Chapter Eight

1367 Words
Kasalukuyang naliligo si Serafina, gabi na pero dahil galing siya isang party ay naligo siya kaagad. Mabilis lang ang ginawa niyang pag-ligo. Nang matapos ito ay mabilis kaagad itong lumabas ng banyo at pumunta sa kanyang closet para makakuha ng damit pantulog niya. Isang itim na nighties ang napili niya at medyo manipis ito. Ganito talaga ang gusto niyang suot kapag natutulog. Matapos siyang makapagbihis ay agad nitong tinungo ang tokador at kinuha ang kanyang blower. Habang nagbo-blower siya ng kanyang buhok ay may biglang kumatok sa kuwarto nito. Napatigil naman ang dalaga at mabilis na tinungo ang pintuan at binuksan agad 'yon. Nagulat pa ito ng mabungaran ang mukha ng kanyang nobyo. Napalinga-linga tuloy ito sa paligid at ng makitang walang tao ay mabilis nitong hinila si Wolfy papasok sa loob ng kanyang silid at mabilis na ini-lock ang pinto. Nasa likod-bahay lang kasi ang bahay ng binata kaya malaya itong labas-masok sa bahay ng dalaga. Magsasalita na sana ang dalaga ng mabilis siya nitong niyakap. "I missed you," mahina nitong bulong sa may bandang tenga ng dalaga. Nagsitayoan kaagad ang balahibo ni Serafina at kakaibang init ang kanyang naramdaman. Nakalimutan na rin ng dalaga kung gaano ka daring ang nighties na suot nito ngayon. Ramdam na ramdam nito ang init na nagmumula sa katawan ng binata. "W-what are you doing here?" mahina nitong tanong at nautal pa talaga ito. Nang bumalik ang kanyang katinuan ay napasinghap siya dahil sa kanyang kasuotan. Wala pa naman itong bra! Nag-init ang pisngi ni Serafina sa isiping makikita nito ang halos huba niyang katawan. Inamoy-amoy pa ni Wolfy ang bandang leeg nito kaya naman ay mas lalo lang itong nakiliti. "Yan lang ba ang isasagot mo sa sinabi ko? Hmmm?" malambing pa nitong bulong. Bigla niyang itinulak si Wolfy at mabilis na tumakbo para kuhanin ang bathrobe nito na nakasabit malapit sa tokador. Narinig na lang niya ang halakhak ni Wolfy sa bawat sulok ng kuwarto ng dalaga. Mabilis niya itong nilingon. "Ano naman ang nakakatawa?" irap nito. Matapos na maisuot ang kanyang bathrobe ay saka pa lang nito hinarap si Wolfy. Nangingiti pa ito ng lumapit sa kanya. "Ikaw! Nakakatawa ang hitsura mo," inis pa ng binata. Mas lalo lang na nainis ang dalaga. "So, ano nga ang ginagawa mo rito? At baka may nakakita sa 'yo!" mahinang saad ng dalaga. Lumapit naman si Wolfy sa kanya at malambing na ipinulupot ang kanyang kamay sa beywang ng dalaga at saka siya tinitigan. "Ilang araw kaya tayong hindi nagkita dahil sa training ko, kaya miss na miss kita," malambing ang boses nito at ang kanyang mga mata ay punong-puno ng pagmamahal habang nakatitig ng deretso sa mga mata ng dalaga. Pinagdikit naman ni Serafina ang kanilang noo. "Miss na miss din naman kita, pero mag-focus ka sa training mo, mahigpit pa naman si Dad," nakangiting saad ng dalaga. Ilang segundo silang nagtitigan at hindi nagsalita hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha ng dalaga at ilang sandali pa ay nagtagpo na ang kanilang mga labi. Ramdam ni Serafina ang tamis at gigil sa bawat hagod ng mga labi nito. Lumalalim na ang kanilang halikan at nagiging malikot na rin ang kamay ni Wolfy. Marahang hinaplos nito ang likod ng dalaga. Napa-ungol si Serafina dahil sa sensasyong nadarama niya. Hindi pa sana sila titigil ngunit kailangan na nila ng hangin na dalawa. Hinihingal na napatingin si Wolfy kay Serafina. "I love you," mahina nitong saad habang ang mga mata ay deretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga. "I love you too," saad ng dalaga. "I want you to be mine forever, Hon." Seryoso ang mga mata nito habang sinasabi 'yon. "I'm yours Hon," tugon ng dalaga. Pero napatili ito ng biglang hilahin ni Wolfy ang tali ng kanyang bathrobe. "Wolfy!" tigagal na sigaw ng dalaga. "Shhh! They might here us," pilyo nitong saad sabay kindat sa kanya. "Anong ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata nitong tanong ng tuluyan nang makalas ang tali ng bathrobe niya. "I'm going to claim what's mine," seryoso nitong saad. Hindi naman tanga ang dalaga para hindi malaman kung anong ibig nitong sabihin. Nakaramdam ito ng kaba ngunit mas lamang ata ang excitement sa gustong mangyari ng binata. Unti-unti nitong ibinaba ang bathrobe nito at ngayon ay lantaran ng nasisilayan ng binata ang kanyang katawan na suot lang ang manipis na nighties. Napalunok ng ilang beses ang dalaga ng marahang pasadahan ng binata ang kanyang buong katawan. Kitang-kita ng dalaga ang nag-aalab na pagnanasa sa mga mata nito. Maging ito rin ay ganoon ang nararamdaman. "S-sigurado ka na ba sa gagawin natin? Hindi pa tayo kasal at magkakasala tayo kung gagawin natin 'to," mahina niyang protesta. Kahit gustong-gusto na niyang maranasan ang ganoong bagay ay iniisip niya pa rin ang magiging consequences ng gagawin nila. Wala namang duda na mahal na mahal nila ang isa't-isa. "Nag-aalinlangan ka ba? Pananagutan kita sa anomang mangyayari sa atin ngayon, Serafina." Puno ng pagmamahal ang bawat pagbigkas nito at dahil mahal na mahal niya ang binata ay tumango ito. Naging senyales iyon upang tawirin ni Wolfy ang pagitan nila ng dalaga. Mabilis lang nitong nahubad ang saplot ng dalaga, at ilang sandali pa ay ito naman ang naghubad ng kanyang kasuotan. Napatakip pa si Serafina ng kanyang mga mata na siya namang ikinatawa ng binata. Pinaligaya nila ang isa't-isa. Napuno ng ungol ang bawat sulok ng kuwarto ng dalaga. Alam naman ng binata na unang karanasan pa lang ito ng dalaga kaya naman ay ingat na ingat ito sa pagkuha ng p********e nito. "Ang s-sakit," daing ng dalaga. Mabilis namang hinalikhalikan ng binata ang buong mukha ni Serafina hanggang sa unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman nito. Hindi alam ng dalaga kung anong oras na silang nakatulog dahil hindi lang iisang beses nilang ginawa ang bagay na 'yon. Kinabukasan ay tanghali na ng magising si Serafina. Hindi nito halos maigalaw ang kanyang katawan. Nararamdaman din nito ang hapdi sa bandang gitna nito. 'I can't believe I already lost my virginity. Pero hindi ko pinagsisihang si Wolfy ang naging unang lalaki sa buhay ko at sisiguraduhin kong siya na rin ang magiging huli,' napangiti na lang ang dalaga sa naisip. Hindi na niya nakita si Wolfy pagkagising ng dalaga. 'Hindi ba napagod ang isang 'yon? At maaga pa ring nagising?' tanong ng isipan ng dalaga. Tatayo na sana ito ng mapaupo lang ulit. Nakita pa nito ang bakas ng dugo na naging ebedensiya ng pagkawala ng puri nito. Ilang sandaling naupo si Serafina. Ngunit akmang tatayo na ito ng bigla na lang pumasok ang binata. Nagtama ang paningin nila at mabilis na namula ang pisngi nito. Isinara kaagad ni Wolfy ang pinto at lumapit sa pwesto ni Serafina. May dala itong tray na may nakalagay na pagkain. "Good morning!" magiliw nitong bati sa kanya. 'Wow! Siya nakaligo na, samantalang ako ay hirap na hirap man lang sa pagtayo!' naiinis na sigaw ng isipan nito. "M-morning!" nahihiya pa rin nitong bati. Hubo't-hubad pa siya sa ilalim ng kumot kaya naman ay hindi siya makatingin ng deretso rito. "Breakfast in bed for my beautiful girlfriend," ngiti pa nitong saad. Napangiti na rin ang dalaga. "Kumain ka na at mainit pa ang sopas, may pain reliever din at inumin mo pagkatapos mong kumain," malambing nitong saad. "A-ahm, Hon? Pwede mo ba akong tulungan?" nahihiya niyang tanong sa binata. "Why?" tanong nito. Napalunok ang dalaga at napa-iwas ng tingin. "K-kasi g-gusto ko m-munang magbihis, p-pero h-hindi ako makatayo," mahina nitong saad. Napangiti na lang ang binata. Walang sabi-sabi ay bigla na lang na binuhat ng binata ang dalaga patungong banyo. Inihanda rin ng binata ang kanyang damit. Matapos na makapagbihis at makakain ang dalaga ay agad namang umalis ang binata at sinabi nitong pupuntahan ulit mamaya upang dalhan ng pagkain. Sinabi raw nito sa kanyang magulang na may sakit ito at hindi makababa. Ilang minuto na ring nakaalis si Wolfy. Bigla namang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang may new message siya. Mabilis niya kaagad itong binuksan at nanlaki ang mga mata ni Serafina sa nabasang mensahe. Nanginginig ang kamay niyang binitiwan ang cellphone at saka pinatay. Ayaw na niyang maalala ang nangyari noon dahil kinalimutan na niya ang bangungot ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD