Chapter Five

1224 Words
Hindi talaga maintindihan ni Empress ang kakaiba niyang nararamdaman para sa lalaking parati niyang nakakabangga. Ilang araw na rin itong laman ng isipan ng dalaga. Ang mga mata nitong kung tumingin ay parang nababasa ang kaluluwa niya. Sa totoo lang ay gwapo ang binata. Makapal at itim na itim ang buhok, matang nangungusap, matangos na ilong at maninipis at mapupulang labi. Matangkad din ito at maskulado, ang kanyang balat ay makinis na kakulay ng pinaghalong gatas at kape. "Arg! Gumising ka nga sa kahibangan mo!" sita niya sa sarili. Para siyang baliw na nakatingin sa salamin. Nag-ayos na lang ito ng kanyang sarili at nag-retouch. Ayaw naman ng dalaga na mag-mukha siyang timang sa harap ng kliyente nila. "Kaya mo 'yan, Empress! Fighting!" huling sabi nito at saka tumalikod na at lumabas ng banyo. Nakita niya ang isa nitong kasamahan na ngayon ay may kausap na lalaki. Ipinaskil kaagad ng dalaga ang kanyang matamis na ngiti. Pero unti-unting nawala ang ngiti ng dalaga ng mag-tama ang paningin nila ng lalaking kani-kanina lang ay laman ng isipan niya. Biglang napasimangot ang dalaga. "Ayan na pala si Empress!" nakangiting saad ni Pearl. Ngumiti ang dalaga ng peke rito. Paglapit ng dalaga sa kanyang pwesto ay siya namang pag-ayos ng binata sa pagtayo nito. "Good morning, sir!" magalang na bati ni Empress sa kanilang bisita. "Just call me Knight, drop the formality," he said and smiled at her sweetly. Siniko-siko pa ito ni Pearl dahil kinikilig ang kaibigan niya. Tumikhim muna ang dalaga bago nag-salita. "I'm sorry sir, this is business hour and I can't call you by your first name," pormal nitong pahayag. Napatango-tango naman ang binata. "So, you can call me by name outside this building? I'm hoping that," he said and winked at her. Empress is now blushing with that simple wink. She heard Knight's little laugh. Nahiya tuloy ito kaya naman ay napayuko ang dalaga. "I love it when you're blushing..." he trailed off and look in his expensive watch and he look at her again. "... I think I should go now, I have important meeting. I just drop here to see you." Tumalikod kaagad ito ng wala man lang paalam at natulala pa si Empress dito. Kung hindi lang sa mahinang hampas at sa kinikilig na si Pearl ay hindi ito matatauhan. 'Ano bang nangyayari sa akin? Bakit sa tuwing napapalapit ang binata ay bumibilis ang t***k ng puso ko at nawawala ako sa aking sarili?' tanong ng isipan ni Empress. Buong hapon ay ito lang ang laman ng kanyang isipan at ni hindi mawaglit ang mukha ng binata sa kanyang balintanaw. "Ikaw ah! May pumuporma na pala sa 'yo!" kantiyaw ni Sapphire kay Empress habang papalabas sila ng building. "Ha? Wala kaya!" tanggi naman ng dalaga. Bigla na lang kasi nitong naisip si Knight kaya namula tuloy ang mga pisngi niya. "Oh! Bakit naman namumula 'yang pisngi mo? May nangyari ba?" kinikilig na naman nitong tanong. Bigla nitong hinawakan ang kanyang pisngi at ramdam nga niya ang init doon. "Wala naman eh! Mainit lang talaga!" saad nito sabay irap. "Iniisip mo siya ano-" hindi natapos ni Sapphire ang sinasabi nito dahil bigla na lang may nagsalita sa likuran nila. "Hi Empress!" he greeted her. Ngumiti ito sa dalaga kaya naman ay kitang-kita nito ang kanyang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Ilang beses na napalunok ang dalaga dahil sa karismang taglay nito. "Besh! Bumabaha na ng laway mo! Punasan ko lang ah!" biro ni Sapphire at pinunasan pa talaga ang kanyang bibig ng panyo nito. Nakanganga pala ang dalaga habang matamang nakatitig sa binata. Bigla itong natauhan ng magsitawanan ang kaibigan nito at si Knight. 'My gosh! Nakakahiya! Umayos ka nga Empress! Please lang!' kastigo ng isipan nito. She cleared her throat at saka nagsalita. "Heh! Nagulat lang ako! Hindi ako hayok sa mga gwapo!" mariin nitong saad sa kaibigan at pinandilatan niya pa ito ng mga mata. Tumawa lang naman ang kaibigan niya. "Sige, mauna na ako at mukhang may sundo ka!" paalam pa nito na sinamahan pa ng biro. "Hoy! Di ba may lakad tayo?" tanong nito kay Sapphire. Sa totoo lang ay wala naman talaga silang lakad, nagsinungaling lang ito upang makaiwas sa binatang nasa harapan nila. "Cancel na muna natin 'yong 'lakad' natin at parang may hindi makapag-hintay dyan!" saad pa nito na pinagdiinan talaga ang salitang lakad. "I want to talk to you in private," singit naman ni Knight. Kaya lalo lang na napasimangot ang dalaga. "So, besh! Babush!" paalam ni Sapphire at mabilis na umalis. Walang nagawa si Empress kundi paunlakan ang paanyaya ni Knight. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" nakasimangot nitong tanong. "About us!" mabilis na sagot ni Knight. 's**t! Really man? Nababaliw ka na nga talaga! You came here just to chase Serafina not the other girl!' kastigo ng isip ni Knight. Nalito tuloy siya kung ang susundin niya ba ang kagustuhan ng kanyang puso o ang ibinubulong ng kanyang isipa? Nakanganga namang napatingin ang dalaga sa kanya. "Wala namang tayo ah?" biglang naibulalas na tanong ni Empress dito. "H-ha? I mean, I-i want to know you more," nautal pa ang binata ng sabihin niya 'yon. 's**t man! Where's your balls!' anang isipan ni Knight. Nawawala talaga siya sa tamang pag-iisip kapag nakikita nito ang dalaga. He can't control his emotions, parang may gayuma ito dahil sa tuwing nakikita at nakakasama niya ang dalaga ay bumibilis kaagad ang pintig ng puso niya. 'Is it normal? Or it just lust I felt about her?' litong tanong ng isipan nito. "Are we going? Or you will just stared at me all day!" Empress snapped him. Napakamot naman sa ulo ang binata at parang biglang nahiya. Napangiti tuloy ang dalaga rito. 'Ang cute naman niyang mahiya! Para lang siyang bata!' kinikilig na saad ng isipan ni Empress. Tumikhim muna ito at saka ngumiti. "Let's go?" yaya nito at bigla na lang hinawakan ang kamay ng dalaga. Bigla namang parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan kaya naman ay nahila nito ang kamay na hawak ng binata. "S-sir, a-ano kasi-" hindi nito naituloy ang sasabihin nito ng putulin 'yon ni Knight. "Call me by my first name, nasa labas ka na ng trabaho mo di ba?" saad niya sa maawtoridad na boses. Napalunok tuloy ang dalaga. "A-ano kasi s-sir-" muli ay naputol na naman ang sasabihin nito. 'Ano ba naman 'yan! Hindi niya ba ako patatapusin sa pagsasalita ko?' inis na tanong ng isipan ng dalaga. "If you call me 'sir' again, I will kiss you," nagbabanta nitong saad. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa dalaga. Napamaang tuloy si Empress dito. "H-ha? S-si- K-knight!" nagkanda-utal ang dalaga sa pagsasalita dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng binata sa kanyang mukha. Namimilog ang mga mata nito at ilang beses pang napalunok. 'Is he going to kiss me? Should I close my eyes? Oh my gosh!' nalilitong anas ng isipan ni Empress. Ilang segundo pa ang lumipas at napapikit ang dalaga. Naramdaman na lang nito ang mainit nitong palad sa kanyang mukha kaya naman ay napadilat ito. She saw the playful smile in Knight face. 'What the heck? He's playing tricks on me!' sigaw ng isipan niya kaya naman ay namula siya dahil sa kahihiyan. "Let's go!" saad ng binata sabay hila sa kamay nito. 'Why I'm feeling this way?' sa isip ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD