niya.” tugon nito sa kanya