Dahil sa sobrang kalasingan ay mabilis na nakatulog si Knight.
Kinabukasan ay araw ng linggo at balak muna nitong mamasyal. Kailangan pa nitong mag-isip ng plano upang maisakatuparan ang pagpapa-ibig nito kay Serafina. Talagang matigas ang puso ng dalaga para sa binata. Kung hitsura ang pagbabasehan ay hindi naman ito matatalo dahil malakas na ang s*x appeal nito. He's handsome and a good looking too. Every woman chasing him. Kung sa ugali naman masasabing mabait naman ito kahit na nga ba babaero ito. But now he's willing to be a one woman man. Naglakad-lakad lang muna ito para mas makapag-isip ng maayos. Dahil sa daming iniisip ay hindi niya namalayan ang isang tumatakbong babae kaya naman ay hindi kaagad ito naka-iwas ng bumangga ito sa katawan niya. Natulala pa ang binata dahil sa bilis ng pangyayari.
"Ay! Lagot ako kay Mama nitong nabasag na mga itlog!" naiinis na saad ng dalaga na siyang ikinabalik ng diwa ng binata. Tinulungan niya kaagad ang dalaga sa pagpulot ng mga nabasag na itlog.
"Sorry Miss," paumanhin pa ng binata. Tiningala naman siya ng dalaga habang naka-kunot ang noo.
"Bakit ka nag-so-sorry?" malamyos ang boses ng dalaga ngunit mababakas pa rin doon ang inis.
"H-ha? Kasi nabasag ang mga itlog?" di siguradong saad ng binata. Napabuntung-hininga na lang si Empress.
"Mabuti na nga lang hindi kasali ang itlog mo sa nabasag," bubulong-bulong na saad ng dalaga. Hindi naman maintindihan ni Knight ang sinasabi nito kaya naman ay tinanong niya ito ulit.
"What did you say?" ang binata sa dalaga. Umangat na ang ulo ng dalaga at nanlaki ang mga mata nito ng makilala ang lalaki.
'Siya 'yong kaibigan ni Sir Speed na kung makatitig ay parang nangangain ng buhay!' sa isipan ng dalaga.
"H-ha? Sabi ko hindi mo naman kasalanan eh!" mabilis itong tumayo at kung minamalas nga naman ay tumama pa ang ulo ng dalaga sa may baba ng binata.
"Ouch!" daing ni Knight. Mabilis namang dinaluhan ng dalaga ang binata.
"Hala! Sorry!" ito naman ang humihingi ng sorry sa binata. Hinawakan niya pa ang baba nito. Hindi man lang binigyang pansin ng dalaga ang pagkakalapit ng mukha nilang dalawa. Hinipan ni Empress ang baba nito at nanigas ang katawan ng binata.
'Bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa babaeng 'to? Una ko pa lang itong nakita sa reception area ay kakaiba na ang naramdaman ko rito' anang isipan ni Knight. Medyo lumayo ang binata at tinitigan ang mukha ng dalaga. She's really a beauty. Napakaganda ng kanyang mabibilog na mga mata. Bumagay pa rito ang makakapal na kilay at matataas na pilikmata. Matangos din ang ilong nito at natural lang na mapula ang labi nito. Ilang beses na napalunok ang binata. He wants to touched her milky white skin. Nang mapadako ang mga mata ng binata sa dibdib nitong malalaki at mabibilog, ang sarap sanang pisili- Isang malakas na sampal ang dumapo sa binata. Nagtataka siyang tumitig sa dalaga.
"Bastos!" singhal nito at mabilis na tinalikuran ang nakatungangang binata.
Inis na inis si Empress ng pasadahan siya ng tingin ng binata. Unang beses pa lang ay kakaiba na ito kung tumingin. At kanina ay halos hubaran na nito ng tingin ang dalaga kaya walang anu-ano ay pinadapo ng dalaga ang palad nito sa mukha ng binata. 'Itlog niya sana ang mabasag!' sigaw ng isip ng dalaga.
Nakaka-ilang hakbang pa lang ang dalaga ay may humawak na sa kanyang braso. Paglingon ng dalaga ay nakita niya ang amusement sa mukha ng binata. Mas lalo lang itong nainis.
"Bitiwan mo nga ako!" sigaw pa ni Empress dito.
"Let me explain, okay? I didn't intend to offend you, but honestly, I'm checking you out. You're too beautiful not to notice," he explained. Napanganga naman ang dalaga rito.
"Whatever!" saad ni Empress sabay talikod dito. 'Napaka-mahangin! Hmp!' sa isipan ng dalaga.
Tanging pag-tanaw na lang ang nagawa ng binata sa dalaga. Napangisi pa ito ng maalala ang mabibilog nitong dibdib.
's**t man! What are you thinking?' sa isip ng binata at napa-iling-iling ito bago bumalik sa kanyang condo.
Naiisip pa rin ng binata ang dalaga hanggang ngayon. 'Get a grip man! Si Serafina ang isipin mo at hindi ang babaeng 'yon!' muling kastigo ng isipan ni Knight. Tinungo niya ang kama at nahiga na roon. Ngunit ilang minuto pa lang siyang nakahiga ay malakas na tumunog ang cellophane ng binata. Mabilis naman kaagad niya itong kinuha at sinagot ng makitang si Speed ang caller.
"Bro! What's up?" bati kaagad ni Speed dito. Bumangon si Knight at umayos nang upo.
"Fine man!" sagot naman ni Knight dito.
"Wanna hang out with me?" tanong nito. Naririnig pa ni Knight ang lakas na background music kaya mabilis nitong nalaman na nasa bar ang kaibigan.
"This early?" gulat nitong tanong. Tiningnan niya ang oras at nakita niyang mag-a-alas dos pa lang ng hapon.
"It's a birthday party bro! I'm invited here! And guess what? Serafina is here too!" pilyo ang boses na saad ni Speed. Mabilis namang bumangon si Knight.
"Okay! Send me the address!" matapos 'yong sabihin ay mabilis na kaagad itong nag-bihis at halos iligo na nito ang paborito nitong men's perfume. Mabilis kaagad nakalimutan ng binata ang pag-iisip kay Empress at nabaling na naman ang kanyang isipan kay Serafina. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakakatulog. 'Tadhana na ang naglalapit sa ating dalawa' sa isipan ng binata at nakangiti ito habang papalapit sa kanyang kotse. Dahil sa lutang ang kanyang isipan ay hindi niya namalayan ang babaeng nakatalikod at nabangga niya ito.
"s**t!" mariing mura ng babae. Mabilis na tinulungan ni Knight ang babaeng nabangga niya at nanlaki ang mga mata nito ng maalalang 'yong babaeng kabangga rin niya kanina ang siyang nasa harapan nito ngayon.
Inis na tiningnan ni Empress ang binata.
"Nananadya ka na ba talaga?" inis nitong bulyaw sa binata. Muli ay nabasag ang mga itlog na ide-deliver sana ng dalaga.
"What? I'm not!" tanggi kaagad ng binata rito.
"Sa susunod 'yang itlog mo na ang babasagin ko!" mariing saad ng dalaga rito. Napanganga naman si Knight at hindi makapaniwala sa narinig.
"You know what? We always bump to each other, are we meant to be?" pilyong tanong ng binata rito.
"Hmp! In your dreams! Bayaran mo 'yang nabasag mo!" pagtataray pa ni Empress dito. Mabilis namang dinukot ng binata ang wallet nito at saka binigyan ng isang libo ang dalaga.
"Limang daan lang 'to! Heto ang sukli!" at ibinigay ni Empress ang pera sa binata.
"Just keep it! Here's my calling card. Just call me anytime, if you need help," nakangiti nitong saad sabay kindat sa dalaga. Napatulala na lang ang dalaga at nagulat pa ng bumusina ang binata.
'Preskong unggoy!' anang isip ni Empress at itinago ang calling card ni Knight.