bc

My Sugar Daddy

book_age18+
755
FOLLOW
3.4K
READ
sex
age gap
drama
twisted
bxg
humorous
secrets
slice of life
affair
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Red Esteban came from a difficult upbringing, and being a 'Sugar Baby' is her last resort to make a living. On her 18th birthday, her life suddenly turned upside down as she was given a chance to start a new. While working on her new life, she's starting to know more of her darkest secrets.

"It's just work. I only did that because it's part of the work... and not because I like older men, right?... right."

chap-preview
Free preview
Is it nice to be Eighteen?
"Here, I'll give you three times of your allowance. Buy something, it's your birthday after all", abot sakin ng sobre ni David. Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang mga kamay nito bago iyon tuluyang kinuha. Marahan itong umupo sa paanan ng kama saka malamlam akong tinitigan. Ngumiti lang ako rito dahil walang salita ang gustong lumabas sa labi ko. "Hindi ka ba magsa-shower? You're kinda sweaty", marahan nitong halakhak habang nilalaro ang mga daliri ng paa ko. Napabuntong hininga na lang ako saka pabatong hiniga ang sarili sa malambot na kama. Ninamnam ko pa muna ang lambot ng higaan bago tuluyang sumagot sa sinabi ni David. "Mamaya na. I'll rest muna", anas ko na ikinatango nito. Kita ko ang mga mata nitong nagtatanong, nag-aalala kung may nararamdaman ba akong kakaiba. Habang nakatitig ako kay David ay pansin ko na ang katandaan nito. Kahit gwapo ito ay halata mo pa rin na ume-edad na. Ang mga puting buhok nito ay unti-unting sumisilip sa bawat kanto ng buhok, pati na rin ang balbas nitong tumutusok sa mga pisngi ko ay pumuputi na. Hindi naman maitatangging makisig ito. Kahit fifty-one years old na si David ay hubog na hubog pa rin ang katawan nito. Sa totoo lang, sa lahat ng sugar daddy ko ay si David ang pinaka mabait. Napaka maalalahanin at palangiti nitong tao. "Did I do you so much? Do you need something? Are you hungry?", sunod-sunod na tanong nitong nakapagpatawa sakin. Umalis ako mula sa pagkakahiga saka umupo patabi rito. "No, I'm just tired. Nothing new. Huwag kang mag-aalala ayos lang ako", ngiti ko rito saka itinali ng maayos ang robe na suot ko. "You sure?", pag uulit pa nito kaya mas natawa ako. "Sure na sure! I'm adult now, you see", pagyayabang ko rito. Napansin ko namang nawala kaunti ang pag-aalala nito dahil sa sinabi ko. "A'ight. I can't go with you today honestly. Hindi ako makakasama sa pamimili mo. I have an important meeting to attend to", malungkot nitong anas saka kinuha ang kamay ko. Tumango pa ako bilang pagsang-ayon rito. "Alam ko naman 'yon ano. We can go out later! Kapag hindi ka na busy. Just contact me", ngiti ko rito. Ginulo lang nito ang buhok ko saka tumayo ng kama. "I'll change na muna", sambit nito saka dumiretso na ng rest room. Lumabas ito ng kwarto na naka-suit and tie na. His attire as always. He's a businessman after all. "I gotta go, bye", ngiti nito sakin saka marahang hinawakan ang pisngi ko. "Happy birthday princess", bulong nito sa tenga ko saka tuluyang lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako nang pabagsak na sumara ang pinto. Pabalik akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. Ilang minuto rin akong nakatulala rito. Pinikit ko sandali ang mga mata ko pero hindi ko magawang humimbing ng tulog. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko pero hindi manlang ako dinadapuan ng antok. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mamahaling kwartong tinutuluyan ko ngayon. Nilibot pa ng paningin ko ang kabuuan nito. Kailan kaya ako makakabili ng bahay na katulad nito? Alam kong high class hotel ito pero malay mo naman hindi ba? Nagpagulong-gulong na lang ako sa king size bed na hinihigaan ko ngayon. "ahh...", kausap ko sa sarili ko saka tumayo na sa kama. Napabaling ako sa biglang tumunog malapit sa glass table. Nakita kong umilaw 'yong screen ng cellphone ko. Tumambad sakin ang mga text messages ni Annie. 'Ate, uuwi ka ba ngayong araw? Pinaghanda kita, ingat ka palagi ha'. Basa ko sa text nito. Natutop ko na alang ang sariling labi saka pabatong ihinagis ang cellphone sa kama. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nang tatanggalin ko na ang suot kong robe ay natigilan ako sandali. Para akong nawalan ng lakas, halos mapahawak ako sa bathtub dahil sa pagbigay ng tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ang lalamunan ko na para bang may bumara dito. Ano bang nangyayari sakin? Napa-upo na lang ako sa sahig nang maramdaman ko nang basa ang magkabilang pisngi ko. "teka...umiiyak ba ako?", natatawa ko pang kausap sa sarili. Nang mag-angat ako ng tingin ay kitang kita ko ang repleksyon kong nakapaskil sa malaking salamin ng banyo. Kitang kita ko ang wala sa ayos kong buhok at ang halos hubo't hubad kong katawan. "bakit...." "...bakit ang dumi ko?", bulaslas kong bigla saka napahagulgol. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Breakdown ba ang tawag dito? "tumigil ka nga Red...ano bang..bago?", utal ko pang kausap sa sarili saka pilit pinupunasan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Bakit ngayon pa? Wala naman bago ah? I started doing this kind of stuff since I was fourteen. I tried to make a living but ended up being molested. I tried several times. Pumasok ako sa pagwawalis, pagtitinda, pag-gawa ng sariling negosyo, pero ano? Every time I'm trying to pick up myself, there's someone who's trying to ruin me. Every f*****g time. Wala pa ako sa legal na edad para makakuha ng trabahong kaya kaming buhayin ni Annie. Ayon lang ang kinaya ko. I don't want to remember everything that lead me this far. Natatakot ako. I gasp and gasped. Pakiramdam ko ay mas tumindi ang paghinga ko, ang bigat sobra ng nararamdaman ko. Bakit ang damot ng pagkakataon samin? We just wanted to live like the other kids. Hindi ko man lang namalayan na hindi na ako bata. I grew up without knowing. Disi-otso na ako. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakalugmok saka pinaandar ang gripo ng shower. Hinayaan kong malunod ang sarili sa malamig na mga patak nito. Ilang minuto rin akong nagbabad bago tuluyang lumabas ng banyo. Naglakad ako palabas ng hubo't hubad saka tinuyo ang sarili. Walang gana akong nagtungo sa malaking cabinet na katabi ng malaking vase sa sulok ng silid. Inilabas ko mula rito ang naunang regalo sakin ni David. Kinuha ko mula sa malaking kahon ang laman nitong white dress, kahon pa lang ay halatang mahal ito. Kaagad ko itong binalot papasok sa bag ko saka kinuha ang sweatpants at oversized hoodie kong gray na nakalagay sa ibabaw mismo ng cabinet at ito ang sinuot ko. Lumabas ako ng hotel room tulad ng lagi kong ginagawa. Iniwan ko ang susi ng kwarto sa counter saka tuluyang lumabas ng building. Wala akong ganang kumain rito. Nararamdaman kong may mga matang nakatitig sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Siguro ay namumukhaan na nila ako dahil sa palagian ko na ring paglabas pasok rito. Hindi ko na lang ito pinansin saka nagpatuloy sa paglalakad. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko saka humakbang patungong bus stop. Malapit lang ito sa hotel na nilabasan ko kaya naman mabilis akong nakarating dito. Natigilan pa ako nang makapa ang sobreng binigay ni David na ngayon ay nasa bulsa na ng jogging pants na suot ko. Marahan ko itong inilabas mula sa bulsa ko saka ito binuklat. Natutop ko na lang ang sarili kong labi nang mapagtantong na sa one hundred thousand ang laman no'n. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ba dapat ay masaya ako? Mayroon na kaming pang bayad ng kuryente, bahay at pang tuition ni Annie. Napapiltig na lang ako ng ulo nang dumating na ang inaantay kong bus. Kaagad akong sumakay rito at naupo sa hulihan. Gusto ko ng itulog ito. Para akong tangang nakatindig sa harap ng pinto ng bahay namin. Gusto ko ng pumasok sa loob pero parang sinimento ang mga paa ko sa lupa. Pipindutin ko na sana ang yung door bell nang biglang tumambad sa harap ko si Annie. "Happy Birthday, ate!" masaya nitong bati habang nakapatong pa ang birthday hat sa kanyang ulo. Napangiti ako sa paghihitsura nito. Biglang lumamlam ang pakiramdam ko nang makita ang mukha ni Annie. Iginaya ako nito papasok ng bahay at sapilitang hinigit papuntang kusina. "Hindi mo ba muna ako pagpapalitin ng damit?", anas ko habang natatawa. Bata pa rin kase ito kung kumilos. "Ate naman eh, kanina ko pa tinusok yung kandila sa cake mo! Hipan mo muna at mag wish ka!", pangungulit nito habang tinutulak ako palapit sa cake na binake nya. "Kailangan ba talaga ng wish?", sambit ko pa ngunit ngumuso lang ito. Napailing na lang ako saka yumuko ka-lebel nung cake. Pinikit ko ang mga mata ko saka hinipan ang ilaw ng kandila. Sana maging maayos na ang lahat samin ni Annie. "Yehey! At dahil jan, eto ang gift mo!", karipas nito nang takbo sa harap ko sabay lahad ng maliit na box na may laso. Hindi ko mapigilang mapangiti sa binigay nito. Nang buksan ko kasi ito ay tumambad sakin ang isang couple keychain. Tag-isa raw kami nung hugis racoon na manika. "Salamat, Annie", ngiti ko rito. Alam kong pinaghandaan nya talaga ang birthday ko. Napansin ko kase ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Mayroong cake, carbonara, fried chicken at gulaman. Pati ang buong kusina namin ay pinuno nito ng lobo. "Ano ka ba ate, maliit na bagay. Gusto ko sana bigyan ka ng magarbong debut pero kulang ang ipon ko..." halos pabulong na nitong sabi na nagpakirot ng dibdib ko. "Annie naman? Alam mo namang hindi ko gusto ang mga magarbong handaan di ba? Masaya na ako dito. Ikaw, ako", anas ko saka ito yinakap, gumanti naman ito. Napaka-swerte ko dahil napaka buting bata ni Annie. "Madami pala tayong handa, hindi ka ba nag imbita ng mga kaibigan mo?", pag iiba ko ng usapan pero mukhang natahimik ito. "hindi naman ako yung may birthday", mahina nitong saad kaya napalingon ako dito. "teka...may hindi ka ba sinasabi sa-", "ate naman! hindi ka ata masayang ako ang kasama mo magcelebrate eh, dapat nga ikaw ang nag iimbita ng mga kaibigan mo!", biglang bulaslas nito kaya ako naman ang natahimik. Napakamot pa ako ng batok dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihing wala akong kaibigan. "ah...eh...ano ka ba! siyempre masaya ako! Ikaw pa ba? Ikaw lang ang favorite person ko. Oh eto, para sayo", anas ko saka kinuha yung white dress mula sa bag ko. Nakita ko pang nanlaki ang mata nito nang makita ang binigay ko. "Ate saan mo nabili 'to? branded 'to ah? Sigurado ka bang para sakin 'to?", takha pa nitong tanong ngunit halatang kumikinang ang mga mata nito sa tuwa. "Ah-basta! para sayo 'yan. Heto fifty thousand, thirty thousand para sa tuition mo at twenty thousand para sa gastusin natin dito sa bahay", abot ko rito ng sobre. Natigilan naman ito sandali pero tinanggap pa rin niya ito. "Ate...", tawag nito sakin ng mahina. Halos gapanggin ako ng kaba dahil sa inosente nitong tinig at titig. "Ha?...Hindi pa ba tayo kakain?", pag-iiba ko na lamang ng usapan saka ito niyayang kumain. Ngumiti na lang ito sa akin at mukhang nalimutan na ang sasabihin. Nakahinga ako ng maluwang nang mag umpisa na kaming kumain. Natapos kami sa hapag ni Annie saka nagtungong sala para manood ng movie. "Aba, pinaghandaan mo talaga ah? Netflix and chill?", nakangisi kong saad rito. Kaagad itong tumawa saka ako binato ng unan. "Oo naman! Minsan ka lang umuwi kaya naman susulitin ko na", ngiti nito sakin na nakapag padurog ng puso ko. Sumiksik ito sa tabi ko saka pinatong ang ulo sa balikat ko. Ilang minuto pang namutawi ang katahimikan bago ito muling nagsalita. "Ate, happy birthday ulit. Masaya bang maging eighteen?", bulaslas nito habang nakatuon na ang atensiyon sa TV. Natutop ko na lang ang sariling labi at napatingala. "Oo, masaya. Pakiramdam ko ay napakatanda ko na...", mahinang bigkas ko saka tumitig sa pinapanood nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook