Chapter Seven

1159 Words
"Ate! Gising na!" tawag ng kanyang kapatid. Ilang beses pa itong kumatok sa kanyang silid bago bumangon si Empres. "Gising na!" balik niyang sigaw dito. Ilang sandali lang itong nakatulala sa kawalan at nangingiting tinungo ang sariling banyo sa loob ng kanyang silid. Ayaw kasi nitong lumalabas pa sa gabi para mag-bawas kaya ginawan siya ng kanyang papa ng sarili nitong banyo. Napapangiti pa siya ng maalala ang gwapong mukha ni Knight. 'Gusto ko na ba siya?' tanong ng kanyang isip. Napa-iling na lang ang dalaga. Kinuha na nito ang kanyang towel at mabilis na pumasok sa banyo at naligo. Binilisan nito ang kanyang kilos, mabilis lang siyang nakapag-bihis at tiningnan ni Empress ang mukha niya sa salamin. 'Dapat yata akong mag-ayos at baka bigla kong makita si Knight,' anang isipan pa niya. Dahil hindi naman mahilig mag-ayos ay tanging pulbos lang ang meron ito. Sinuklay niya na lang ang kanyang mahaba at makintab na buhok. Nang makapasok sa kusina ay nakita niya si Majesty na nagsisimula ng kumain. Naghila kaagad ito ng upuan at mabilis na tiningnan ang kapatid. "Maj, pahiram naman ng mga pampaganda mo," mahina nitong bulong at baka bigla na lang pumasok ang mga magulang nila. Tumaas naman ang kilay ng kapatid niya. "Bakit magpapaganda ka?" taas-kilay nitong tanong. Napanguso na lang si Empress. "Gusto ko lang naman subukan, at ano namang masama kung magpaganda nga ako?" balik tanong nito sa kanyang kapatid. Nagkibit-balikat lang naman si Majesty. "Sa kwarto ko na lang ikaw mag-ayos at tuturuan kita paano mag-apply," ngiti nito sa kanya at kumindat. Natawa na lang talaga si Empress sa kalukohan ng kapatid nito. Pero wala siyang magagawa dahil kailangan niya ngayon ang tulong ni Majesty. Matapos silang kumain ay sabay na nilang tinungo ang silid ni Majesty. Kumpara sa silid ni Empress, ang silid ng kapatid nito ay girly style pero dahil sa burara ito ay makalat ang silid nito kumpara sa simpleng ayos at malinis na kuwarto ni Empress. "Maupo ka rito Ate, bilis!" mukhang si Majesty pa ang mas excited sa kanilang dalawa. Umupo siya sa silya at tiningnan ang mukha nito sa salamin. Napangiti ang dalaga ng makitang kahit wala pa itong make-up ay sadyang lumilitaw ang kanyang natural na ganda. Sinimulan na siyang ayusan ni Majesty. "Dapat may facial cream ka, tapos lagyan natin ng pressed powder, at dapat simple lang Ate, huwag mong damihan. Pikit mo 'yong mga mata mo at lagyan natin ng light eyeshadow," utos ni Majesty. Pumikit naman kaagad ito at nilagyan na siya ni Majesty ng eyeshadow. "Lalagyan din kita ng blush on, pero light lang din dahil maganda ka naman Ate eh," saad pa nito. Napangiti na lang siya sa sinabi ng kapatid. "Ayan almost perfect na! Ayusin ko lang 'tong kilay mo, lalagyan ko lang ito ng brows soap dahil itim na itim na naman 'yan eh!" pagpapatuloy ni Majesty. Ni hindi nagsalita si Empress at tumatango lang ito sa sinasabi ng kapatid. "Wow! Ang ganda mo Ate! Lalagyan na lang kita ng tinted lip therapy balm, para natural pa rin ang kulay ng labi mo!" dagdag niya pang saad. Matapos ang make-over nito ay mabilis niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ito makapaniwala na mas lumitaw pa ang ganda nito. "Salamat Maj! Saan mo ba nabili ang mga cosmetics mo?" tanong ni Empress dito. "Search mo lang sa page Ate, TSP Miracles Cosmetics Product at makikita mo ang iba't-ibang produkto nila na pampaganda!" pagbibigay-alam kaagad ng kapatid nito. "Ikaw na ang mag-order at mamili ka na rin ng gusto mo at ako na ang magbabayad," nakangiti nitong sabi. "Naku! Salamat Ate!" masaya namang saad nito. Muli ay tiningna niya pa ang kanyang sarili sa salamin at napangiti ng maisip si Knight. 'Magustuhan niya kaya ako?' tanong pa ng isipan niya. Mabilis lang na nakarating si Empress sa kompanyang pinagta-trabahuan nito. As usual ay si Kier pa rin ang naghatid kay Empress at natawa ang dalaga dahil sa panay ang paninitig nito at panay rin ang puri sa kanya. Nangingiti na lang talaga ito sa kababata niya. Mabait naman ito kaya lang ay hanggang kaibigan lang talaga ang nararamdaman nito para sa binata. "Good morning!" bati ni Pearl sa kanya. "Good morning din," ganting bati niya rito. "Blooming ka ah! Nagdadalaga ka na ba?" biro ni Pearl sa kanya. Natawa na lang ito sa kanyang kaibigan. "Ewan ko sa 'yo! Mag-trabaho na nga tayo," pag-iiba pa nito ng usapan. "Ahem! May nanliligaw na ba sa 'yo?" bulong ni Pearl sa kanya na siyang ikinalaki ng mga mata ni Empress. Mabilis nitong tinampal sa braso si Pearl. "May makarinig sa 'yo at sabihin pang totoo," mahina niyang saad. "Bakit wala ba?" di makapaniwala nitong tanong. "Wala!" pinal niyang saad at nagsimula na ring magtrabaho. Nasa entrance pa lang ang binata ay kitang-kita na niya ang dalaga. Napangiti pa siya dahil dumaan lang talaga ito para masilayan ang dalaga. May kausap ito ngayong isang kliyente at panay naman ang ngiti ng dalaga habang kausap nito ang lalaki. Bumangon ang galit sa sistema ng binata at gusto niyang pilipitin ang leeg ng lalaki. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang lalaki. Mabibilis ang hakbang nitong pinuntahan ang dalaga. Namangha pa siya dahil sa ganda nito, mas lalo ata itong gumanda sa paningin ng binata. 'Man wake up! You're drooling over her! Get a grip man!' sigaw ng isipan ng binata. Napa-iling na lang siya at mabilis na lumapit sa pwesto nito. "Hi gorgeous!" malambing nitong bati na ikinabigla at ikinapula ng mukha ng dalaga. 'Why so cute when she's blushing!' puri ng isipan ni Knight. "H-hello! Ano pa lang ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga. 'Hinihintay mo naman talaga siya di ba?' sigaw ng isipan ni Empress. Lalo lang tuloy na namula ang mukha ng dalaga. "I'm here to see Speed," sagot nito. 'Ano bang akala mo? Ikaw ang pupuntahan niya rito? Assumera ka girl?' kantiyaw ng isipan ni Empress. "Nasa opisina na po si sir Speed, pwede niyo na siyang puntahan," tugon ni Empress at nasa tinig nito ang disappointment. "Thanks, by the way you're so beautiful. Can I invite you a dinner for tonight?" he asks her. Hindi kaagad nakapag-salita ang dalaga dahil pinoproseso pa nito ang sinabi ng binata. 'Iniimbita ka girl! Pumayag ka na!' saad ng isip niya. 'Girl huwag naman maging marupok! Magpakipot ka muna!' sigaw naman ng kabilang isipan niya. Hindi umimik ang dalaga at ilang minuto siyang nakatulala. Kung hindi pa ito siniko ni Pearl ay hindi pa ito matatauhan. "Girl, sabi ni pogi kung pwede bang makipag-date sa 'yo!" bulong ni Pearl sa kanya. "Date?" wala sa sariling tanong nito. Itinuro ng kaibigan niya si Knight na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa kanyang magiging sagot. 'Pumayag ka na!' sigaw ng nasa kanan nitong isipan. 'Huwag! Pakipot ka muna! Mag-dahilan ka!' sigaw naman ng nasa kaliwa nitong isipan. Mas lalo lang itong nalito. "Ahm..." 'yon lang ang lumabas sa bibig ni Empress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD