Dinala ni Knight si Empress sa isang mamahaling restaurant.
"Ang mahal dito," komento ng dalaga.
Ngumiti lang si Knight sa kanya. Inalalayan ng binata ang dalaga at pinaghila ng upuan. Tiningala siya ng dalaga at nginitian bago nagpasalamat.
"Thank you," she said. Naupo na rin naman ang binata at saka tinawag ang waitress. Mabilis namang ibinigay ng waitress ang menu.
"What do you want?" he asked her sweetly. Napatingin naman si Empress sa menu at nanlaki ang mga mata niya dahil ang mamahal ng mga pagkain.
Alanganin siyang napatingin kay Knight.
"Is there something wrong?" he asked her. Napangiwi naman ang dalaga rito.
"Eh..." napakamot pa ito sa pisngi nito kahit hindi naman makati. Tinaasaan siya ng kilay ng binata at hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya.
"...ang mamahal kasi eh, nakakahiya naman," she said while pouting her lips.
Napalunok naman si Knight ng makita ang maninipis at mapupulang labi ng dalaga. 'Why I found her cute when she's pouting? And I want to kiss her lips,' sa isip ng binata.
"Knight!" tawag ng dalaga dahil mukhang natulala na ito. Napakurap-kurap naman si Knight. 's**t! Nakakahiya!' sigaw ng isipan niya. He cleared his throat first before talking to Empress.
"D-don't worry about the price just order what you want," nautal pa talaga ang binata at saka binigyan ng matamis na ngiti ang dalaga.
"Sige, ikaw ang bahala." Namili na ang dalaga at dahil mukhang magiging dinner na naman ito kaya heavy meals na ang i-ni-order nito. Sinabi niya sa binata ang order niya. Tinawag na ni Knight ang waitress at saka sinabi ang order nila. Dinagdagan din ng binata ng red wine at cake.
"You love beef steak?" he asked her.
"Yup at favorite ko rin ang salad at alimango," nakangiting saad ng dalaga.
"Really? Magkatulad pala tayo ng favorites," nakangiti ring pahayag ng binata.
"Talaga? Mukhang magkakasundo tayo ah!" masayang sabi ni Empress.
Nag-kuwentuhan muna silang dalawa.
"So, ikaw pala ang usap-usapan na bagong Engineer na hot and yummy!" biro ni Empress dito. Natawa naman ang binata.
"Did you find me hot and yummy?" he teased her. Namula naman ang dalaga na siyang ikinatawa ng binata.
"Hindi naman ako ang nag-bansag sa 'yo niyan eh," nakanguso nitong saad.
"Can you please stop pouting?" seryoso ang mga mata nitong pakiusap. Nabigla naman ang dalaga kaya naman ay napatitig ito rito. Bumilis ang pintig ng puso niya ng makita ang kakaiba nitong titig.
"H-ha? Bakit ano bang masama sa pag-nguso?" takang tanong ng dalaga.
"I might kiss you," deretso nitong pahayag na siya namang ikinalaglag ng panga ni Empress. Tumawa siya ng peke para pagtakpan ang nag-iinit niyang pisngi.
"Hahaha! Mapag-biro ka pala!" umarte talaga siyang tawang-tawa kahit ang totoo niyan ay naiilang na ito sa kakaibang mga titig nito. Napapaypay pa ito sa kanyang mukha. Bigla-bigla na lang kasing uminit ang paligid.
"I'm not kidding." Sabi nito na hindi man lang nagpaligoy-ligoy. Napangiwi na lang tuloy ang dalaga at hindi na nakapag-salita pa. Mabuti na lang talaga at dumating na ang order nila kaya sa pagkain na lang itinuon ni Empress ang kanyang attention. Naging musika na lang nila ang kalampag ng mga kubyertos na gamit nila.
"Are you mad?" tanong ni Knight na siyang bumasag sa katahimikan nila.
Nag-angat ang dalaga ng paningin at tumitig sa binata.
"H-ha? B-bakit naman ako magagalit?" kandautal niyang tanong.
"I'm sorry at nabigla ata kita kanina. By the way do you have a boyfriend?" kaswal nitong tanong na siyang dahilan upang mabilaukan ang dalaga. Kumakain kasi ito ng cake ng sabihin 'yon ng binata.
'Wala bang preno ang bibig niya?' sa isipan ng dalaga. Mabilis namang binigyan ng binata ng baso ang dalaga at dahil sa pagmamadali ay wine ang ibinigay nito na mabilis namang ininom ni Empress. Dahil nga wine ay nakaramdam siya ng init sa kanyang lalamunan.
"T-tubig!" sabi niya sabay kuha ng isang baso ng tubig. Inisang lagok niya lang iyon, tiningnan niya ng masama si Knight.
"Bakit wine naman ang ibinigay mo?" asik niyang tanong dito. Napakamot naman ito sa kanyang ulo.
"Sorry, nabigla kasi ako eh," mahina niyang sabi. 'Kung ano-ano kasi ang tinatanong mo! Ayan tuloy nabilaukan ako!' gusto sana nitong isatinig pero itinikom na lang nito ang kanyang bibig.
"Kung bakit pa kasi boyfriend kaagad ang tinanong mo eh!" bubulong-bulong na saas ni Empress.
"So, do you have a boyfriend?" muli nitong tanong. Napanganga na lang ang dalaga. 'Seryoso ba talaga ito?' sa isip ng dalaga. Napabuntong-hininga na lang ito at tiningnan ang binata.
"Wala, no boyfriend since birth po ako," sagot nito na ikina-bigla ng binata.
"Whoa! Really? Sa ganda mong 'yan walang nanliligaw sa 'yo?" hindi makapaniwala nitong tanong.
"Hindi ko pa priority ang magkaroon ng nobyo, marami pa akong pangarap sa pamilya ko," kwento ng dalaga.
Natahimik naman ang binata. 'Why I felt that I want to court her?' sa isipan ng binata.
"Yeah! That's right," sang-ayon nito.
"Let's go?" yaya na ng dalaga rito.
"Maaga pa naman, pwede naman tayong maglakad-lakad muna?" suhestiyon naman ng binata habang inalalayan ang dalaga sa pag-tayo.
"Huwag na, may pasok pa ako bukas at baka nag-alala na rin sina Papa at Mama," tanggi ng dalaga. Napatango na lang ang binata at sabay na silang lumabas ng restaurant.
"Can I drop you at your house?" he suggested. Napatango lang ang dalaga at mabilis namang pinag-buksan ni Knight ng sasakyan ang dalaga. Mabilis kaagad na umikot ang binata at sumakay na ng kotse.
"Can I have your number?" tanong nito habang nasa biyahe sila. Mabilis naman na nilingon ito ni Empress.
"Bakit naman?" takang tanong ng dalaga.
"I want to be your friend, and friends are texting each other," paliwanag pa nito.
"Akin na ang cellphone mo at ako na ang magta-type," sabi ng dalaga. Mabilis namang ibinigay ng binata ang cellphone nito. Matapos mag-tipa ng numero ay ibinalik niya kaagad sa binata ang cellphone nito.
"Thank you," sabi nito sabay kindat na tinawanan lang ng dalaga. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na rin sila sa bahay nila Empress.
"Huwag ka ng bumaba pa at baka ma-issue pa ako ng mga marites naming kapit-bahay," mahinang bulong ng dalaga.
"Okay, take care." Kumaway pa ito sa dalaga.
"Ikaw ang mag-ingat dahil magmamaneho ka pa," ngiti niya rito.
Nang makarating si Empress sa bahay nila ay mabilis siyang naligo at nag-bihis ng kanyang pantulog. Akma na siyang hihiga ng makita niyang umiilaw ang kanyang cellphone hudyat na may nag-text sa kanya. Mabilis nitong kinuha ang cellphone at binuksan ang kapapasok lang na mensahe.
Unknown number:
Good night and please dream of me.
Loving, K.
Napangiti ang dalaga matapos basahin ang text nito. Alam nitong si Knight ang nag-text sa kanya. Halos mag-lupasay pa siya dahil sa kilig.
'Gusto ko na ba siya? Bakit kinikilig ako? Ay! Gusto ko na talaga siya!' sigaw ng isipan nito na mukhang nabaliw na rin.
Nakatulog ito ng may ngiti sa kanyang mga labi.
-
Nangangati ang buong katawan ng binata at mabilis niyang tinawagan ang kaibigan dahil nag-tungo ito sa hospital para malunasan ang kanyang allergy.
"What's up dude!" nakangiti pang bati ng kaibigan nito.
"I'm not fine!" simangot na saad ng binata.
"Saan ka ba kasi nagsusuot at nagka-allergy ka?" takang tanong ng kaibigan nito.
"Not of your business," pasuplado nitong tugon na siyang ikinatawa ng kaibigan nito.
"Sungit! Mabuti pa ako at may date kanina!" nakangising saad ng kaibigab nito.
"Whatever!" sagot naman nito. Natigil lang ang bangayan nila ng dumating na ang doctor na gagamot sa binata.