Sandoval's lovelife Episode 3

887 Words
Nag pasya siyang mag pahatid sa bahay nila pagka galing sa bahay ni Santi. "Mamang diba si Jason yan?"Sabay turo ni Santi ng madaanan ang naka paradang motorsiklo sa tabi ng daan. Nakatayo sa gilid nito ang lalaki at kayakap nito ang babae sa tantiya ni Santi nobya ito ni Jason. " Ang hinayupak na ‘yon" bulalas niya at akmang baba, agad siyang na hawakan ni Santi. " Mamang, saan naka pangalan ang motorsiklong iyan?" " Abay syempre sa akin, baka naka limutan mong negosyante ako, at sigurista ako kaya babawiin ko iyan sa akin yan eh." Mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa dalawang nag lalampungan. " Sinasabi ko na eh, niloloko mo akong hayup ka" agaw niya sa attention ng dalawa. Mag kasabay napalingon sa kanya ang dalawa. Gusto niyang hilahin ang mahabang buhok ng babae ngunit na pa isip siyang ayaw niya ipa hamak ang sarili. " Sino kaba bakla ka ha?!" Singhal ng babae sa kanya. Ng galaiti siya sa galit." Sino ako huh?Ako lang naman nag suporta riyan sa tuwid mong buhok na halatang kaka rebond lang." pinandilatan niya ito ng mata." Loka ka hindi mo ba alam na girlfriend ako ng lalaking iyan." Inis niyang binalingan si Jason " kaya ka pala hingi ng hingi sa akin dahil riyan sa babaeng iyan. Manloloko ka."akma niya itong hampasin ngunit na bitin ang kamay niya sa iri ng ambaan siya nito ng suntok. " Sige! Ng masaktan kitang bakla ka" anito sa kanya. Natigilan siya sa turan nito." Bakit mo ba ako niloloko Jason? Binigay ko sa iyo ang lahat, lahat ng hiniling mo sa akin tapos, tapos ito lang ang igaganti mo." na iiyak niyang sumbat rito. " Sus, nag drama kapa riyan." anito at niyaya ang girlfriend sumakay sa motor. " Hindi mo iyan dadalhin, babawiin ko iyan. Hindi ko iyan binili para sa iba mong babae." Galit siyang binalingan ni Jason " Binigay mo ito sa akin kaya akin na ito." " Naka pangalan ‘yan sa akin kaya babawiin ko. At wala kang magagawa ron. Anong akala mo sa akin huh? Tanga?Tapos mo akong lukuhin papayag nalang akong gagamitin mo sa ibang babae ang binigay ko sa iyo? Hindi kana na hiya, pinaako mo sa akin ang responsibilidad mo sa babaeng iyan. Buti hindi kayo na bilaokan habang kumakain kayo sa isang kainan na gamit ang pera galing sa pinag paguran ko." mangiyak ngiyak niyang sumbat rito. " Ang dami mong satsat na bakla ka. Kung gusto mong kunin eh di kunin mo." Anito sabay amba ng suntok. " Sige! Subukan mong saktan siya." sabad ng mag babalot. " Sino kabang nakikialam hah?" galit na baling ni Jason sa mag babalot. " Sige subukan mong lumapit ng hampasin kita nito" sabay hawak nito ng baseball bat. Inis na hinila ni Jason ang nobya palayo sa kanila. " Buti nalang lagi akong handa." naka ngiting sabi ng mag babalot " Salamat huh, tinulongan mo ako'" pasalamat niya sa mag babalot ng maiwan silang dalawa. " Ang sakit sakit lang na lulukuhin ako, nag mahal lang naman ako bakit kailangan pa akong masaktan?" Naiiyak niyang sumbong rito. Inabot nito ang puting towel. " Punasan mo yang luha mo." Kinuha niya ang puting maliit na towel mula rito at binuklat niya " Ito talaga eh, paano paba sasaya ang umaga ko eh hapon na." maktol niya ng makita ang tatak nitong "good morning. " Luka, ‘yan lang kaya kung bilhin yan lang ang mura eh. Ako nga pala si Abigail, Aby for short."Pag papakilala nito. " Bakit ka kasi nag bakla sayang naman ang hitsura mo, guapo kapa naman." pag papatuloy nito. Biglang naging deretso ang kanyang tingin rito " Itchuchera ka, hindi nga kita quenestion bakit ka nag tumboy maganda ka naman" napataas ang boses niya rito. " Saka bakit karin ba nakikialam sa amin mag jowa? ayon tuloy nilayasan ako ng hindi ko man lang nasabi sa kanyang nasaktan ako sa ginagawa niya. Paki alamera karin eh! " inis niyang turan rito. " Kalma, kalma ibaba ang dugo nag si akyatan sa ulo mo. Bilis mong magalit, ikaw na nga ‘tong tinulungan ikaw patong galit." angal nito sa kanya " " Ikaw kasi, nakakainis karin" inirapan niya ito " ito na ang towel mo" sabay abot niya rito " Tapon muna ‘yan, basura na yan." sabi nito tinalikuran siya. Natigilan siya sa sinabi nito. " Omg! di ko kinaya ‘yon" naka pamaywang siyang sumunod rito " Lubayan mo ako, nakasira ka sa negosyo ko" taboy nito sa kanya. " Abay, gaga ito ah, ikaw tong lumapit sa amin tapos ngayon itataboy mo ako." nakasunod parin siya rito. Mag sasalita pa sana ito ng lapitan sila ni Santi. " Mamang, ano na? Paano yang motor mo?" Tanong ni Santi ng malapitan siya nito. Napa kamot siya sa ulo nakatingin sa kanyang motor siklo. Hindi siya marunong mag drive nito na isipan niyang tawagan si Aryana baka pwedi ang asawa nitong si Christian ang mag drive pauwi sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD