Dahil sa kakulitan ni Knight ay napapayag na rin si Empress na makipag-dinner ulit sa binata. Ngunit mukhang hindi ata simpleng lugar lang ang pupuntahan nila dahil may iniabot ito sa kanya na isang paper bag at ng tingnan 'yon ng dalaga ay nakita niyang damit ang laman niyon. Kunot-noo niya itong tiningnan at saka nag-tanong.
"Para saan 'to?" tanong ng dalaga.
"Wear that one and we need to attend a party, I'm sorry I didn't tell you earlier. I know you will not going with me if I told you," he apologetically said to her.
Napanganga na lang ang dalaga.
"What? Party? Hindi ako sanay sa mga ganyan," tanggi kaagad ng dalaga at saka ibinalik sa kanya ang paper bag. Inihinto naman kaagad ni Knight ang sasakyan nito at malamlam ang mga mata nitong tiningnan si Empress.
"Please? Just tonight," he pleaded.
"Pero, hindi ako sanay sa mga ganyan eh, at saka hindi ako nakapag-paalam kina Papa at Mama," nakalabi nitong saad.
"Then ipagpapaalam kita sa kanila, please?" pakiusap na naman nito at nag-puppy eyes pa. Wala ng nagawa si Empress kundi ang pumayag. Dadaan na lang sila sa bahay ng dalaga upang makapag-bihis at makapag-ayos na rin ng sarili nito. Ilang sandali pa at nasa tapat na nga sila ng kanilang bahay. 'Hay, magiging tampulan na naman ako ng tsismis nito,' naiiling na saad ng isipan ng dalaga. Alam kasi nito kung gaano ka tsismosa ang mga kapit-bahay nila. Ang bibilis nilang gumawa ng kwento lalo na kung may makikita sila. 'Hindi lang kasi sila mga tsismosa at mga manghuhula rin sila! Wala ka pa ngang sinasabi ay alam na kaagad nila ang buong kwento mo! Di ba? Ang lakas maka-hula!' sigaw na naman ng isipan ni Empress. Mabilis kaagad na lumabas ang dalaga at ayaw niyang ang binata pa ang magbukas sa kanya dahil mas lalo lang lalakas ang mga tsismis sa kanya.
Paglabas pa lang ni Empress sa kotse ay nakita kaagad niya si Aling Perla na nakatingin sa direksyon ng dalaga at nagmukhang giraffe dahil sa haba ng leeg nito. May ibinulong kaagad ito sa kasama niyang si Aling Susie. Mabilis namang napatingin ang dalawa sa gawi nila lalo na ng lumabas ang binata sa sasakyan nito. Malisyosang ngumiti ang dalawa sa kanya.
"Wow! Ang gara ng nobyo mo ah!" malakas na sigaw ni Aling Perla na siyang nagpalingon sa ibang mga tao roon. 'Papansin talaga!' gigil na saad ng isipan ng dalaga. Ngumiti ito ng peke.
"A-ah, boss ko po 'yan Aling Perla," sabi ng dalaga.
"Naku! Huwag ka ng mag-lihim at halata namang nobyo mo siya," si Aling Susie naman ang nagsalita. Napa-ikot na lang ng mga mata si Empress.
"Manghuhula po ba kayo?" wala sa sariling tanong ng dalaga. Sa totoo lang kanina pa talaga naiirita ang dalaga sa kanila.
Habang ang binata naman ay hindi kumikibo at nakikinig lang.
"Ha? Hindi ah!" mabilis na sagot ni Aling Susie sa dalaga.
"Ah, hindi pala kayo manghuhula kaya huwag po kayong manghula sa nakikita niyo lang. Hanapin niyo na lang po si Liverspreads sa bodybook at instantgram, at taktik po dahil may mga account siya roon. 'Yon magaling manghula at baka mahulaan din ang mga love life niyo, legit siya promise," sabi ng dalaga at ngumiti sa kanila ng pagkatamis-tamis at saka tuluyan ng tumalikod sa dalawa. Narinig pa ng dalaga ang mahinang pag-tawa ni Knight sa likuran nito kaya naman ay napangiti na rin ang dalaga.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay nakita kaagad ni Empress ang kanyang mga magulang na nasa sala at nanonood ng television.
"Pa, Ma! Nandito na po ako at may kasama rin po pala ako," masigla nitong saad sa mga magulang. Mabilis namang humalik sa pisngi ng mga magulang niya ang dalaga. Napalingon ang mga magulang niya sa gawi ng binata. Mabilis namang lumapit ang binata ang ngumiti sa mga magulang ni Empress.
"Good afternoon! Ma'am, sir. Gusto ko po sanang ipagpaalam si Empress sa inyo at a-attend kami ng party. Kung mararapatin po ninyo," magalang na saad ng binata. Kinabahan si Empress ng makitang seryoso ang mukha ng kanyang Papa Christopher.
"Maupo ka muna hijo," ang Mama Jacky na nito ang nagpa-upo sa binata. Mabilis namang sumunod ang binata.
"Magbibihis muna ako," paalam nito sa kanila at alanganing ngumiti sa ama nito. Tumango lang ang Papa niya at mabilis na rin itong tumalikod.
"Kinabahan naman ako sa hitsura ni Papa," mahinang bulong ni Empress at mabilis na tinungo ang kwarto ng kapatid na si Majesty.
"Saan ka nagta-trabaho hijo?" pormal na tanong ni Mang Christopher sa binata.
"Isa po akong engineer sa Golden High Construction Company," magalang na sagot ni Knight. Tumayo ang Mama Jacky ni Empress at sinabing kukuha lang ng meryenda. Tumango na lang ang binata.
"Nililigawan mo ba ang anak ko?" deretsong tanong ng papa ng dalaga sa binata. Muntik ng mapamura si Knight dahil sa narinig. 'You're planning to chase and court Serafina, but here you are getting close to another girl. What a great idea man!' sarkastikong saad ng isipan ng binata. Ilang araw na nga nitong hindi naiisip ang dalaga kaya naman ay nagtataka ito sa sarili niya.
'I just want to have a great plan before courting Serafina,' depensa naman ng kabilang isipan nito. Tumikhim muna ang binata at saka nagsalita.
"Hindi ko po nililigawan si Empress, I just want to be her good friend," kalmado nitong sagot. 'What a great excuse man!' sigaw na naman ng isipan nito. Mariin ang pagkakatitig nito sa binata.
"Walang lalaking pupunta sa bahay ng babae kung wala itong balak na manligaw. Kaibigan? Aasahan kong 'yan lang talaga ang pakay mo sa anak ko." Mariin ang bawat salita nito kaya naman ay nanuyo ang lalamunan ng binata. Mabuti na lang at dumating na ang misis nito at dinalhan sila ng juice at tinapay.
"Pasensya ka na hijo at 'yan lang kaya namin," hinging paumanhin ni Aling Jacky rito. Ngumiti naman ang binata at mabilis na kinuha ang isang baso ng juice at ininom kaagad ito.
"Maraming salamat po," pasasalamat nito. Ilang sandaling naging tahimik silang tatlo sa sala. Mabuti na lang at dumating na si Empress.
"Pasensya na at natagalan ang pag-aayos ko," nahihiyang pahayag ni Empress. Lahat sila ay napalingon sa dalaga. Laglag ang panga ni Knight ng makita kung gaano kaganda sa suot niyang cocktail dress ang dalaga. Kulay itim 'yon at hapit na hapit sa katawan ng dalaga ang damit. Above the knee lang ang taas niyon. Mas lumutang ang ganda nito ng maayosan at malagyan ng simpleng kolorete ang mukha. Nangingintab ang labi nito kaya naman ilang beses na napalunok ang binata.
"Knight? Naririnig mo ba ako?" takang tanong ng dalaga sa binata.
's**t! Natulala ako sa ganda niya!' sigaw ng isipan nito.
"H-ha? Yeah! Let's go." Nautal pa talaga ang binata. Tumikhim ang papa ni Empress kaya naman ay napalingon si Knight dito. Kitang-kita ng binata ang kakaibang tingin na ipinupukol sa kanya.
Ang mga tingin nito ay parang sinasabing 'Kaibigan lang pala ha!' napa-iwas tuloy ito ng tingin sa papa ng dalaga.
"Aalis na po kami, sir, ma'am." Magalang na paalam nito.
"Hijo!" tawag ng papa ni Empress. Mabilis namang humakbang ito papunta sa binata at inakbayan ito sabay bulong.
"Bawal mo nang ligawan ang anak ko, dahil kaibigan lang ang habol mo sa kanya. Naiintindihan mo ba?" mahina nitong saad at saka tinapik ito sa balikat niya.
"Maybe, I can change my mind sir," at mabilis nitong kinindatan ang papa ng dalaga. Ngumisi lang ito sa kanya.
"Mag-iingat kayo ha," bilin pa ng mama nito.
"Opo, Ma! Bye!" nakangiting paalam ni Empress sa kanila. Ilang sandali pang nakatitig ang binata sa dalaga ng makapasok sila sa kotse ng binata.
"M-may dumi ba ako sa mukha?" naiilang na tanong ni Empress dito.
Umiling ang binata.
"You're so gorgeous that I can't take my eyes off you," ngiting banat ng binata na siyang ikinapula ni Empress.
"Palabiro ka pala," saad nito.
"I'm not kidding," depensa ng binata.
"Tayo na at gutom na ako!" nakairap na saad ng dalaga. Dahil deep inside ay may kakaiba na itong nararamdaman para sa binata.